Chapter 3

1422 Words
SUNOD na araw masayang akong bumangon mula sa malambot na kama at nag-ayos ng sarili. “Good morning po!” masiglang bati ko kina Papsi nang maabutan ko silang nagbrebreakfast. Wala si Sir Jared. Umalis na ba siya? “Good morning din hija, halika saluhan muna kami,” yaya ni Tito. Medyo lumungkot ang mukha ko, akala ko pa naman makakasabay ko na siyang kumain ng breakfast. Bumuntong-hininga ako at tumabi kay Papsi. “Hija okay lang kung gisingin mo si Jared?” biglang tanong ni Tita Gail na medyo kinanlaki ng mga mata ko. “S-sigurado po kayo?” Ngumiti si Tita. “Doon ang kwarto niya sa harap ng kwarto mo.” “Talaga po?” Pigil-pigil ko ang mapangiti sa ideya na magkatapat lang pala kami ng kwarto ni sir. “Yes, gisingin muna siya para makapag-breakfast at makapasok na kayo ng school.” Nakangiti akong sumunod at sumakay ng elevator papuntang kwarto ni sir. Noong makarating na ako sa harap huminga muna ako ng malalim bago kumatok. Mga ilang beses akong kumatok habang tinatawag ang pangalan ni sir kaso hindi siya sumasagot, at dahil mainipin akong tao, pinihit ko ang doorknob pabukas. “Holy sh*t!” “Sir!” Napatalon ako sa sobrang gulat at napatitig sa hubad niyang katawan. “Get out of my room!” malakas na sigaw ni sir Jared at doon lang ako natauhan at dali-daling lumabas at sinara ang pinto. Napatakip ako ang bibig para pigilan ang pagsigaw! OMG. Nakita ko ‘yung abs ni sir Jared! “Hija, nagising mo ba siya?” tanong ni Tita Gail nang makabalik ako. “Gising na po siya Tita,” sagot ko at ngumiti. Naupo na ulit ako sa pwesto nang makita ko si Sir Jared, nakabihis na siya habang inaayos ang lupi ng loongsleeves sa braso. “Aalis na po ako.” “Son, kumain ka muna.” “Sa school na lang po dad.” “Jared come on, kumain ka muna at magsabay na rin kayo ni Shira pagpasok,” sabi ni Tita. Tumingin sa akin si Sir Jared pero agad akong yumuko at ngumiti lalo na nang umupo siya sa harap ko. “SIR JARED, wait lang!” Patakbo akong sumusunod ngayon kay sir Jared habang papalabas kami ng kanilang bahay. Hindi manlang siya huminto paglalakad hanggang sa sumakay siya ng kotse. “Sir! Sir!” tawag ko habang kinakatok ang bintana ng kotse niya. Seryoso siyang tumingin sa ‘kin bago binaba kaunti ang salamin ng sasakyan. “Sakay.” “Opo, sir thank you!” Ngiti-ngiti akong pumasok ng kanyang kotse. OA, na nga siguro kung sasabihin kong parang gusto ko ng tumira sa kotse ni sir Jared. Ang bango-bango at ang ganda ng loob. Kahit na masungit at seryosong tao si sir. Mabait siya, just like his parents na buong-buo kaming tinanggap sa kanilang bahay. ___ 'When you love someone, don't be afraid to show how much you love them. Always, remember life is too short to be coward.' Natatandaan ko pa noon ang linyang 'yan mula kay Mamsi bago siya nawala. Sabi niya, wala raw naman masama sa pagpapakita ng pagmamahal sa isang tao at walang dapat ikatakot. Tama rin siya totoong maigsi ang buhay, kaya nga siguro humantong ako sa desisyong ito. Naipakita ko ang pagmamahal kay sir Jared bago pa mahuli ang lahat dahil wala naman makakapagsabi kung anong mangyayare bukas pero ang totoo niyan hindi pala ganon kasimple ang pagpapakita ng pagmamahal sa isang tao. "Totoo?" sabay na tanong nila Rhea at Chelsy matapos kung i-kwento ang lahat. Mula sa pag-alis namin sa dating apartment, pagtira kila sir, pagkain ng breakfast at pagsabay naming pumasok. Except, dun sa nakita ko ang abs ng babe ko. Ngumiti ako ng todo at tumango. "Level up ka dun girl ah!" sabi ni Rhea. "Oo nga! Dream come true!" sangayon ni Chelsy. "Ssshhh. Huwag kayong maingay guys. Secret lang 'yan kasi si sir..." sabi ko ko sabay simangot at inalala ang sinabi ni sir Jared kanina. "Aba bakit naman aber!?" taas kilay na tanong ni Chelsy. Huminga ako ng malalim. "Sinabihan niya akong 'wag ko na daw i-broadcast na tumitira kami sa kanila." "Kung sabagay medyo awkward nga kung malalaman ng lahat at saka baka ma-issue ka pa," wika ni Rhea habang naglalagay ng blush on sa mukha. "Girls..." "O' bakit ang serious mo ata?" takang tanong ni Chelsy. "Mali ba