07

855 Words
3rd Person's POV; "Damn it!"mura ng binatang si Dark na pinagkatinginan ng kambal ng makita ng mga ito kung paano ibato ng binata ang chess board. "Anong problema ni pinuno?pumalpak nanaman ba sina Jasper?"bulong ni Chaos sa kakambal. "Wala namang naitatawag si Jasper na ganun mukhang si lady Mesiree ang pinoproblema niya ilang weeks na siyang dinidedma ni Lady Mesiree diba?"ani ni Crios. "Ang sarap ng cookies mo iha grabe anong nilagay mo dito?"ani ng ginang na kinaangat ng tingin ng tatlo ng makitang lumabas sa kusina si Mesiree at ang ginang na may hawak na tray. "Nilagyan ko lang po yan ng Vanill---." "s**t!"mura ng binata bago mapatakbo at saluhin ang dalaga ng maapakan nito ang isa sa mga pawn na binato ng binata. "Mesiree!"ani ng ginang ng mabitawan nito ang tray at makitang pabagsak ang dalaga. "Mes--."naputol ang sasabihin ng binata ng umayos ng tayo ang dalaga at itulak palayo ang binata. "T-Tataas na ako."bulong ng dalaga bago lakad takbong tumaas ng kwarto. "Damn it."bulong ng binata bago nagdidilim ang anyong tumaas. "Dark!"sigaw ng ginang ng makitang sinundan ng binata ang dalaga. ---- "Anong ginag---."napasinghap ang dalaga ng isandal siya ng binata sa likod ng pinto. "Dark!buksan mo itong pinto anong gagawin mo kay Mesiree!"sigaw ng ina nito mula sa labas habang kinakalampag ang pinto. "Ayoko sa lahat ginaganun ako Mesiree."madilim ang anyong sambit ng binata. "A-Ano?!sasaktan mo ako ulit ha?!"bulyaw ng dalaga ng makitang iangat ng binata ang kanang kamay nito napapikit ang dalaga habang inaantay ang pagdapo nun sa pisngi niya. "S-Sorry."bulong ng binata na kinamulat ng mata ng dalaga ng marandaman ang kamay ng binata sa pisngi niya. "P-pinapatay mo ako sa ginagawa mo...and i hate that."bulong ng binata na kinatigil ng dalaga ng makitang lumambot ang ekspresyon ng binata bago sumiksik sa leeg niya hanggang sa mapadausdos ito pababa at yakapin siya sa bewang. "Ang init mo nilalagnat ka."nag aalalang bulong ng dalaga bago lumuhod sa harap ng binata at sapuin ang noo ng lalaki ng sumiksik ito sa leeg ng dalaga. "Dark!"nag aalalang sigaw ng dalaga ng makitang mawalan ng malay ang asawa na kinapasok naman ng kambal kasunod ang ginang. --- "Iha matulog kana masyado ng malalim ang gabi."ani ng ginang kay Mesiree ng makita nitong pinupunasan ang asawa. "Nag aalala ako mommy Celine buong araw siyang tulog."sagot ng dalaga. "Magdadalawang linggo ng hindi nakakatulog ng ayos ang batang yan natural lang yan na gumanyan lalo nat nilalagnat pa kaya wag ka ng masyadong mag alala okay?"ani ng ginang bago tapikin ng mahina ang dalaga at tumalikod para lumabas ng kwarto. "Ako ba may kasalanan?"bulong ng dalaga na kinailing nito. "Imposible noh baka nagaway sila nung ex niya kaya di siya nakatulog but---i nga."ani ng dalaga na kinabuga nito ng hanin. "Ano bang ginagawa mo Mesiree haist."parang tanggang sambit nito bago marahang punasan ang pisngi ng binata na tuyong towel dahil nakasuot ito ng face mask. "Pano kita malilinisan nan kung suot mo yang maskara mo haist."bulong ng dalaga. --- "s**t!"mura ng dalaga ng mabalikwas ito ng bangon ng marealize na nakatulog siya at---. "Nasaan na yung kupal?at pano ako napunta sa kama?"tanong ng dalaga bago bumaba ng kama at pumasok ng c.r para mag ayos. "Uuwi na kayo?"tanong ng ginang habang kaharap ang binatang si Dark at sa likod nito ang mga tauhan. "Uuwi na tayo?"tanong ng dalaga ng makababa ito ng hagdan habang kinukusot kusot ang mata ng marinig ang boses ng ina ni Dark. "Wtf mesiree!bat ganyan ang suot mo!"sigaw ng binata na kinatalon ng dalaga dahil sa gulat. "Nakadam---."naputol ang sasabihin ng dalaga ng hubarin ng binata ang suot nitong coat at ipatong yun sa suot na pantulog ng dalaga. "Ang daming lalaki dito tapos lalabas ka ng ganyan ang suot."umuusok ang ilong na sambit ng binata na kinangiwi ng dalaga. "Nagmamadali kasi ako kanina kaya paghihilamos lang ang ginawa ko."sagot ng dalaga magsasalita pa si Dark ng---. "Dark uuwi na pala kayo hindi niyo man lang ba aantayin si papa?"bungad ni Dwayne pagkakababa ng hagdan kasunod ang kasintahan. "Marami pa kasi akong dapat gawin sa opisina."walang buhay na sagot ng binata bago hawakan ang asawa ng makitang titig na titig si Dwayne kay Mesiree na nakikipag usap sa ina. "Mommy Celine dadalaw na lang po kayo sa bahay tapos ipagbabake po kita ng cake."nakangiting sambit ni Mesiree bago yakapin ang ina ng binata na naiiyak. "Mom wag oa pwede naman kayong dumalaw sa bahay anytime pasabi lang kayo kina Crios."ani ng binata na kinasimangot ng ginang. "Pwede naman kasing dito na kayo tumira ang dami daming kwarto dit---." "Mom hindi na po kami bata okay?tiyaka may pent house kami kailangan din namin ng privacy para sa future apo ni---f**k!"mura ng binata ng hampasin ni Mesiree ang sikmura niya. "Anong apo umayos ka hmmp."pagtataray ng dalaga na kinakinang ng mata ng ginang. "Apo?!ohmygosh oh siya lumayas na kayo bilis!"ani ng ginang bago itulak tulak ang dalawa palabas ng mansyon. "Mom!"naiinis na ani ng binata ng makalabas sila ng mansyon. "Uwi na kayo bilis gusto ko apat agad!"excited na sambit ng ginang na kinalaki ng mata ng dalaga at kinasapo sa noo ni Dark.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD