PINASOK nina Nigito ang isang gubat bago tuluyang marating ang Lily City. Isang gubat kung saan ang lahat ng dahon ng puno ay tila bulaklak. Nangingibabaw rin ang bango ng paligid dahil sa halimuyak na dala ng lugar. Iba't ibang kulay at napakagandang pagmasdan. Iyon ang impresyon ni Nigito nang pasukin ito. Pero tulad ng ibang area, nakakasiguro siya na may mga nagkalat ditong mga malalakas na AI. Pagpasok pa lamang nila sa area ay sinalubong kaagad sila ng isang higanteng monster na bulaklak. May mata itong nanlilisik at ang mga petals nito ay tila matalas na metal. Ang katawan nito ay malambot kung pagmamasdan, pero hindi iyon basta-basta mapuputol sa simpleng atake. "Giant Metal Flower: Level 78." Napahugot ng espada si Nigito nang harangan sila noon. Habang si Kido naman ay nagsind