CHAPTER 2:

1784 Words
CHAPTER 2: "BAKIT BASANG-BASA KA?" bungad na tanong sa akin ni mommy right after I entered our house. Kita ko sa mga mata niya ang matinding pag-alala na may kahalong takot. "Kanina ka pa namin hinahanap! Umulan na lang at lahat, hindi ka pa rin umuwi, saan ka ba galing?" Halata ang pagka-irita sa boses ni ate nang itanong niya iyon sa akin. Yumuko ako pagkatapos ibalot sa akin ni mommy ang kulay puting tuwalya na si ate ang kumuha. Marahang pinunasan niya ang basang-basa kong buhok pagkatapos ay inilapag sa balikat ko ang tuwalya. "Sorry po, naabutan lang ako ng ulan sa may playground," palusot ko. "Playground? Grade 6 ka na naglalaro ka pa rin?" takang tanong ni ate. Kaagad naman siyang sinaway ni mommy dahil sa hindi na nagiging maganda ang tono ng pananalita niya. Kung minsan mas tunog nanay pa ang ate ko kaysa sa mommy namin, mana siya sa daddy na pinagagalitan kami kaagad over little things. Pero kahit na ganoon, mas gusto ko nang mapagalitan ni daddy kaysa mawala siya sa buhay namin. . . "Sige na, umakyat ka na sa kwarto mo at maligo. Pagkatapos ay bumaba ka rito para ipagtimpla kita ng mainit na gatas. Siguradong sisipunin ka niyan." Ngumiti si mommy bago ginulo ang basa ko pa ring buhok. Sinunod ko ang utos ni mommy na umakyat sa second floor, sa kwarto ko para naman makaligo ako at makapagpalit ng damit. Isang araw pa lang ang nakalilipas mula noong umalis si daddy sa amin and worst is ngayon ko lang nalaman ang dahilan. Ang buong akala ko kasi ay aalis lang siya para sa trabaho kahit pa may dala siyang bagahe. Akala ko aalis lang siya work related gaya ng madalas na excuse niya kapag aalis siya ng halos isang linggo. Siguro ang ibang excuses na iyon ay totoong excuse lang talaga at baka pumupunta siya sa bahay ng babae niya. Maayos ang pamumuhay namin. Maganda ang bahay namin, tama lang para sa apat na myembro ng pamilya na may dalawang palapag. Sa subdivision din kami nakatira, binili ni daddy ang bahay na ito noong limang taong gulang pa lamang ako at thankfully, ipinangalan niya kay mommy dahil kung hindi, wala na talagang matitira sa amin. Sa totoo lang, hindi ko alam kung paano kami magsisimula lalo na at walang trabaho si mommy. Full time mom and wife siya at siguradong ngayon ay hindi na magiging katulad noon ang lahat. Sigurado akong kakailanganin ni mommy ang magtrabaho para sa amin lalo na at nasa second year highschool pa lamang si ate at grade 6 pa lang ako. Matapos kong maligo, agad akong bumaba para puntahan si mommy sa kusina. I was about to enter the kitchen when I heard mom talking to someone over the phone. "Romano, you know I am still looking for a job. Sana naman magbigay ka ng sustento para sa mga anak mo. If not, I forcefully file a case against you and your mistress. Malakas ang magiging ebidensya ko because there's a living proof inside your mistress's womb!" It's dad. . . Mom sarcastically laughed after she heard dad's answer. "Wala akong pakialam kung magpapacheck up iyang malandi mong kabit! Basta padalhan mo ako ng sustento para sa mga anak mo or else alam mo na ang kapalit!" Bumuntong-hininga ako at saka hindi na lang tumuloy sa kusina. Ayaw kong makasagabal sa pakikipag-usap ni mommy kay daddy. Sinasabi ko na nga ba at mahihirapan kaming mag-umpisa. . . Ilang araw ang lumipas na madalas ko nang nakakasalubong si Andrew. Aminado akong siya ang nagpapagaan sa loob ko ngayong down na down ako sa nangyari sa pamilya ko. He was there all throughout my pain, he made me smile and laugh. Siya rin ang dahilan kung bakit mabilis akong naka-move on sa nangyari sa pamilya ko. "Pinangarap mo pa bang makilala manlang ang tatay mo?" Out of nowhere, naitanong ko iyon bigla kay Andrew. He stopped walking and turn his head to me. Kanina pa kami paikot-ikot rito sa playground, nag-uusap sa kung ano-anong bagay pero hindi kami nagsasawang magkwentuhan. Masaya kasi siyang kausap at hindi nakakaboring. No dull moments whenever I'm with him. "Hindi ko alam e. Pero parang ayaw ko na, baka masapak ko lang siya kapag nakita ko siya." Natatawang nagsimula siyang maglakad muli at agad ko rin naman siyang sinundan. "At saka alam mo ba, nang dahil sa kaniya ay humina nang husto ang negosyo ni nanay. Nahati kasi ang atensyon ni nanay sa akin at sa salon kaya naman unti-unti ring humina at nagsara na lang. Ngayon imbes na siya ang may-ari, nagtatrabaho na lang din siya sa isang salon. Baka nga ibenta na rin niya ang bahay namin dito sa subdivision e." Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Hala! Saan kayo titira kung gan'on?" gulat na tanong ko. Huminto ako nang nasa tapat na kami ng slide at hinawakan ang braso niya. "Bakit? Kapag nawala ba ako rito, mamimiss mo ako?" nakangising tanong niya. "Aba oo naman! Wala naman kasi akong ibang kaibigan na nakakausap ko nang ganito. Kaya siguradong nakakalungkot kapag nawala ka, wala na akong makakakwentuhan!" Ngumiti siya nang malapad bago ako sinagot. "Huwag kang mag-alala, kahit na wala na kami rito subukan pa rin nating magkita." Tumango ako at sumang-ayon sa sinabi niya. Dahil gusto ko rin naman na makipagkita pa rin sa kaniya. Siya na lang ang napagsasabihan ko ng mga problema ko kaya hindi ko hahayaan na mawala pa siya. Halos isang taon din kaming magkaibigan. Nang tumuntong kami ng junior highschool, kahit pa magkaiba na kami ng pinapasukang eskwelahan, itinuloy namin ang pagkikita. Isa pa, nakakaramdam na rin ako ng paghanga sa kaniya. Iba kasi siya sa mga lalaking nakakasalamuha ko, sa mga kaklase kong lalaki. May respeto siya sa akin at pinoprotektahan niya ako. Kung minsan nga ay napagkakamalan siyang boyfriend ko na ikinakahiya ko kasi imposibleng magustuhan ako ni Andrew. Gwapo kasi siya at kilala sa school, bukod roon ay masyado pa kaming mga bata para magkaroon ng ganoong klaseng relasyon. Ayos din naman kila mommy na kaibigan ko siya, minsan ay dumadalaw siya sa bahay para doon kami magkwentuhan. Ngunit nagbago ang lahat nang isang balita mula kay ate ang gumulo sa nananahimik na sana naming buhay. "Ano ka ba naman Briella, alam mo namang hirap na hirap akong itaguyod kayong dalawa ng kapatid mo. Bakit ginawa mo pa 'to?" tanong ni mommy kay ate. Hindi ako makapagsalita, tahimik lang akong nakaupo sa tabi ni mommy. Hindi kasi ako makapaniwala sa ibinalita ni ate lalo na at matalino siya at masipag mag-aral kaya hindi ako makaimik na nabuntis siya nang maaga. "S-sorry po mommy, hindi ko naman po alam na iiwan niya ako. Hindi ko po alam na kahit isang beses lang may nangyari sa amin, mabubuntis na kaagad ako. . ." Humihikbi pa si ate habang sinasabi ang mga salitang iyon. "Saan ba nakatira ang lalaking 'yon? At bakit pumayag kang magpagalaw sa kaniya? Briella naman! Sobrang bata mo pa para maging ina, hindi mo ba naisip iyon bago mo ginawa?" Punong-puno ng hinanakit ang bawat salitang lumalabas sa bibig ni mommy. Ramdam na ramdam kong sobra siyang nasaktan at hindi niya halos matanggap ang sitwasyon. "H-hindi ko na po alam, wala na po siya sa dati niyang tinitirhan. Mommy, pinaniwala niya akong mahal niya ako. Sobrang minahal ko po siya dahil sa kabaitang ipinakita niya sa akin pero pagkatapos ng may nangyari sa amin, bigla na lang siyang naging ilag. . ." Nanginginig ang boses ni ate nang tuluyan siyang lumuhod sa harap ni mommy. Pinagdaop niya ang kaniyang mga palad at patuloy na nanghingi ng sorry. "Sorry mommy, sobrang sorry, sobrang nakakahiya po talaga, hiyang-hiya po ako sa inyo. Ilang beses kong pinag-isipan kung paano ko sasabihin ito sa inyo dahil nakakahiya talaga. Mommy, paluin mo na lang po ako, bugbugin o kahit ano basta huwag mo lang po akong palayasin! Mommy!" Tuluyan nang umagos ang mga luha sa mata ni mommy habang sinasabi iyon ni ate. Pero hindi na nakaimik si mommy, tahimik na umiyak na lamang siya habang pinagmamasdan si ate na nagmamakaawang patawarin siya. That day I realized na dapat ko nang itigil ang pakikipag-usap ko kay Andrew. Kahit pa siya na lang ang nag-iisang taong nakikinig sa lahat ng problema ko, kailangan ko siyang pakawalan lalo pa at nakakaramdam na ako ng kakaiba para sa kaniya. Lalo pa at nagkaka-crush na ako. Kapag nahulog pa nang husto ang loob ko sa kaniya, sigurado akong gaya ni mommy at ate, iiwan lang din ako sa huli at masasaktan. Kaya ginawa ko ang lahat para lang putulin ang ugnayan namin sa isa't isa. Kahit medyo masakit, mas ayos na ito kaysa naman mas masakit pa bago ako lumayo. - "First day of school! Ah, fresh air! Bagong mga mukha at wala na ang mga toxic, ang saya!" Nagpalundag-lundag pa si Jessy habang naglalakad kami papasok ng gate. Ilang beses ko siyang sinaway pero hindi talaga siya nagpapaawat lalo na at mukhang sobra siyang excited. Kung hindi lang siya makulit na kumatok talaga sa bahay para sabihan si mommy na sabay kaming pumasok, baka hindi ako pumayag na sabay kami. "Tumigil ka na nga, nakakahiya na 'yang ginagawa mo. Ang ingay mo!" reklamo ko. "Sus, kahit kailan talaga ang KJ mo." Pairap na ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ko. "Pero ayos lang, friends pa rin tayo!" Hindi na ako nagsalita pa, hinayaan ko siyang dumaldal nang dumaldal hanggang sa tuluyan kaming makapasok sa gate. Hindi ganoong kalawak at kalaki ang school na ito pero sobrang hirap makapasok dahil kailangang mataas ang grades mo at pasado ka sa entrance exam. Mabuti na nga lang at kahit papaano ay sumabit pa ako dahil itong school na 'to lang ang choice ko, mura kasi ang tuition fee. Colegio de Madrid. Iyan ang pangalan ng school na 'to na sikat dahil sa mga matatalinong estudyante. Nakahinga lang ako nang maluwag nang maghiwalay na kami ni Jessy dahil magkaiba kami ng degree program. As in magkaiba kami ng building na laking pasasalamat ko dahil walang mangungulit. Saglit lang ay nakita na ang unang classroom kung saan ang unang subject ko. Pero natigil ako sa harap ng pinto nang kaagad na bumungad sa akin ang pamilyar na mukha ng isang lalaki. . . Bagamat malaki ang ipinagbago niya dahil tuluyan na siyang nagbinata, kilalang-kilala ko pa rin siya. "Hindi ka ba papasok? Ang tagal mo naman!" Natauhan ako nang may magsalita sa likuran ko. Kaya naman nagmadaling pumasok ako sa loob ng classroom. Bahala na. Siguro naman hindi niya na ako natatandaan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD