CHAPTER 3: Carla (Mia)

2413 Words
"Sinong namiss niyong lahat?!" Matinis na sigaw ng isang babae. Oh God, kakasabi ko lang, dumating na kaagad. Kaagad lumingon si Nanay Flor at si Tatay Kiko naman ay napababa rin ng staircase mula sa second floor dahil ito'y nagpapahinga magmula sa pagtatrabaho sa anihan nila kaninang umaga. Pungay pa nga ang kaniyang mga mata pero makikita talaga ang saya at kinang ng kaniyang mukha nang makita ang nag-iisa pala nilang anak na babae na it turns out na kasing-edad ko lang pala. Ang mag-asawa ay sinugod ng masayang sigaw ng pagbabalik at yakap ang dumating, pero ako ay nanatiling nakatalikod sa kanila. Honestly, I don't want to see another doom of me. Because I know, this might be another ace card that my evil husband might use against me in the near future. No more ace cards, Russo. No more... wala ka nang magagamit muli sa akin because I won't let you. "Oh, Carla, anak! Isang buwan ka rin naming hindi nakita at nakasama. Sabi ko naman kasi sa iyo na hindi mo naman kailangang mag-trabaho para tustusan ang iyong pag-aaral eh dahil kakayanin naman namin ng Ama mo ang iyong tuition sa kolehiyo," I can bet na naluluha na ngayon si Nanay Flor habang sinasabi 'yon sa anak. Kahit ilang araw pa lang akong nanatili sa puder nila, hindi naging mahirap sa akin ang basahin sila. And they are very down to earth persons. That's why I said I am now doomed, twice. It's hard to build up a wall kung ganito ang mga tao sa paligid mo. Idagdag mo pa ang kanilang anak na makakasama ko rin pala sa university dahil ano bang alam ko dito sa Pilipinas? S'ya lang ang alam kong makakatulong sa akin makapagsimula muli sa aking pag-aaral. "Ay nako si Nanay talaga oh. H'wag na kayong mag-alala sa akin dahil tulad naman ng sinabi ko noon na kaya ko naman ang trabaho ko. Saka, 'nay matanda na kayong dalawa ni Tatay. Ang dapat na lang sa inyo ay nagpapahinga at hindi na kumakayod pa. Saka pambawi ko na rin po ito sa inyo, 'di ba? Dahil sa pagkawala ko sa landas ng ilang taon? Nang dahil sa ginawa ko, heto at nasa first year pa rin ako ng kolehiyo na sana ay nasa third year college na ako." paliwanag naman n'ya. Base sa boses n'ya, maririnig at ramdam mo talaga ang kaniyang pagsisisi sa nagawa nito sa buhay. Somehow, I felt like an outsider all of a sudden here. Gosh, ang awkward sa part ko. But how can I exit here without them noticing? Maybe I should slowly walk to the staircase? Yes, 'yon nga! I took a few steps and they're still on their drama stage kaya medyo nakakahinga na ako nang maluwag. Sa ngayon, nag-iiyakan na sila and as for me, it's the perfect opportunity to just skedaddle. Pero ang plano ko ay nabulilyoso nang marinig ko ang boses ng anak nilang si Carla. "Sandali, sino iyon, 'nay? 'tay? Bisita natin? Pero bakit parang mukhang foreigner? At mas maganda pa ata sa akin? Likod pa lang eh." Ramdam ko ang pagnguso nito habang ramdam na ramdam ko rin ang pagtitig nito sa likuran ko. Hindi ko naman mapigilang mapaismid ng tawa. Seriously, this girl? After their drama, nagawa pa talaga niyang magsabi ng gano'n. Hindi pa rin ako lumilingon dahil hanggang ngayon ay natatawa pa rin ako lalo na sa susunod pa nitong mga sinabi. "At halata ring yayamanin, ah? Naka-hermes shirt pa. Nako, 'nay! Mambubugaw na ba kayo ngayon? Isang buwan lang akong nawala ha?!" akusasyon n'ya sa mga magulang n'ya. "Ay nakong batang ire! Kung ano-anong sinasabi mo! Eh kung hinayaan mo kaming nagpaliwanag muna, 'di ba?" giit ni Nanay Flor sa anak. This time, hinarap ko na sila, pero syempre before I turn around, I make sure that I look collected and cool. Doon naman ay kitang-kita ko ang paglaglag ng panga ni Carla at ang kaniyang gulat na pagsinghap. "Oh my gosh! Mukhang dyosa!" Lumapit sa akin si Nanay Flor at malaki ang ngiting niyakap ako pa-side sabay pakilala sa anak n'ya. "Anak, Carla, heto nga pala si Mia, ang bago mong kapatid." Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. "Ano?! May kapatid ako sa labas?!" *** Kinagabihan habang kumakain kami ng dinner sa hapagkainan, seryoso lang nakamasid sa akin si Carla which made me really uncomfortable. Hindi ko tuloy manamnam nang maayos ang masarap na pagkaing inihanda ni Nanay Flor na sobrang na-miss ko. Isa pa naman itong kalderetang manok na maanghang—one of my favorite Filipino dish. "So, ngayong hindi ko naman pala totoong kapatid itong si Mia, kagaya rin ng paliwanag n'yo kanina na nag-ampon kayo Nanay, pero bakit? Para saan pa, Nanay? Tatay?" mapanuri nitong tanong habang nag palipat-lipat ito ng tingin sa mga magulang n'ya. Umayos ako ng upo. Gosh, this is so awkward again. Saglit na nagkatinginan kaming tatlo nila Nanay Flor at Tatay Kiko then sila naman mag-asawa ang nagkatinginan na parang sa pamamagitan no'n ay do'n na sila nag-uusap ng masinsinan. Unang tumikhim si Nanay Flor. "Hinabilin kasi s'ya sa akin ng kababata ko noon. At saka heto na nga rin siguro ang blessing na matagal na naming hinihintay sa Diyos noon pa sa amin ng Tatay Kiko mo na magkaroon pa ng isang anak. Alam mo naman na anak, 'di ba kung gaano namin kagusto ng Tatay Kiko mo na bigyan ka ng kapatid? Siguro kaya hindi kami biniyayaan ng panginoon ng isa pang supling, meron naman pala siyang ibang paraan para ibigay iyon sa amin, sa atin." Kibit balikat na paliwanag nito sa anak. "At saka 'di ba matagal mo nang gustong magkaroon ng kapatid na babae? Ayan na s'ya oh, si Mia. Na sana ay matanggap mo nang buong puso, kagaya ng ginawa namin ng Nanay mo sa kaniya." dugtong pa ni Tatay Kiko. Which made me smiled at him in gratitude. Now, I finally get it as to why they were so welcoming and kind towards me. At kung gano'n na lang ang pagka-palagay ng kalooban ko sa kanila. "Bakit ayaw mo ba?" dagdag na tanong pa ni Nanay Flor sa anak. Out of curiosity, napatingin ako kay Carla, gano'n din ang mag-asawa. Bumaba naman ang tingin nito sa kinakain n'ya. "Gusto," bulong n'ya pero mukhang nagdadabog pa rin naman s'ya. Naiintindihan ko naman. Siguro kung ako rin ang nasa lugar n'ya, ganito rin malamang ang magiging reaksyon ko. Or maybe more. I don't know. "Pero?" malumanay na dugtong ni Tatay Kiko. Pinaghalong sakit ng loob at pagdadabog na sinusundot-sundot ni Carla ang pagkain n'ya sa pamamagitan ng kaniyang hawak na fork. "Pero naman kasi, hindi ko lang matanggap," Nakalabi na nitong bulong ngayon. Bahagyang napakunot noo ako. "Hindi matanggap ang ano?" nag-aalalang tanong ni Nanay Flor. "Na kung bakit naman mas maganda s'ya kasya sa akin? Tingnan n'yo nga s'ya oh! Mukha siyang European model na lumabas sa isang sikat na magazine! Gosh! Ang hirap lang tanggapin, 'nay!" Sukat doon ay nabiglang nabatukan s'ya ni Nanay Flor sa ulo. "Diyos kong batang ire, oo!" Natatawa naman kaming dalawa ni Tatay Kiko habang nagtatalo na ang mag-ina ngayon. "Eh sa hindi n'yo 'ko masisisi, Nanay!" Napapailing na lang akong nagpatuloy sa pagkain ko. Gosh, akala ko naman kung ano. Nag-da-drama lang pala ang babaeng 'yon. Which is sobrang nakakatuwa pala s'ya. Pagdating ng bedtime, since tatlo naman ang kwarto dito sa second floor, may kanya-kanya naman kaming silid kaya hindi na ako mahihirapan na makihati kay Carla. Not that nag-iinarte ako. Mabuti na rin kasi ito para ma-maintain ko ang boundaries ko sa kaniya. I was about to enter my room when she called my name. "Yes?" I asked with an eyebrow raised in curiosity. "Ang sabi sa akin ni Nanay gusto mo raw mag-enroll sa Colegio de San Lazaro?" Bahagyang tumango-tango ako at nag-hum pagkatapos. "Nursing din?" Again, I nodded my head. "Hindi ka naman pipi, 'di ba?" Bahagyang ngumiti ako. "No, I'm not." "Don't english me please. Quotang-quota na ako sa mga customer kong foreigner. Hilong-hilo na 'ko, so please have mercy on me." This time, napatawa na ako nang mahina. "Sure. Walang problema. Marunong naman akong mag-tagalog." "Aba dapat lang, 'no? Nasa Pilipinas ka, kaya dapat ay mag-tagalog ka. Bueno! Sabay na tayong magpa-enroll bukas ng umaga. Dapat alas singko pa lang ay gising ka na para matapos tayo nang maaga at mahaba-haba panigurado ang pila bukas dahil start na ng enrollment." "Sure. 5 am sharp." I noted. After that, papasok na sana ito sa kaniyang silid nang ako naman ang tumawag sa pangalan n'ya. She stopped midway. "Hmm?" she hummed. I chewed the bottom of my lip. Nahihiya akong mag-ask ng pabor sa kaniya pero kailangan ko talaga ng tulong n'ya eh. "Ano kasi eh, hindi ko naman alam kung magkano ang enrollment sa College of Nursing, baka kasi ma-short ako sa pera. Gusto ko lang sanang humingi ng tulong sa 'yo. Kung ano, kung maaari mo ba akong tulungan ipagbili ang mga mamahalin kong mga damit at gamit?" nahihiyang napakamot ako sa aking kilay. Pinagpapawisan ako nang malamig, ano ba 'yan! Sabay na napataas ang dalawa nitong kilay. "Whoa, h'wag mong sabihing lahat ng mga gamit mo ay branded din?" Tumango-tango na lang ako. There's no point in lying. Nasa iisang bubong lang kami nakatira, malalaman at malalaman din n'ya ang katotohanan. "So, mayaman ka pala..." she said matter-of-factly. "Was," I corrected. "Hmm 'kay." Nagkibit balikat na lang ito kahit nahahalata ko naman na curious na curious s'ya sa pinanggalingan ko noon. I'm actually thankful na kahit alam kong gusto niyang malaman ang tungkol sa part na 'yon, hindi s'ya nanghihimasok sa naging buhay ko dati. "Tutulungan mo 'ko?" Tuwang-tuwang tanong ko. "Oo naman. Kapatid kita, kaya obligasyon kong tulungan ka." walang alinlangan niyang sabi. Ewan ko ba pero bakit nangilid ang luha ko sa sinabi nito? Siguro dahil iisa lang din akong anak at hindi ko naranasan na magkaroon ng kapatid? Gosh. Ganito pala ang feeling kahit hindi naman talaga kami magkapatid by blood. Bago pa mapansin nito ang pangingilid ng luha ko, kaagad na akong pumasok sa silid ko. Ayokong makita n'ya na mahina ako. *** Kinabukasan, kagaya ng napag-usapan, alas singko pa lang ay naka-ready na ako't lahat pero si Carla ay tulog na tulog pa ata. My gosh! Totoo nga talaga ang Filipino time rito kagaya ng sabi ni Mama Ofelia. Kaya naman nagtungo na ako sa silid nito at kinatok na ito at tama nga ako dahil pagbukas nito ng pinto, gulo-gulo pa ang buhok ni Carla habang half-gising, half-tulog pa itong nangangamot ng ulo. She yawned. "Ano ba? Ang aga-aga pa eh." Ako naman ang napakamot ng ulo. "Akala ko ba maaga tayo ngayon kasi start na ng enrollment?" Nang marinig iyon, nagpakawala ito ng isang malakas na s**t under her breath sabay takbo nang mabilis sa silid nito. Napangiwi pa ako nang sumigaw ito kasabay ng malakas na kalabog sa loob ng silid nito. Mukhang nabunggo pa ata ito sa kung saan. Naiiling akong bumaba na lang sa may kitchen area para tumulong kay Nanay Flor sa paghahanda ng agahan. "Oh, hija! Magandang umaga. Maupo ka na roon at patapos na rin ako rito." Turo n'ya sa may upuan sa hapagkainan sa kung saan may umuusok nang kanin at mga itlog at gulay. "Tulungan ko na po kayo, Nanay Flor." I insisted. Wala na rin itong nagawa nang tumabi na ako sa kaniya at tinulungan nga ito sa pagluluto pa ng kung hindi ako nagkakamali ay longganisa ata ang kasalukuyan niyang piniprito. Hindi naman ako nahirapan dahil patapos na rin ito. Pagkatapos ko naman maisaka ang mga ito sa cooking oil, iyon naman ang pagdating ni Carla na nakasuot na ng floral dress na above the knee. With her light make-up, mas umarangkada pa ang kagandahang taglay nito. Ay nako, nagrereklamo pang mas maganda raw ako pero halos magkasing-ganda lang naman kami. Balingkinitan din kasi ang katawan nito. Her body shape is a model type. She has the Filipina features na sobrang hinahangaan ko na morena, alon-alon ang black na buhok, ang ilong naman nito, kahit maliit ay matangos naman, while her lips are rosy, though her eyebrows are thinner, pero na enhance naman n'ya ng pang eyebrow. Actually, marunong siyang magdala ng kaniyang sarili. Siguro ang trabaho nito ay pagmomodelo. I don't know, it just gave me the vibe. Maybe I can ask her for help also. Nakakahiya man pero kailangan ko talaga ng tulong n'ya dahil alam kong mauubos at mauubos din ang perang inilaan ng parents ko sa akin. And as a part of their family, obligasyon ko rin na tumulong sa kanila. Hindi dahil sa inutusan ako, kundi dahil sa kagustuhan ko mismo iyon. I'll make a mental note to ask her for job help later. Few hours later, nasa unibersidad na kami ng Colegio de San Lazaro. Hindi naman ito kalakihan pero tamang-tama lang para sa aking pagtatago. As much as possible, I want my life as simple as possible. And this is just so perfect for me. Kaya habang naglalakad kami sa kahabaan ng corridor, kahit pinagtitinginan na kami, masaya lang akong naglalakad katabi ang kapatid ko. "Girl, ang daming nakatingin sa atin, shalala! Parang tayong instant celebrity nito!" Napaismid pa ito ng tawa. "At halos mabali na ang ulo ng mga lalaking nakatitig sa atin, lalong-lalo na sa 'yo!" Ikinibit balikat ko lang ang mga iyon. Actually, wala akong time sa mga ganyan. Nandito ako para mag-aral. And being with men gives me a huge trauma, so the girls around here should relax dahil wala akong balak makipaglaro ng apoy o kahit man tapunan ng tingin ang mga lalaki rito. Pagdating namin sa registrar office, si Carla na ang nag-asikaso para sa akin, minutes later, bumalik ito na busangot ang pagmumukha. "Oh napano?" nag-aalala kong tanong. She rolled her eyes annoyingly as she crossed her arms across her chest. "Eh paano hindi gumana ang taglay ng alindog ko! Ang sabi sa akin ay kailangan mo pa rin daw mag-take ng entrance exam." Magmula sa pag-aalala ko ay napalitan ito ng ngiti. "Don't worry, I'm prepared. Saan ba ang exam room dito?" I asked. Sinamahan naman kaagad ni Carla roon. At kagaya kanina ay pinagtitinginan pa rin kami pero isinangbahala ko lang naman ang mga bulungan at tinginan nila sa akin. Marami-rami rin kaming nasa examination room, at nang dumating ang nagbabantay, nagsimula na rin kami. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD