"Senyorita narito na po tayo," yugyog ng lalaki kay Tin na naghihilik pang tulog habang naga-biyahe sila.
Umungol lang si TinTin pero hindi ito nagmulat kinamot niya lang ang kanyang leeg.
"Senyorita Tin gising na po nakarating na tayo dito sa bahay ng Lolo mo!" Sabi naman ng isa pa sabay yugyog din.
"Ano ba! Bakit ba istorbo kayo ng tulog!" Yamot na sagot ni TinTin saka ito unti-unting nagmulat.
Natigilan naman si TinTin nang makita niya ang mukha ng tatlong sundo niya. Napabuntong-hininga si TinTin at umayos ito nang upo saka muling tumingin sa tatlo na naghihintay sa kanya.
"May muta ba ako at laway?" tanong niya.
Nagkatinginan naman ang tatlo saka nila muling tiningnan si TinTin na hinihintay ang kanilang kasagutan.
"Wala ka bang salamin Senyorita?" tanong naman ng isa.
"Sa palagay mo ba magtatanong ako kung may dala akong salamin?" balik tanong ni TinTin.
Napangiwi naman ang nagtanong sabay kamot sa kanyang ulo. Natatawa naman ang dalawa kaya inirapan ito ng kanilang kasama.
"Ako nga pala si Jimboy Senyorita," wika ng isa.
"Logan naman po ang pangalan ko," tugon naman ng isa.
"Ricky naman ang tawag sa akin Senyorita." Sabi ng nagtanong kay TinTin kanina.
Tumango-tango naman si Tintin saka ngumiti. "Ang gaganda naman pala ng pangalan niyo!"
Ngumiti din ang tatlo saka sila nakahinga nang maluwag.
"Baba na po tayo," yaya naman na ni Logan.
Bumaba naman na si TinTin nag-inat ito sabay hikab. Subalit ang kanyang hikab ay naging nganga nang makita nito ang bahay na nasa kanyang harapan. Napakurap-kurap pa nga si TinTin saka nito kinusot-kusot ang kanyang mga mata.
"Iyan ba ang bahay ni Lolo?" Manghang tanong niya.
"Oo Senyorita! Mansyon ang bahay niya," magkakasabay na sagot ng g tatlo.
Napasinghap pa si TinTin nang tila may natanaw siyang lalaking nakatayo sa taas ng veranda ng Mansyon.
"Wala bang multo diyan?" Tanong na naman ni TinTin.
"Wala po. Actually, marami tayong nakatira diyan." Sagot ni Jimboy.
Tila nahintakutan naman si TinTin nang tila mas luminaw ang pigura ng lalaki sa may veranda.
"Marami tayong mga kasama? Sure kayo?" Tanong pa rin ng dalaga.
Napakunot-noo naman ang tatlo at alanganing ngumiti.
"Marami tayo Senyorita!" Giit ni Ricky.
"Bakit parang may drakulang nakatira sa Mansyon nakikita ko!" Bulalas ni TinTin.
Gulat naman ang tatlo.
"Ha? Nasaan Senyorita?" Nagtatakang tanong ni Logan.
"Tumingin kayo sa taas may lalaking nakatayo doon at kamukha niya si dracula na bampira lalo na sa kanyang tindig!" Sabi ni TinTin.
Iisa namang tumingin ang tatlo sa may veranda na sinasabi ni TinTin.
"Ayoko na dito. Ibalik niyo na ako sa Isla mas gusto kong tumira kasama ang mga pating at sirena doon. Kaysa tumira dito kasama si Dracula at mga multo!" Turan ni Tintin at akma na itong babalik sa loob ng kotse nang pigilan siya ni Jimboy.
"Senyorita, Si Senyorito Lucian po iyon Apo din ni Don Eduardo." Paliwanag ng binata.
"Lusyang?" Tanong ni Tintin.
"Lu- cian...Lucian Senyorita!" Saad naman ni Logan.
Muling napasinghap si Tintin nang tumingin ito ulit sa may Veranda.
"Hala nawala bigla si Lusyang!" Bulalas niya.
Napaubo na lamang ang tatlo sabay ngiwi at kamot sa kanilang mga ulo. Dahil sa totoo lang ay nag-uumpisa nang sumakit ang kanilang ulo kay Tintin.
"Bakit ang tagal niyo diyan!" Walanf ano-ano ay may nagsalita sa kanilang left side.
"Ay titeng nakausli!" Sigaw ni TinTin sabay talon dahil sa gulat.
Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Lucian habang natawa naman ang tatlong binata sa nasabi ni TinTin.
"You must be Martini, I'm Lucian." Sabi ng binata na seryoso pa rin ang mukha nito.
Unti-unti namang ngumiti si TinTin nang matitigan niya si Lucian.
"Apo ka din ng Lolo ko so, mag-pinsan tayong dalawa Lusyang!" Masiglang sagot ng dalaga.
Napatikhim naman si Lucian na napakurap-kurap.
"It's Lucian..Lu..ci..an." pagtatama naman ng pagbigkas ni Lucian sa kanyang pangalan.
"Lu...ci..yan! Lucy na lang mas maikli!" Tugon ng dalaga.
Napalunok naman si Lucian.
"Lalaki ako it's inappropriate to call me that name," sabi naman nito.
Nawala naman ang ngiti sa labi ni TinTin at nanulis ang nguso nito.
"Dumudugo ilong ko sa kaka-english mo puwede bang pure tagalog na lang? Nasaan nga pala si Lolo?" Aniya.
Muling tumikhim si Lucian.
"Nasa hospital siya. You can visit him tomorrow you need to rest." Sagot nito.
Napangiwi naman si TinTin.
"Oo nga pala nakalimutan ko!" Tugin niya sabay hagikhik.
Ni hindi naman ngumiti o tumawa man lang si Lucian nasa seryoso mode pa rin ito.
"Sige na. Ihatid niyo na siya sa kanyang magiging kwarto!" Bilin naman ni Lucian sa tatlo nang tumingin ito sa kanila.
Tumango naman ang tatlo at kinuha na nila ang maleta ni TinTin.
"Tayo na Senyorita!" Yaya nila sa dalaga.
"Ang suplado mo naman! Alam mo ba ang mga taong hindi palangiti mabilis tumanda at mamuti ang buhok. Madaling mangulubot at pumangit-"
"I hate noises!" Putol ni Lucian sa mga sinasabi ni TinTin.
TinTin pouted her lips.
"Pipi nga nakakagawa ng ingay ako pa kayang normal na nakakapagsalita?" Aniya.
Mariing napapikit si Lucian alam na ng tatlo kapag ganoon ang hitsura ng kanilang Senyorito. Kung kaya't mabilis na nilang hinila si TinTin papasok sa loob ng Mansyon bago pa sumabog ang galit nito.
"Ang sungit ng pinsan ko sayang guwapo pa naman siya at mukhang macho. Siguro hindi ako magtatagal dito at lagi lang kaming mag-aaway." Talak pa din ni TinTin nang makapasok na sila sa loob ng Mansyon pagkatapos nitong mamangha sa gara niyon sa loob.
Tumikhim naman ang tatlo.
"Ganoon lang siya pero mabait iyon Senyorita!" Sagot ni Jimboy.
"Mabait? Ewan ko doon siguro tomboy iyon at nakakaranas ng regla kaya siya nagkakaganoon." Giit ng dalaga.
Sabay-sabay na napaubo ang tatlo na labis ipinagtataka ni TinTin.
"Bakit kayo naubo? Pa-check up kaya kayo baka mauwi 'yan sa pneumonia o kaya tuberculosis!" Aniya.
Nakangising natatawa ang tatlo.
"Okay lang kami Senyorita. Ito ang magiging kwarto niyo at kung may kailangan kayo tawagin niyo lang kami o ang mga katulong." Ani naman ni Logan.
Napagmasdan naman ni TinTin ang magiging kwarto niya. Aminado itong mas malawak pa iyon kaysa sa kanilang sala maging sa kanilang kwarto ng kanyang Inang. Napakaganda, napakalinis at napakabango ang magiging kwarto niya. Pansin din ni TinTin na lumpo din sa kagamitang pambabae kumportable ang matutulog doon.
"Ang laki naman nito nakakatakot tulugan," nasabi ni TinTin.
"Masasanay ka din Senyorita," sagot naman ni Ricky.
"Siguro ewan! Salamat sa inyong tatlo," turan naman ni Tintin.
"Kung ganoon maiwan ka na namin Senyorita para makapagpahinga ka." Wika naman ni Jimboy at inakay na niya ang dalawa niyang kasama.
Tumango lang din si TinTin at abala pa ang kanyang mga mata sa panunuyod nito sa kanyang kwarto. Nang makaalis na ang tatlo ay pinuntahan naman niya ang loob ng kanyang bathroom. At doon ay tumambad sa kanya ang malawak ding bathroom niya. Kumpleto din sa mga personal belongings at kung ano-ano pang gamit ng isang babae. Napangiwi naman si TinTin nang makita niya ang mga iyon dahil hindi siya pamilyar sa mga ganoon. Lalong-lalo na ang mga pampagandang naroon at mga pabango, sabon, shampoo at kung ano-ano pa.
"Aanhin ko ang mga ito napakadaming pampaganda na ito? Baka mamaya masunog pa mukha ko mabuti na lang at nagdala ako ng aking sariling sabon." Bulong ni TinTin at nagpasya na itong maligo.
Pakiramdam ng dalaga ay sumama sa kanya ang tubig ng dagat na iniwan niya sa Isla dahil sa pakiramdam niyang panlalagkit.
"What's wrong with her?" Agad na tanong ni Lucian sa tatlo nang makababa na ang mga ito.
"Sabi ko naman sa'yo Senyorito kakaiba siyang babae eh!" Kakamot-kamot na sagot ni Logan.
"Define kakaiba,"turan naman ng binata.
"Kakaiba... iyong iba siya talaga Senyorito pero nakakatuwa naman minsan. Mapapasakit nga lang ang ulo mo kapag matagal mo siyang kausap. Parang...parang napakalawak ng imahinasyon niya ganoon." Paliwanag naman ni Logan.
"Mabuti na lang maganda si Senyorita," wika naman ni Jimboy.
"Saka... sarap niyang amuyin parang baby lang!" Nakangiting turan ni Ricky.
Agad namang silang tiningnan ni Lucian nang masama ang tatlo. Kaya agad silang nag-seryoso at napayuko pa ang mga ito.
"Kahit kakaiba pa siya kailangan natin siyang alagaan kagaya ng bilin ni Don Eduardo. I think kulang lang siya sa briefing kaya ganon siya although nakakasakit nga ng ulo. Gabayan niyo na lang siya ayokong sa aking siya magdi-dikit nang sobra you know why." Saad ni Lucian in a cold face.
Sabay -sabay na tumango ang tatlp at nagpaalam na sila kay Lucian. Nang mag-isa na lang si Lucian ay napabuntong-hininga ito. Hindi niya maiwasang alalahanin ang maamo at inosenteng mukha ni Martini taliwas sa pagkamdaldal nito. Ang katamtaman nitong taas at mala-diyosang tindig. Lalo na ang mapula at nang-aakit na labi nito isabay pa ang mahahabang pilik-mata niya. Bumagay sa maliit niyang mukha ang mahabang buhok nitong kulot na may pagka-hazel nut brown.
"The f*ck!" Mura ni Lucian nang mapakurap-kurap ito at mabilis na nitong nilisan ang malaking sala at tinungo niya ang kanyang mini gym sa Mansyon.