talaga itong ginagawa ko?" "What do you mean?" "Mali bang ipakita mo na mahal mo ang isang tao? Kahit na nagmumukha ka ng katawatawa at desperada dahil sa mga ginagawa mo kapag nandyan siya?" Parehas silang natahimik. "Naisip ko lang na—" "Shira, walang mali okay? Hangga't wala ka namang nasasagasaang tao walang mali, kung iniisip mong kontra kami ni Chlesy sa ginagawa mo. Hindi, girl ang totoo n'yan worry lang talaga kami na baka masaktan kaibigan namin sa huli." "Ayaw lang namin na mangyare sayo 'yon but we are happy for you Shira. Nandidito lang kami ni Chelsy kahit ano mangyare." "Tama si Rhea, sorry girl ha kung madalas ka naming okrayin." Tinignan ko silang dalwa at ngumiti. ___ "Why are you here?" bungad ni sir Jared nang maabutan niya ako sa labas ng kanilang faculty. "Wala ka bang klase? Bawal tumambay dito hindi ba?" "Sorry, sir may ibibigay lang po kasi ako." Bahagyang kumunot ang noo niya at bumaba ang tingin sa box kong dala. "Uhm, para sa 'yo sir Jared," sabi ko pero hindi ito tinanggap ni sir. "Sir, sige na tanggapin mo," pangungulit ko rito. Napalunok ako nang titigan ako ni sir Jared parang tinutunaw ang puso ko ng mga mata niya. Ilang segundo kaming na nasa ganoong sitwasyon ng bumuntong-hininga siya at kinuha ang box. "Fine, but next time, don't do this again, okay?" Ngumiti ako at tumango. Ayieeh. Kunwari ka pa sir! "Ano tinaggap ba?" usisa nung dalwa. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa kanila ay hinila na agad ako ni Rhea pa upo sa tabi niya. "Kwento na dali!" excited na sabi nito. Ngumiti ako ng todo. "Ayon, kumagat sa cookies!" ____ "I LOVE YOU SIR!" Malakas na sigaw ko habang nakadungaw sa corridor ng third floor. As if namang maririnig ni sir Jared na naka-earphone sa paglalakad. "Aray!" reklamo ko nang batukan ako ni Chelsy. "Gaga ka talaga, ang lakas ng sigaw mo! Gusto mo ma-office girl?!" sabi nito sabay irap sa'kin. Nginusuan ko siya habang hinihimas ang likod ng ulo ko. Grabe ang sakit mambatok nito. "Che!" sagot ko lang at kinuha ang salamin sa bag. Naglakad na kaming tatlo pababa ng building. "So, pano girls una nako," paalam ni Rhea nang makarating kaming parking lot. "Bye Rhea!" sabi ko at kumaway. "Ingat ka." Si Chelsy. "Kayo rin, see you tomorrow," kumakaway na sabi ni Rhea bago sumakay ng kotse niya. "Ayaw mo ba talagang ihatid kita?" tanong ni Chelsy nang maiwan kaming dalwa. "Ayaw ko, baka malaman mo pa bahay ni sir eh!" sagot ko at binelatan siya. "Loka ka talaga! Hindi ko type ang seerrr mo!" "Mabuti dahil sakin lang siya!" "Baliw kana talaga! Osya! Gogora nako ha!" "Hindi ako baliw nagmamahal lang" biro ko pa at natawa. "Letcha ka Shira! Alis na nga ako naloloka ako sayo," sabay sumakay na siya ng kanyang sasakyan. "BYE MADAM!INGAT!" SAMING tatlong makakaibigan silang dalwa ay parehong mayaman, siguro dati maco-consider kung mayaman din kami kaso yun nga nawala na ang legosyo namin. Si Chelsy both businessman ang parents niya at nagmamay-ari sila ng mga INN sa Cebu and Palawan. Siya ang kadalasang sumasagot sa lahat ng kinakainan namin and we call her Madam. Si Rhea naman, pag-aari ng family niya ang karamihang resort sa Laguna at Quezon. Nang hindi ko na matanaw ang sasakyan ni Chelsy. Bumuntong-hininga ako at nagsimulang maglakad pauwi. Ang totoo nyan malapit-lapit lang naman ang bahay nila sir Jared. Hmm, mga tatlong subdivision ang dadaanan. Hay. Ang gaga ko ba? Malapit ba 'yun? Basta! Trip ko ang maglakad ngayon. "Jared! You're so sweet talaga.." "Mmm." Nagsalubong ang kilay ko nang makita si Ma'am Yen na nakahawak sa braso ni sir Jared. Tch! May something ba sa kanila? Nakakainis naman! Hindi ko na naintindihan ang pinaguusapan nila dahil mas nakatuon ang atensyon ko sa reaksyon ni Sir Jared. Pero ayun pa rin yung mukha niyang masungit at seryoso. Minsan tuloy naiisip ko alam ba ni sir ang word na 'smile' kasi never ko pa talaga siyang nakikitang ngumiti. I mean iyong ngiti talaga. Hay, dibale sir---ito na ako, ang babaeng magpapangiti sa 'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD