CHAPTER 6:
KITANG-KITA KO KUNG PAANO nanlaki ang mga mata ni Jessy nang malamang si Andrew ang tumawag sa akin. Alam ko 'yong pakiramdam niya dahil ganoon din ako ngayon, gulat.
"Oo nandito si Ballari—" Mabilis na binawi ko ang phone at saka in-end ang call.
"Bakit mo pinatay?!" gulat na tanong ni Jessy.
"Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang number ko! Akala ko kanina okay na kami, na hindi na niya ako kukulitin pa pero. . . grabe!" iritang sabi ko.
Naupo ako sa kama at saka pinatay ang phone ko. Baka kasi mamaya tumawag na naman 'yon.
"Nakakapaghinala na 'yang si Andrew, ha! Kung for friendship lang, bakit sobra naman yata ang pangungulit niya? Ang daming babaeng pwedeng gawing friends d'yan!"
Nilingon ko si Jessy. "Exactly!"
"Kaya baka tama ang nasa isip ko," dagdag niya pa.
"Anong nasa isip mo?"
"Baka may gusto sa 'yo!"
Umirap ako. "Ganoon naman talaga ang lalaki, gagawing kaibigan tapos bibihagin ang puso at iiwan na lang kapag nakuha na ang gusto."
"Hala? Ang advanced mo namang mag-isip!"
"Mas okay na ang advanced kaysa naman masaktan sa huli."
Tumango na lang siya at hindi nagsalita pa. Pagkatapos no'n ay nagyaya na siyang manuod ng K-drama. Maging ako ay na-excite na rin na manuod kaya binalewala ko na rin ang tungkol kay Andrew.
Naka-apat na episode rin kami mula nang makauwi kami galing sa school. Kung hindi pa tumawag kay Jessy ang mama niya, hindi pa siya uuwi dahil napasarap ang panunuod namin.
Nang matapos maghapunan at nakaligo na rin ako para matulog, doon ko naisipang buksan ang phone ko. Baka mamaya kasi may importanteng text o tawag tapos pinatay ko ang phone ko.
Nakahiga na ako sa kama nang buksan ko ang phone. Habang naghihintay na mag-load ang lahat ng messages, halos lumuwa ang mga mata ko nang sunod-sunod na tumunog ang phone ko galing sa sunod-sunod na messages sa iisang sender!
Pinindot ko ang isang message at nakitang si Andrew iyon.
From: Unregistered number.
Please, gusto kitang makausap nang masinsinan.
Napapikit na lang ako nang mariin. Hindi ko alam kung bakit ang tigas ng ulo niya, kung bakit gusto niya pa rin talaga akong suyuin after what I've said to him. Akala ko okay na, pero mukhang pinag-sink in niya lang sa utak niya ang lahat ng sinabi ko.
Buburahin ko pa lang sana ang 50 messages na galing sa kaniya nang tumunog na naman ang phone ko. Tumatawag siya!
Andrew calling. . .
Bumuntonghininga ako at saka bumangon para sagutin ang tawag.
"Finally!" aniya. Nahimigan ko ang excitement at saya sa kaniyang tinig.
"Akala ko ayos ka na? Akala ko hindi mo na ako kululitin dahil sinabi ko na sa 'yo ang dahilan ko."
"Your reason is not valid. I can't believe that you hated me because of that reason, Ballari. Ganyan ka ba kababaw?"
Natigilan ako sa sinabi niya, kumabog ang puso ko sa mga salitang mababaw ako. Ganoon ba kababaw para sa kaniya ang rason ko?
"Mababaw sa 'yo 'yon?" mapait na tanong ko. "You don't know how much it cost damage to our family! Those men made a huge impact to our life. Kaya huwag mong sabihin sa akin na mababaw ako," mariing sabi ko.
I ended the call and added him to blocklists. Sana naman tantanan na niya ako, ayaw ko na siyang makausap dahil wala nang rason para mag-usap pa kaming dalawa. Higit sa lahat, wala na talaga akong balak na makipagkaibigan pa sa kahit na sinong lalaki.
Bumangon ako sa kama at saka lumabas ng kwarto para sana bumaba at uminom ng tubig. Nang tuluyan akong makababa ng hagdan, naabutan ko si ate Briella sa may sofa habang nakaharap sa T.V.
May kausap siya sa phone at mukhang tuwang-tuwa siya sa kausap niya. Nang makalapit pa ako sa kaniya, narinig ko nang bahagya ang usapan.
"Yes babe, tulog na si Brent ko kaya no worries. We can talk until midnight."
Nanlaki ang mga mata ko sa narinig. Tama ba? Hindi ba ako nabibingi na tinawag niyang 'babe' ang kausap niya sa phone? At they can talk hanggang midnight?!
"Ate!" tawag ko sa kaniya.
Halata ang gulat sa kaniyang mukha nang lingunin ako. She's still holding her phone.
"Ano 'yon? Nakakagulat ka naman!" reklamo niya.
"Sino 'yang kausap mo? May boyfriend ka ulit?!" hindi makapaniwalang tanong ko.
Kumunot ang noo niya at saka tumayo. "Anong problema mo kung may boyfriend ako? Matagal na akong hindi nagkaka-boyfriend, ilang taon na! Kaya huwag mong sabihing 'ulit'."
"Iyon na nga! Kay Brent mo na lang ibuhos ang atensyon mo, don't waste your time over that man kasi balang-araw, iiwan ka lang din n'yan! Pagkatapos mong ibigay ang lahat, iiwanan ka ng lalaki na 'yan!" galit na galit na sigaw ko.
"Ballari, what happened to you? Iniwan ka ba ng boyfriend mo? Did he hurt you?" tanong niya with matching naaawa face. Kunwaring naaawa pero ang totoo, ibinabaling niya lang sa akin ang usapan.
"Hindi ako nagka-boyfriend at hinding-hindi ko susubukang mag-boyfriend, hindi ko kailangan ng lalaki sa buhay ko, ate!"
"Ano bang nangyayari sa 'yo? Bakit parang sobrang affected mo? Kung masaktan man ako, ikaw ba ang makakaramdam?"
Nag-igting ang panga ko. "Then go waste your life to that man tapos magpabuntis ka ulit!" Tinalikuran ko siya.
I saw mommy in the middle of the stairs paakyat sa second floor. Halata ang pagkagulat sa kaniyang mukha na parang hindi siya makapaniwalang nag-away kami ni ate Briella.
Imbes na umakyat ako sa kwarto ko, umalis na lang ako ng bahay dahil sa inis. Narinig ko pang tinawag ako ni mommy pero hindi ko na siya pinansin.
Sobrang naiinis ako, galit ako kay ate.
Kasi bakit ang tanga niya? Bakit ba hindi na lang siya mag-focus sa anak niya at huwag nang mag-boyfriend? Hindi niya manlang ba naisip na baka lokohin lang din siya at buntisin? Hindi ba siya mabubuhay kapag walang lalaki?
It hurts knowing na ako lang ang nag-aalala para sa kaniya. Na sa sarili niya ay hindi siya nag-aalala. Bakit hindi siya natatakot na pwedeng mangyari ulit iyong nangyari na sa kaniya noon? Why can't she just settle for what she's doing now? Maganda na ang buhay niya ngayong naka-graduate na siya, may trabaho at malaki na si Brent pero balak pa niyang paguluhin.
Huminto ang mga paa ko sa paglalakad nang mapansing nasa tapat na ako ng playground. Madilim na dahil sa huling tingin ko sa oras na nasa phone ko kanina, alas dyes na. Tanging ang buwan at ang street lights na lang ang nagbibigay liwanag sa paligid at wala na ring tao maliban sa akin.
When the wind blew, I felt the cold breeze of the night. Bigla akong tinubuan ng kaba. Bakit ko nga ulit naisip lumabas? Bakit hindi na lang ako umakyat sa kwarto kahit na nakaharang si mommy sa hagdan?
Luminga ako sa paligid, ang dilim talaga! Nakakatakot at baka mamaya may makasalubong akong white lady sa daan!
Nang dahil sa takot, nagtangka akong tumakbo pabalik sa bahay namin pero bago ko pa man magawa, isang malamig na kamay ang humawak sa aking pulso.
Gumapang ang kaba sa aking dibdib, nanlamig ang buo kong katawan maging ang mukha dahil sa takot.
"M-mommy," usal ko sa kinakabahang tinig.
Hindi ako lilingon, hindi sana ako lilingon dahil natatakot ako. Sobrang lamig ng kamay—
"Ballari?"
"Mommy!" sigaw ko.
Babawiin ko na sana ang kamay ko at tatakbo na palayo pero bigla niya akong pinihit paharap. Bumungad sa akin ang nagtatakang mukha ni Andrew. Takang-taka ang itsura niya at the same time ay may hint ng ngiti ang labi.
"Ano ka ba?!" bulyaw ko sa kaniya.
Ngumisi siya. "Natakot ba kita?"
Umirap ako at hinatak pabalik ang kamay ko. Napakalamig naman ng kamay niya! Akala ko tuloy kung ano na.
"Ewan ko sa 'yo!" inis na sagot ko.
"Sorry, hindi ko naman sinasadyang takutin ka," hinging paumanhin niya. "Bakit nandito ka pa? Gabing-gabi na, ah?"
"Wala ka nang pakialam do'n!" Tinalikuran ko na siya at nagsimulang maglakad pabalik sa bahay.
At dahil likas na makulit talaga siya, sinundan niya pa rin ako.
"Ang kulit talaga," pabulong na sabi ko.
Hindi siya nagsalita kahit alam ko namang narinig niya ako. Kung umaga lang ngayon at wala pang natutulog, baka sinigawan ko na siya. Pero dahil makakabulahaw ako ng mga natutulog na, hinayaan ko na lang siya. Bad mood na ako, ayaw ko na iyong dagdagan pa.
"Ayaw kong i-judge ka, pero baka nga para sa 'yo malalim na dahilan na iyon. Wala naman ako sa sitwasyon mo kaya hindi na kita pipiliting kaibiganin ako ulit."
Huminto ako sa paglalakad at saka siya nilingon. "Kung hindi mo na ako pipilitin, bakit sinusundan mo pa rin ako ngayon?"
Nilingon niya rin ako. "Naaawa ako sa 'yo, baka mamaya may makasalubong kang white lady sa daan, wala kang kasama."
Napalunok ako sa sinabi niya, muli akong lumingon sa paligid at kinabahan na sobrang tahimik na talaga.
"See? Ihahatid na kita, huwag ka nang matakot."
Hindi na ako nagreklamo pa. Aminado naman kasi talaga akong takot akong makakita ng multo. Ayaw kong makakita ngayon at baka hindi ako makatulog mamaya pagkauwi ko.
Akala ko hindi na siya magsasalita pang muli nang nagsimula kaming maglakad ulit pero napakadaldal talaga niya at hindi naiwasang magsalita.
"Pero kahit na hindi na kita pipiliting kaibiganin ako, huwag mong asahan na hindi na kita lalapitan."
Sinasabi ko na nga ba e. Pero bahala na siya, ako na lang ang bahala na lumayo sa kaniya hangga't maaari. Ang problema lang ay kung kukulitin niya pa rin talaga ako, mahirap lumayo sa taong gustong lumapit nang lumapit.
Hindi ko siya pinansin kahit na nakarating na kami sa tapat ng gate ng bahay namin. Siya lang ang nagpaalam nang inila-lock ko na ang gate.
Pagkapasok ko sa bahay, naabutan ko si mommy na nakaupo sa may sofa. Wala na roon si ate Briella na ikinaginhawa ng pakiramdam ko. Ayaw ko siyang makita dahil hanggang ngayon ay naiinis pa rin ako sa kaniya.
"Pwede ba tayong mag-usap, anak?" tanong ni mommy nang magtama ang mga paningin namin.
Tumango lang ako at tuluyang ini-lock ang pinto bago ko siya dinaluhan sa sofa. Alam kong pagsasabihan niya ako tungkol sa pakikipag-away kay ate. Ayaw pa naman niya na sinasagot ko nang ganoon si ate. Pero at the same time, ayaw niya rin na pinagagalitan ako ni ate dahil siya lang daw ang may karapatang pagalitan ako.
Naupo ako sa tabi ni mommy at hinintay siyang magsalita.
"Narinig ko ang lahat ng sinabi mo kanina at noong narinig ko ang lahat ng 'yon galing sa 'yo, natakot ako."
Nagtaka ako sa sinabi niya pero hindi ako sumagot, hinintay ko ang paliwanag.
"Natakot ako na baka dahil sa amin ng ate mo, kaya nag-iba ka. Kaya hindi ka na masyadong nakikipagkaibigan at kaya mo nilayuan si Andrew."
Nabigla ako sa sinabi ni mommy.
"Paanong. . ."
"I know, hindi lang ako nagsalita Ballari. Pero ilang beses siyang pumunta rito sa bahay para hanapin ka. Halos araw-araw, at sa mga araw na 'yon, ilang beses kang tumangging magpakita. Hindi kita tinanong 'nak kasi alam kong may dahilan ka at ayaw ko nang malaman. Akala ko kasi simpleng nag-away kayo, kaya pinagtakpan kita."
Yumuko ako. "Sorry po mommy." I feel so guilty of what I did.
"Kami ba ang dahilan kung bakit nilayuan mo si Andrew? At kaya hindi ka na rin nagkakaroon ng iba pang kaibigan bukod kay Jessy?"
Umiling ako. "Hindi po mommy! Hindi po kayo ang dahilan," sagot ko.
"Pero bakit?" tanong niya. "Narinig kita kanina, parang galit na galit ka sa mga lalaki."
"Bakit mommy? Hindi ba dapat silang kamuhian? Wala silang ibang ginawa kun'di ang sirain ang buhay ng mga babae."
"Ballari. . ."
Hindi ako makapaniwala. "Huwag mong sabihing kung may lalaking dumating sa buhay mo, you will accept him? That you are still considering to have a relationship in the near future?"
"Ballari, that's not what I mean," aniya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Sa tingin mo na-misunderstood mo ang lahat. Hindi lahat ng lalaki, gagawin ang ginawa sa amin ng ate mo. Nagkataon lang na maling lalaki ang napunta sa amin. Please don't get it wrong."
Nanginig ang labi ko sa sinabi niya, I get it now. I guess ako lang talaga ang natatakot for all of us. They are not afraid to fall in a trap again.