Chapter 2

1559 Words
BREAKTIME magkakasama ulit kaming tatlong kumain sa pinakamalapit na fast food. Taong fast food nga yata kami dahil sa buong linggo ito ang naka-toka na lugar para sa aming lunch. “So, Shira sagutin muna kasi hanggang kailan ka magpapakabaliw kay sir Jared?” Hay, ang kulit hindi na nila ako tinantanan. “Nakakainis kayo!” “Seryoso kami gaga!” Rhea. Nilunok ko muna ang pagkaing nasa bibig ko bago nagsalita. “Titigil lang ako kapag may girlfriend na si sir.” “Paano kung may girlfriend na pala siya?” tanong ni Chelsy. “Wala siyang girlfriend!” depensa ko. “Paano ka naman nakasigurado aber?!” Tinaasan pa ako ng kilay ni Rhea. Nako! kahit kailan talaga may pagka-kontrabida silang dalwa. Pero naiintindihan ko rin naman ang pino-point nila ngayon. Paano ko nga ba na siguradong walang girlfriend si sir Jared? Kung hindi ko naman talaga alam ang lahat ng tungkol sa kanya? Kahit pa sabihin nating deads na deads ako kay sir marami pa din akong hindi alam. “See...” “Shira my friend, mas mabuti sigurong alamin mo muna kung may girlfriend si sir Jared baka mamaya todo pagpapacute ka tapos taken na pala ‘yung tao,” prangkang wika ni Rhea. “Basta titigil lang ako kapag ako na ang girlfriend ni sir!” “Ang creepy mo Shira!” komento ni Chelsy at umastang kinilabutan. “Baliw nga eh.” At humalakhak silang dalwa. ___ “PAPSI! Bakit nasa labas kayo? at ang mga gamit natin?” takang tanong ko nang maabutan siya sa harap ng aming bahay na inuupuhan. Malungkot na tumingin sa akin si Papsi. “Anak, pinalayas na tayo ni Claring,” pagtukoy niya sa matandang mataray na may-ari ng bahay. “Pasensya kana anak, alam mo naman na pinangbayad natin ng matrikula mo ang pera kong naipon kaya hindi tayo nakabayad sa renta ng ilang buwan.” Sandali akong natahimik at parang gusto ko sabunutan ang sarili. Pagdating kasi sa pagkain hindi ko magawang makapag-tipid. Hindi tuloy ako makatulong manlang kay Papsi. Tipid-tipid din kasi Shira pag-may time! “Saan na tayo ngayon titira Papsi?” tanong ko habang tinutulungan siya sa paglalagay ng mga gamit namin sa bagahe. Kung meron na lang kasi kaming natitirang gamit na pag-aari ay itong Van. Mula nang mamatay si Mamsi parang namatay din ang legosyo nila. Bumagsak ‘yon at lumubog sa utang at lahat ng ari-arian namin ay na benta para lang may maibayad. Sinubukan ni Papsi magtayo ng bagong legosyo pero hindi na kami swerte kagaya noon kaya nawala din agad. “Tinawagan ko na ang kaibigan kong si Alex at humingi ako ng pabor sa kanya, na kung okay lang na tumira muna tayo pansamantala sa kanila habang nag-iipon ako.” Laking pasasalamat ko na lang na may matitirahan kami ni Papsi, akala ko tuloy mararanasan kong tumira sa kalsada. Mabuti na lang talaga dahil may mabait na kaibigan si Papsi. Ilang minuto lang ang lumipas nang makarating kami sa bahay ng aming bagong tutuluyan. Halos mapanganga ako sa pagkamangha sa laki ng bahay na nakikita ko ngayon. “Papsi! Hindi mo naman sinabi na sobrang yaman ng kaibigan mo!” sabi ko habang amaze na amaze. Lord! Bahay ba talaga ‘to o palasyo?! Natawa lang si Papsi at naunang lumabas ng sasakyan. “Saglit lang, anak tatawagan ko siya.” Pagkatapos, ayun may kinausap si Papsi sa phone niya at ilang saglit pa ay automatic na bumukas ang malaking gate. Wow! Feeling rich kid ako ngayon! Sinalubong kami babae at lalaki. Hindi ko makakailang maganda at gwapo ang dating nila. Emergerd! Parang don at donya, kutis pa lang halatang mayaman! “Rodolfo!” galak na bati ng lalaki kay Papsi. Kung gano’n siya pala ang friend ni Papsi. “Long time no see,” mahinhing sabad ng babaeng kasama nito habang nakangiti. Ang ganda niya, mukhang artista! “Salamat sa inyo Alex at Gail,” sabi ni Papsi. “No problem buddy,” sagot ng kaibigan ni Papsi tapos tumingin sa akin. Buddy? Ang cute naman, lakas maka-teenager! Hehe. “She’s your daughter, right?” pagtukoy sa akin ng buddy ni Papsi. Tumango si Papsi at hinawakan ako sa braso palapit. “She’s Darlene Shira, ang nag-iisa kong anak.” “Hello, hija nice to meet you,” bati ni Mrs. Gail. “Hello po,” nahihiya kong tugon at nakipagkamay sa kanilang dalwa. “Just call me Tita Gail and this is your Tito Alex.” “O-opo, T-tito T-tita.” Matapos magpapakilala, inanyayahan na nila kaming pumasok sa loob ng bahay. Noong una nahihiya akong i-apak ang madumi kong sapatos sa makintab at malinis nilang tiles. Grabe para akong nasa palasyo ng reyna at hari! So, ibigsabihin may prinsipe dito o kaya prinsesa? Hala ano ba ‘tong naisip ko?! “Maupo ka hija, feel at home okay?” Nahihiya pa rin akong ngumiti kay Tita Gail at umupo sa magarang sofa nila. Muli kong nilibot ang paningin sa kabahayan. Kung hindi ako nagkakamali may elevator sa gilid. At ‘yung chandelier, nasisiguro kong milyones ang halaga nun. Hay. Bigla ko tuloy na miss maging mayaman. “Nasan nga pala ang anak niyo buddy? Matagal na nang huli kong makita ang batang ‘yon, for sure malaki na siya,” dinig kong wika ni Papsi. “Pauwi na rin ‘yon and yes buddy malaki na siya. Actually, teacher na siya ngayon. Oh, ayan pala ang anak ko.” “Good evening.” Wait. That voice! Nanlaki ang mga mata ko sa pamilyar na tinig at dahang dahan na lumingon dito. “Miss. Gonzales? What are you doing here?” gulat na sabi ni sir Jared. Hindi agad ako nakasagot dahil na nanatili rin akong nakaamang at nakatitig sa gwapo niyang mukha. “Sir...” Bahay ng prinsipe ko ‘to? “SIR JARED?!” “Magkakilala kayo?!” sabay-sabay na tanong nila Tita Gail. Saglit akong tinitigan ni sir Jared bago seryosong tumingin sa parents niya. “She’s my student po.” “Small world,” sabi ni Tito at tumawa. “Anyway, this is your Tito Rodolfo, kabarkada namin siya ng Mommy noong college. Madalas siyang dumalaw dito nung bata ka pa. For now, dito muna sila sa atin anak.” “Ho?” “Yes, son dito na muna silang dalwa tutuloy and if you don’t mind, ikaw na ang maghatid kay Shira sa magiging kwarto niya at mag-uusap pa kami ng Tito Rodolfo mo.” “Dad...” parang may pagtutol sa boses ni Sir. “Why son may problema ba?” Umiling si Sir Jared. Lihim akong napangiti nang kunin niya ang mga gamit ko. “Thank you, sir,” nakangiting sabi ko habang naglalakad kami pasakay ng elevator. Ang sosyal talaga at naka-elevator. Hindi ko ini-expect na ganito pala talaga sila kayaman. Napansin ko na sobrang daming pinto ng hallway na dinadaanan namin. Ilan kaya ang kwarto rito? Para kasing hotel! Natigil lang ako sa pag-iisip nang tumigil kami sa harap ng isang pinto na kulay white. “Wow!” bulaslas ko nang buksan ito ni Sir. Bumungad sa akin ang barbie theme na kwarto. Ang cute! Pink and white. Nakita kong napailing si sir Jared at binaba ang mga gamit ko. “Sobrang ganda ng kwartong ‘to sir!” Hindi ko na kailangan mamorblema dito dahil halos kompleto sa gamit. “Sa kapatid niyo ba ‘tong kwarto, sir?!” “Hindi,” tipid niyang sagot. Ang sungit talaga pero ang pogi pa din. Gusto ko pa sanang magtanong pero mukhang wala na naman si sir interes sumagot, kaya binaling ko na lang ulit ang atensyon sa mga magagandang gamit ng kwarto. Hindi ko bet ang barbie pero ngayon? Gusto ko na siya! “Lalabas na ako, ayusin muna ‘yung mga gamit mo,” paalam ni sir. Tumango ako bago ngumiti, kahit na ang seryoso ang mukha niya at sobrang lamig ng boses, kinikilig pa rin talaga ako. Pagkaalis ni sir Jared ay dali-dali kong sinara ang pinto at nagtatalon sa sobrang saya. Napatakip ako sa bibig upang pigilan ang sariling mapasigaw. Hindi ako makapaniwala sa nangyayare. Kinurot-kurot ko ang sarili, to make sure na hindi ako nanaginip kaso totoo ang lahat. Dream come true! ‘Yong prof na minamahal ko ay kasama ko ngayon sa iisang bahay. Kung anu-ano tuloy ang naimagine ko kagaya ng sabay kami laging kakain? Papasok ng school? At araw-araw ko siyang makikita. Sir! Abot kamay na kita! Ako na nga siguro ang pinakabaliw dahil walang humpay ang talon ko sa pinaghalong kilig at saya. Lord! Ano bang kabutihan ang ginawa ko para pagpalaain ako ng ganito?! Hay! Ngayon pa lang nexcited na ako. Kung pwede nga lang forever na kaming tumira dito ni Papsi! Pabor na pabor ito sa akin. “KAIN ng kain lang hija, wag ka mahiya,” nakangiting sabi ni future-mother in-law este Tita Gail. Ngumiti lang ako at maganang kumain. Dapat lang, ang sarap sarap ng mga pagkaing nasa harap ko. Sinigang na hipon, menudo, caldereta, mainit na kanin at may dessert pang coffee jelly. Pasimple pa akong sumulyap kay sir Jared na katabi ng Mommy niya. Hanggang sa pagkain ang seryoso pa rin niya. At napaka-swerte ko dahil araw-araw ko ‘tong makikita.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD