Kabog ng dibdib, paghinga nang malalim, nanlalamig ang palad, nanginginig ang kalamnan. Iilan lang 'yan sa sari-saring nararamdaman ko ngayon dahil sa ito na ang araw na papasok ako bilang girlfriend for hire sa bago kong trabaho. I've got a call from the company earlier that I've been rented for a full day date with a businessman. Hindi ko pa alam kung ilang taon na ba s'ya o kung anong nationality n'ya or what. As in, nada. Wala pa talaga akong idea kaya heto ako ngayon sa bahay namin ni Carla at tinutulungan niya akong mag-ayos at s'ya na rin pumili ng susuotin ko. She knows these things, so, sa kaniya ko na ipinagkatiwala ang lahat. "Ready ka na ba? Heto na ang susuotin mo oh," Bahagyang itinapon nito sa akin ang isang naka-hanger pa na cut out midi dress. Napaatras akong kau