CHAPTER 7: HINDI KO PINAPANSIN SI ATE BRIANNA habang kumakain ng almusal at ganoon din ang ginagawa niya sa akin. Usually, nagkukwentuhan kami kapag ganitong umaga at nag-aalmusal pero ang araw na 'to ay iba. Sa loob ng ilang taong hindi kami nagkatampuhan, ngayon na lang ulit. Pinag-isipan kong maigi ang sinabi ni mommy sa akin kagabi, but I can't still agree to what she said, to what they are telling me. Na hindi lahat ng lalaki ay pareho ni daddy at ng lalaking nakabuntis kay ate Brianna. I'm still think that it's just their excuse para umulit lang ulit sa katangahang nagawa nila noon. "Bakit nakanguso ka?" bungad na tanong sa 'kin ni Jessy nang lumabas ako ng gate. "Nakakainis kasi si ate," sagot ko. Pagkasara ko ng gate, nag-umpisa na kaagad akong maglakad. Ganoon din ang ginawa