Chapter 1

1482 Words
NAGKA-CRUSH kana ba? NAGKA-GUSTO kana ba? Hindi sa classmate mo, hah? or sa sinong sikat na students sa campus niyo, kundi sa isang teacher, instructor or professor? Ay, mali pala 'yung tanong ko. Ito ang mas tama. Naranasan muna bang magka-CRUSH sa prof mo? Magka-GUSTO? tapos Ma-IN LOVE? Relate ka ba? Nakangiti ka na rin ba kagaya ko? Dahil sumagi muli sa isip mo ang gwapo o kaya ang magandang mukha niya? Hindi ko alam kung anong meron kay Sir bukod sa sikat na model, gwapo, matangkad at mayaman siya. S.S.S ang sir ko...SUNGIT...SUPLADO at STRIKTO. Gusto n'yo bang malaman ang pangalan niya? Siya si Sir Jared Sevillia. Ang professor na nagpabaliw sa isang Darlene Shira Gonzales. Isa lang naman ang paulit-ulit kung gustong sabihin sa kanya—I Love You, Sir! ___ TAGAKTAK na ako ng pawis habang tinatakbo ang hagdan patungong third floor ng College of Arts and Sciences o mas kilala bilang CAS. “Late na ako!” bulong ko sa sarili at mas binilisan. Nakagat ko ang ibabang-labi nang makita ang oras. Lagot na naman ako nito! Mas lalong akong kinabahan nang marinig ko ang discussion niya mula rito sa hallway. Patay. Patay. Patay. Napa-sign of the cross ako nang tumigil sa harap ng aming classroom. Ilang beses akong nag-inhale, exhale bago muling humakbang at naglakas-loob na sumilip sa pinto. Napahinto agad siya sa pagsasalita nang mapansin ako. Sa isang iglap, na baling ang atensyon sa ‘kin ng lahat. Pwede bang lamunin na ako ng lupa? dahil sa kahihiyan? “Good morning sir, sorry po I’m late,” medyo humihingal ko pang sabi sabay pahid ng tumutulong pawis sa noo. Tinitigan ako ni sir Jared. Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil l*tse kahit simpleng titig lang ‘yon, kinikilig talaga ako. Eh keshe nemen! Ang gwapo gwapo niya, sobrang fresh pa ng face! “Yes, you’re late.” Napalunok ako nang marinig muli ang malamig niyang boses. Pinagsiklop ni Sir ang dalwa niyang braso at bahagyang sumandal sa teachers table, saka siya diretsong tumingin. Talagang eye to eye Sir?! Actually, ang pogi ni Sir Jared sa lagay na ‘yon pero—Hay! Shira! “Consistent student? by being always late, huh?” sarkastikong patuloy niya at nilapag sa tabi ang marker na hawak. “Sorry po,” sagot ko at napapahiyang napayuko. “O’ did I tell you to come inside?” Nahinto naman ako at napatingin sa mga kaklase kong malakas na nagtatawanan. “Sorry, sir!” sabay atras ko palabas ng pintuan. “Miss Gonzales, you just say good morning and sorry, that’s not acceptable.” “Eh, sir pwede po bang pumasok?” “English, please...” masungit na sagot ni sir at inayos ang salamin niya. “May I come in sir?!” “Why?” seryosong tugon niya. Bakit ba hindi na lang niya ako papasukin? “Why Miss Gonzales? Why do you want to come in? Give me a reason.” “Eh...kasi s-sir!” Tumingin ako sa kaliwa’t kanan, animo’y naghahanap ng isasagot. Shit! para akong sh*nga. “That was a basic question Miss Gonzales. Now answer me!” Lalo akong nataranta sa pagtaas ng tono ni Sir. “Uhmm...ano k-kasi s-sir...I... i-ano... s-sir,” putol-putol kong sabi at nakakamot pa sa ulo kahit hindi talaga makati. “What?” “I... I w-want ano s-sir.” “You want what?” Naiinip niyang tanong,napapikit ako. Shira naman! Bakit ba hindi naglo-loading ang utak mo pag si sir ang kausap?! Umayos ka nga! “A-ano sir hindi ko po alam.” “You don’t know? Miss Gonzales, my question is very simple,” Tapos umayos na siya ng tayo at kinuha ulit ang marker para magsulat sa board. “Okay, I will not allow you to enter my class unless you give me a good reason.” Come on Shira! Think! “I....i...”  Bahala na. “I... I want to see you sir!” Bigla na lang lumabas sa bibig ko at saka ko na-realize na nagtatawanan na ulit silang lahat, maliban kay sir Jared na bahagyang nagsalubong ang kilay at nabitawan ang marker na hawak. “Iba ka talaga Shira!” tumatawang sabi ng kaklase kong si Eric. “Laughtrip!” dugtong ni Hans na nangingibabaw rin sa pagtawa. “Quiet class!” galit na suway ni sir habang namumula ang magkabilang pisngi niya. Shems! Nagba-blush ba si sir Jared? Omy god! Another achievement na ba?! Hehe. Tumahimik naman ang mga kaklase ko pero karamihan pa rin sa kanila ay nagpipigil ng tawa. “YOU!” Lumunok ako nang ituro ako ni Sir Jared. “You’re unbelievable. Come in!” sabi niya at napailing. Malapad akong tumango at ngumiti bago pumasok at dumiretso sa pwesto ko. “Going back to our topic information is a—” Ngiti-ngiti akong at humalumbaba sa desk saka tumingin kay sir Jared. Nagkatingin pa kami pero agad siyang umiwas at umiling. Hihi. ikaw talaga Sir! “DISMISS!” Mabilis na niligpit ni sir Jared ang mga gamit niya sa table. Nakasimangot akong nakahabol tingin sa kanyang mabilis na umalis. Hay, two days ulit ang kinakailangan lumipas para makita ko siya. Kung pwede nga lang everyday ko siyang makita kaso dalwang beses lang ang klase namin sa kanya at madalang na madalang ko pa siyang makasalubong sa hallway o sa kahit saang parte ng university—kung hindi ko pa huhuntingin sa campus. Hmp! “TALAGA?! sinabi mo ‘yon?” gulat na tanong ni Chelsy. “Oo!” Natatawa kong sagot habang naalala ang namumulang mukha ni sir Jared kanina. Naupo na kaming tatlo at nilapag ang tray namin na hawak. “Gaga talaga ‘tong kaibigan natin,” sabi ni Rhea at inabot ang coke kong inorder. Napanguso ako. “Bakit ba? Eh, totoo naman na gusto ko makita si sir!” Umirap si Chelsy bago nagsalita. “Yeah, we know friend pero masyado ka namang obvious! I mean lantadan ng may gusto ka sa kanya!” Pabiro ko silang sinamaan ng tingin. Iyon naman kasi talaga ang plano. “Hayaan n’yo na ako girls! Support na lang kayo, okay? Graduating na tayo kaya sinusulit na ng lola mo!” sagot ko at kumindat pero pareho lang silang umiling. “That’s the point, my friend Shira! Kung kailan nga tayo pa-graduate ngayon ka pa naging baliw!” Si Rhea. Baliw? Oo, pero kay Sir lang. “Kumain ka na lang girl,” sagot ko at tinapat ang cheese burger sa bibig niya. ____ “DALIAN niyo!” sigaw ko kina Chelsy na sobrang bagal maglakad. Ang aga-aga mga walang buhay ang dalwang ‘to. Ang ganda pa naman ng araw. Hindi masyadong mainit in short, tama lang. Kung siguro nga may nagpapabilisan sa pagtakbo. Ang dalwang bruha ko namang friend, nagpapatagalan sa paglalakad. Inirapan ko sila at nauna. Ilang steps na lang mula sa faculty nang sumulyap muna ako sa salamin kong hawak at inayos ang bangs bago pasimpleng dumungaw sa bintana ng faculty nila sir. Guess what? Hindi ko yata kayang maghintay pa ng ilang araw para makita ulit si sir Jared. Sabi nga nila kapag may gusto may paraan, kapag ayaw may dahilan. At syempre dun ako sa may gusto may paraan dahil ako? Gusto kong makita si sir at ito ang paraan ko. Napangiti kaagad ako nang masilayan si sir Jared na sobrang seryosong nakatutok sa laptop niya. Babe anong ginagawa mo? “Baka matunaw na,” sabi ni Chelsy na nasa likod ko. Binelatan ko siya at muling tumingin kay sir pero napawi rin ang ngiti ko nang makita si Ma’am Yen. Lumapit siya kay sir Jared at parang ahas na  lumingkis sa braso nito. Hindi ko na nakita pa kung ano naging reaksyon ni Sir dahil mabilis kong inalis ang tingin sa kanila at bumaling kina Chelsy. “Tara na girls!” Nakasimangot kong yaya at nauna sa paglalakad. “Shira hanggang kailan ba kasi ‘tong kabaliwan mo?” tanong ni Rhea habang ang tingin ay sa bago niyang nail color. “I agree!” Si Chelsy. ‘Yong totoo mga kaibigan ko ba talaga sila? Sarap pektusan ng dalwang ‘to, mga walang support! “Ang sama niyo!” Parehas silang tumawa. “Shira my friend, hindi ko talaga lubusang maisip na kung kailan tayo pa-graduate na baliw ka ng ganito,” Si Rhea uli at inagaw ang salamin kong hawak. “Hindi ako baliw!” “Eh, ano?!” sabay nilang tanong nang huminto kami. Nasa tapat na pala kami ng classroom ko. “Wala d’yan na kayo,” sabi ko at pumasok nasa loob. © C r y s t a l i n e G
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD