Warning! Mature content! Not suitable for young readers and read at your own risk! ***** PAGMULAT pa lang ng mga mata ni Justin ay agad na may sumilay na malawak na ngiti sa kanyang labi nang masilayan si Shine sa tabi niya sa ibabaw ng kanyang kama. Nakasiksik ang katawan ng dalaga sa kanya at magulo ang buhok nitong medyo tumatabing (tumatakip) sa maganda nitong mukha. And the best part is... they are still naked under the white sheet. He smirked, naughtily. Marahan niyang inalis ang buhok na nasa mukha nito at iniwasan niyang magising si Shine dahil gusto pa niyang matitigan nang matagal ang maganda nitong mukha habang mahimbing itong natutulog. Natutukso siyang halikan ang malambot at mapula nitong labi pero pinigilan niya muna ang sarili dahil amoy alak pa siya. Kaya bumangon muna