CHAPTER 2: Mia Luna (Ava)

2113 Words
Paglabas na paglabas ko ng kotse, kaagad nang kumaripas ng takbo ang transporter paalis. Though hindi naman ako natakot dahil habang nasa byahe kami ay sinabihan na ako nito kaagad kung anong gagawin ko once he dropped me off here. May mataas na kulay maroon na fence ang two storey house na nasa kinatatayuan ko ngayon. Bagamat luma na ang bahay, naisip ko na heto ata ang mga usual na bahay ng mga Pilipino madalas. I'm not sure but it looks comfy anyway. May mga tanim kasi silang iba't ibang mga bulaklak at may puno pa ng mangga na ang labong ng tanim, halatang alagang-alaga ito ng may-ari. I cleared my throat as I moved my ass and pushed the small doorbell twice in the stainless fence of the house. After that, nag-back step ako to give proper respect for the owners. Ilang sandali lang, may lumabas ng dalawang mag-asawa na sa tingin ko ay nasa may 50's na. Ang matandang babae ay may suot na reading glasses, habang ang lalaki naman ay may hawak pang pandilig sa mga halaman. Nakasuot ng lumang grey na polo si Manong, habang ang babae naman ay naka-dress na humantong hanggang baba ng tuhod nito. I've seen this kind of clothes before, ito madalas ang sinusuot ni Mama Ofelia na kung hindi ako nagkakamali ay ang tawag dito ay daster. I always love seeing my Mama Ofelia dressing like this. Parang kasing nasa Hawaii s'ya madalas kahit pa winter. Na-miss ko tuloy s'ya and I wonder off if where she is right now? Kung kumakain ba s'ya nang maayos? Kung may maayos ba siyang tahanan? Kung nakakalabas pa ba s'ya? Sa pag-iisip ko ng mga gano'n, hindi ko na napigilang maluha at nakita at napansin naman iyon ng dalawang mag-asawa na nasa harapan ko na pala ngayon. "Ava? Ikaw na ba 'yan, hija?" gulat na tanong ng matandang babae habang ina-adjust nito ang kaniyang reading glasses para maaninag ako nang maayos. I flinch when I heard her say my real name. Takot na takot akong nagtingin-tingin sa paligid. "K-kilala n'yo po ako?" malamlam ang boses na tanong ko. Nagkatinginan silang mag-asawa bago sila tumingin muli sa akin. "Halika muna sa loob, hija. Doon tayo mag-uusap," saad ng matandang lalaki na ibinaba muna nito ang hawak niyang pang dilig sa mga halaman sa tabi ng puno ng orchids na tanim nila. Hindi na ako nagdalawang isip pang sumama sa kanila. Mama Ofelia must've known them for ages para ipagkatiwala ang totoong pangalan ko sa kanila kaya panatag na rin kahit papaano ang loob ko. Though hindi ko pa rin mapigilang mag-worry dahil sa ipinangako sa sarili kong wala na akong ibang tao na papapasukin sa puso ko para na rin sa kaligtasan nila. But the feeling that I've got with them, one thing I realize is that I'm doomed. Pagpasok namin sa mumunting bahay nila ay pinaupo kaagad ako sa may sala. Sila pa ang nahiya sa akin at humingi ng dispensa na ganito lang ang bahay nila, simple at marumi pa. But when I roomed my eyes around, hindi naman marumi ang bahay nila. Actually, ang linis pa nga kahit na old fashioned ang lahat ng kagamitan nila rito sa loob. Ang dining at living room ay magkasama sa iisang floor, ang sofa naman ay made of wood na may apat na piece ng manipis na cushion. Habang sa kitchen naman nila ay parang katulad lang din sa Italy na naka-hang ang mga kasangkapan sa kitchen, though theirs are much old fashioned than what we have back home. "Naku 'wag po kayong humingi ng pasensya, ang linis nga po ng bahay n'yo eh at sobrang tumatanaw na po ako ngayon nang malaking utang na loob na tinanggap n'yo po ako ngayon dito sa pamamahay n'yo." I felt embarrassed saying that as I bowed my head. I never thought na darating ako sa point na magiging burden ako sa mga taong nasa paligid ko. Ayoko man ng ganito but I hardly need their help. Tumabi sa akin ang mabait na ginang ay inalo ako sa pamamagitan ng pag-akap sa akin. I flinch a little when her warm body envelopes mine in a motherly manner to the point that it reminds me of my mom and my Mama Ofelia's hug. Hindi ko na napigilan ang sarili ko't napaiyak na akong tuluyan at habang humihikbi ako ay hinahagod lang naman ng mabait na Ginang ang likod ko habang hinahayaan n'ya akong iiyak ko lang lahat ng nasa puso ko ngayon. They never sugar-coated everything nor say other than, "Iiyak mo lang lahat, hija. Nandito lang kami. Hindi ka na mag-iisa." After my breakdown, nagpunas na ako ng mukha at taas noo na silang hinarap muli. From now on, ayoko nang magmukhang mahina sa harapan ng mga tao. I want them to look at me as a powerful woman kahit na sobrang layo na ng nakagisnan kong buhay sa Italy noon. I have to remind myself that I'm not that Ava Sorrentino na spoiled brat na nakukuha lahat ng gusto kahit hindi ko pa hingin. Right now, my life is at rock bottom. But I won't let anyone suffer because of me. Not anymore... After I gather myself together, nagsimula na akong magtanong sa kanila ng mga bagay-bagay. "Paano n'yo po pala nalaman ang totoo kong pangalan?" Ngumiti nang matamis sa akin ang ginang at muling in-adjust ang reading glasses n'ya. "Isiniwalat sa akin ni Fely," I slightly arched my eyebrow. "Si Mama Ofelia po?" Tumango-tango naman ito. "Magkababata sila, hija." si Manong na ang sumagot ng susunod ko sanang tanong. "Parang magkapatid na ang turing namin sa isa't isa ni Fely, hija. Kahit hindi man kami magkadugo, nagturingan pa rin kaming magkapatid. Kahit na nawalan kami ng connection sa isa't isa nang mag-ibang bansa s'ya, hindi pa rin naman nagbago ang turing namin sa isa't isa." Napangiti ako. Kaya pala magaan na kaagad ang loob ko sa kanya, considering na ang taas-taas na ng walls na itinayo ko for my boundaries from other people. At kahit pa sinabihan na ako ni Mama Ofelia that I shouldn't trust no one, parang automatic na nilang nakuha ang tiwala ko. But no. Well, firm pa rin naman ang desisyon ko na wala akong dapat pagkakatiwalaan na kahit sino, because trust is a very dangerous weapon that can be used against you by your enemy. Hinding-hindi ko na muling bibigyan ng ace cards ang demonyo kong asawa para gamitin ito laban sa akin. Tama na si Mama Ofelia. Kaya naman kahit gusto ko pa silang kilalanin, I stopped myself from doing so and just go straight to business. "Maraming salamat po, Ginang—" "Ay naku, hija, tawagin mo na lang kami na Nanay Flor at Tatay Kiko." Okay, I can live with that. Naisip ko rin na need din 'yon dahil nga sila na ang magiging magulang ko. I nodded my head in a very professional way. "Okay then, Nanay Flor at Tatay Kiko," I said with gratitude as I looked at each one of them. "Ang sabi po sa akin na kayo po ang tatayong mga magulang ko?" They were about to answer when I remembered something to add. "Legally?" Nagkatinginan silang mag-asawa. With that, kaagad ko rin naintindihan ang reaksyon nila. I see, foster lang siguro talaga ang napag-usapan nilang dalawa ni Mama Ofelia. But in my situation, I hardly need to change my name. Especially my surname. "Naku hija, 'wag mo sanang mamasamain ha? Pero pag-foster lang kasi ang nakapag-usapan namin ni Fely," Napangiwi ito. Nahihiya. I smiled in understanding. "Naiintindihan ko po iyon. Pero willing naman po akong magbayad. At h'wag n'yo rin po sanang masamain ang intensyon ko. But my life would probably be in danger if I don't change my name as soon as possible. Gusto ko rin po sanang ipagpatuloy ang pag-aaral ko rito. At gusto ko pong gawin lahat ng 'yon sa tamang pamamaraan." I'm not like my demon husband. I hate his kind. And doing illegal things boils my blood. Ilang sandaling katahimikan ang bumalot sa aming tatlo, 'yong bang ang maririnig na lang ngayon dito ay ang huni ng malamig na hangin sa labas at ang ingay na nagagawa ng sofa na gawa sa kahoy. I admit, kinakabahan ako sa kung ano mang magiging desisyon nila pero sana ay maintindihan nila ako. Naiintindihan at naiisip ko rin na may consequences din ang gagawin kong ito pero 'gaya nga ng sinabi ko, wala na akong hahayaan pa na inosenteng tao na mapapahamak nang dahil