TILA wala lang na pinagmasdan ni Nigito ang napakalaking Falcon na lumabas sa espada ni Xenon. Ni katiting na pangamba at takot ay hindi makikita sa mga mata ni Nigito. Pagkatapos ay pinagmasdan niya si Xenon. Nakangisi ito at kampanteng-kampante na wala siyang kalaban-laban dito. "Nigito Kuzuna! Kung magiging alagad kita, baka buhayin pa kita... Ano? Gusto mo bang maging alagad ko!?" Tanong ni Xenon sa binata. Sinubukan ni Xenon na baka pumayag ito. At doon ay iasasaayos niya ang utak nito upang siya na ang sundin. Nanghihinayang din kasi siya sa lakas nito, isa pa, nais ding malaman nito kung paano ito lumakas ng ganito. Wala namang ni isang salita ang lumabas sa bibig ni Nigito. Doon ay hinugot na lang niya mula sa kanyang likod ang Black Sword. Inilagay niya iyon sa kanyang bibig.