08

752 Words
3rd Person's POV; "Kasalanan mo yun eh tss kung ano ano pinagsasabi mo kay mommy Celine."paninisi ng dalaga habang nasa byahe. "Mag seatbelt ka nga."balewalang sagot ni Dark habang nagdadrive. "Saan ba tayo pupunta?mukhang hindi naman ito papuntang pent house."tanong ng dalaga habang kinakabit ang seatbelt. "May gusto lang akong dalawin."sagot ng binata na kinasimangot ng dalaga. "Sino naman sa nga chix mo yan ha?"nakataas ang kilay na tanong ng dalaga na kinataas ng gilid ng labi ng binata. "Basta."sagot ng binata bago pabilisan ang pagpapatakbo. --- "Papa Dark!"nanlaki ang mata ng dalaga ng sobrang daming bata ang sumalubong sakanila. "Wtf Dark!mga anak mo lahat ng ito tapos gusto mo p---" "Stupid hindi mo ba nabasa yun?"putol ng binata sa dalaga bago ituro ang karatula malapit sa gate. "Welcome to Heavenly Orphanage."bulong ng dalaga na kinangiwi nito. "Isa lang ito sa mga orphanage na pinatayo ko sa buong mundo para sa mga batang tulad nila."kalmadong sambit ng binata habang ginugulo ang buhok ng isa sa mga batang sumalubong sakanya. "Papa Dark namis ka po namin ilang buwan ka po kasing hindi nakadalaw dito."ani ng batang lalaki. "Papa Dark sino po siya?ang ganda niya po."sabat ng batang babae bago hawakan ang laylayan ng suot na coat ng dalaga. "Ahm hi Im Mesiree---. "Shes my wife at siya ang mama Mesiree niyo."ani ng binata na kinatingin ni Mesiree. "Ihhh ganda po ni mama Mesilee hihi gusto ko maging kamukha siya paglaki ko."kumikinang ang matang sambit ng batang babae na kinasang ayunan ng ibang bata. "Maganda naman din kayo eh."nakangiting sambit ni Mesiree bago lumuhod para makapantay ang ilan sa mga batang babae. "Beautiful din kayo like me."ani ng dalaga na dahilan para yakapin siya ng mga batang babae. "Ihh like ka na din namin mama Mesilee you look like a angel po."ani ng isang batang babae na kinatawa ng dalaga. Hindi maiwasang matawa ng binata ng hindi na siya pansin ng mga bata at pumalibot na sa dalagang tuwang tuwa na makipagkwentuhan sa mga bata. "Mas mukhang close agad ang mga bata sa asawa mo kaysa sa girlfriend na pinakilala mo samin last year."komento ng isa sa mga madre na kinalingon ng binata. "Mother superior."bati ni Dark bago yumuko bilang pag galang. "Oo nga Dark mas mukhang sincere siya sa pakikipag usap sa mga bata."komento pa ng isang madre ng makitang hila hila na ng mga bata ang dalaga na natatawa. "Dark dun muna daw kami sa play ground makikipaglaro ako babye."paalam ng dalaga na kinalingon ng binata. "Crios at Chaos sundan mo."utos ng binata na kinatango ng kambal bago habulin ang mga bata at ang dalaga. "Mukha nga po iniwan na nga ako."natatawang sambit ni Dark na kinangiti ng mga Madre. "Tara pumasok muna tayo sa loob."yaya ni Mother Superior na kinasunod ng binata. --- "Katulad ng dati hindi pa din nakikipaghalubilo ang kambal lagi lang silang nandiyan...yung ibang bata natatakot na din lumapit dahil masama daw tumingin yung batang lalaki."ani ng Madre na nakatalagang bantayan ang kambal. "Sinusubukan din namin sila kausapin pero hindi sumasagot."sabat pa ng isang madre na kinabuga ng hangin ni Dark. "Hindi dapat sila nandito pero anong gagawin ko kung ayaw nilang sumama."bulong ni Dark na kinapag alala ng mga Madre. "Hoy teka lang dahan dahan kayo baka madapa kayo!"sigaw ni Mesiree na kinatingin ng dalawang bata sa kinaroroonan ng mga batang naglalaro kasama ang dalagang si Mesiree. Mula kasi sa kinauupuan ng dalawang bata may napakalaking screen ang nakahara kung saan naghahati sa Garden at play grounf kaya mula sa pwesto nila kitang kita ang play ground. "M-Mama."bulong ng batang babae bagi tumayo at tumakbo palapit sa screen na kinatingin ng dalagang si Mesiree. "Mama."ani ng batang babae na kinalapit ng dalaga. "Hello."nakangiting sambit ng dalaga na kinagilid ng luha ng batang babae. --- "Mga kapatid mo sila?"nanlalaki ang matang tanong ni Mesiree bago tingnan ang batang babae na nakayakap sa nga hita niya at sa batang lalaki na nanatiling nakatingin sa pwesto nila. "Mama."bulong din ng batang lalaki bago tumayo sa kinauupuan at lumapit sa dalaga. "Mesir--." "Sila ba yung mga batang tinutukoy nina Crios kanina?"tanong ng dalaga na kinatahimik ng binata. "Mama*huk*wag mo na kaming ikulong."parang may kung anong tumusok sa puso ni Mesiree ng marinig ang sinabi ng batang babae habang nakayakap sa hita niya. "Shh baby girl hindi kayo ikukulong ni Mama."bulong ng dalaga bago buhatin ang batang babae na kinayakao ng batang lalaki sa mga hita niya. "Mukhang madadala na namin sila."bulong ni Dark habang nakatingin sa kambal na nakayakap kay Mesiree.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD