NAPATALON palayo si Xenon. Hindi lang iyon, lumayo pa siya nang lumayo mula kay Nigito. Hindi niya alam kung ano ang kanyang nararamdaman. Alam niyang siya ang pinakamalakas, alam niyang wala siyang dapat katakutan. Subalit... tila gumuhit sa katawan niya ang kilabot. "Weapon Fussion!" Nang marinig niya iyon mula sa binata ay isang nakakatakot na imahe ang tila nakita niya sa itim na aura nito. Si Kamatayan! Hindi lang iyon, may nakita rin siyang mga pagdurusa at paglamon sa kanya ng walang hanggang kadiliman. Sinuntok ni Xenon ang mukha niya ngunit ang nararamdaman niya ay naroon pa rin. Tila may gintong liwanag ang bumagsak at kumalat naman sa paligid ang pulang liwanag na tila dugo habang gumagapang sa kanilang kinatatayuan. "Ito na ang katapusan mo... XRG13..." Narinig iyon ni Xeno