sa 'kin. I'm going to own every mistake I will make in the future and I'm also willing to do everything just to survive. Legally... "Handa po akong mag-hire ng lawyer para mapabilis ang proseso at kung may mangyari mang hindi inaasahan in the near future, I will leave you enough money to gain your life back. Just please, help me with this and I promise you that I will help you with everything that I can." determinadong saad ko. At this point, pati pag-crossed fingers ay napatusan ko na, mapapayag ko lang sila. "Oh s'ya sige! Nakikita at ramdam naman namin na kailangan na kailangan mo ng tulong namin. At gusto rin naming makatulong lalo't tinuturing ka nang parang isang tunay na anak ni Fely." Napangiti ako nang malawak. At para rin akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan sa pagpayag nila. Oh, thank God! Finally! My first time towards my new fresh start! *** Kinabukasan, kagaya ng napag-usapan, tinulungan din ako nila Nanay Flor at Tatay Kiko na mag-hire ng lawyer para mapabilis ang proseso ng adoption nila sa akin at ang pagpapa-name change ko. Hindi naman kami nabigo sa mga gusto naming gawin dahil may pera naman kaming hawak na pambayad para sa paglilingkod nila. At sa isang araw lang, na-grant kaagad ang adoption nila sa akin at kasunod no'n ang pagpapalit ko ng pangalan. Sa wakas, after two days of waiting, I am now officially Mia Luna... Bago kami umuwi ng mga bago kong magulang sa bahay, tinupad ko ang sinabi ko sa kanila na iiwanan ko sila nang malaking halagang pera para in case of emergency, may magamit sila. Yes, halos maubos ang savings na iniwan sa akin ng parents ko but for me, it's all worth it. At sa tingin ko ay heto rin ang gusto nilang mangyari para sa akin. Right now, all I need to do is to sell all of my expensive stuff to help me get through college dahil hindi na kakasya ang savings ko plus pang araw-araw ko pang gastusin. Lalo na't hindi biro ang course na gusto kong kuhanin. Kaya naman pagdating namin sa bahay ay kaagad akong nag-ask for Nanay Flor's help kung meron ba siyang kakilala na pwedeng makakatulong sa akin on how to sell my stuff at kung paano mag-enroll sa mataas na paaralan dito sa Pilipinas. Ngumiti si Nanay Flor sa aking humarap dahil sa naghahanda na ito ng niluluto n'ya para sa lunch namin. "Ay naku, hija, tamang-tama! Darating ngayon ang anak ko galing trabaho n'ya. Kung meron mang taong mas nakakaalam at makakatulong sa 'yo, s'ya iyon." My mouth was left hanging open upon hearing that they have a daughter or son. Gosh, I forgot to ask that two days ago. Wala rin kasi akong nakikitang picture na naka-display or hang man lang sa pader nila rito. Well, maybe they're not a big fan of pictures, which is a big plus for me and my boundaries. "Anak? Babae po ba o lalaki?" I asked, out of curiosity. I just hope she's not a she. Para less attachment. I don't need a best friend or what not. "Babae, hija. Halos kasing edad mo rin s'ya at kasalukuyan siyang nag-aaral ng nursing diyan lang sa malapit na kolehiyo ng San Lazaro. S'ya nga pala, may napupusuan ka na bang kursong kukunin mo?" Napapikit ako nang mariin. Double doomed! Napangiwi ako. "Ah, eh, nursing din po." Nang dahil sa nangyari sa parents ko, determinado akong pasukin ang medicine world dahil naranasan ko mismo kung paano at gaano kahirap ang walang alam sa kung anong gagawin sa oras ng pangangailangang medical. It pains me so goddamn much na wala man lang akong magawa habang nahihirapan sila at nasasaktan sa sakit nila. Kaya naman, gusto kong pasukin ang pagmemedesina para makatulong sa iba. Hindi ko man naisalba ang mga magulang ko, magsasalba naman ako nang marami pang tao na talagang nangangailangan ng tulong ko. "Oh, tamang-tama rin! Ay naku! Talagang magkakasundo kayo ng anak kong si Carla." Masayang-masayang sambit n'ya. Carla... Napapikit muli ako nang mariin. Gosh, pangalan pa lang, mukhang sasakit na kaagad ang ulo ko...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD