MATAPOS ang pagkatalo ng Boss Monster ng Sky Island ay siya namang biglaang pagyanig sa buong lugar ang naganap. Tulad ng sinabi ni Raijin, sa oras na mawala ang Divine Rapier ay mawawasak ang buong area. Mawawala ito sa map ng game dahil nawala na ang nagbibigay ng enerhiya rito, ibig-sabihin, na-clear na ang area. Mabilis naman na nag-teleport ang lahat ng members ng Black Heroes sa lugar na iyon. Doon nga'y unting-unting nasira ang mga ulap. Nagkabitak-bitak. Dahan-dahan na nadudurog at napapayid ng hangin. Samantala, ang buong Underwater Island ay muli ngang lumulubog sa pinagpatungang ulap. Mahuhulog muli ito mula sa itaas. Doon nga ay isang napakalakas na hangin ang naramdaman sa ibaba at nagdilim ang isang bahagi ng karagatan. Bumulusok muli paibaba ang isla. Kumawala ang napakata