"Whoa," Bulalas ko nang makita ang online bank account ko. Feeling ko ay parang natanggal ang isang sobrang bigat na bato na nakapatong sa balikat ko nang makita ang naging bunga ng isang gabing pagiging girlfriend for hire ko. Masyado naman atang naging galante si Doctor Belo sa pagbibigay n'ya ng tip? Gosh, seriously? One hundred thousand pesos? I mean... sobra-sobra pa ito sa paunang bayad na kailangan naming i-settle sa hospital. Sa ngayon. Kaya kailangan ko pa ring magtrabaho nang husto para kung sakaling mangailangan pa kami dahil hindi naman masasabi kung may magiging komplikasyon ba o wala ang magiging operasyon ni Tatay Kiko. Mas mabuti na 'yong handa. It's better safe than sorry. Kinabukasan, tinawagan ko kaagad si Carla at sinabi sa kaniya ang mabuting balita. Of course,