Kabanata 25

2327 Words

INABALA ni Sunshine ang sarili sa paglilinis ng bahay habang hinihintay niyang bumalik si Justin. Nagpaalam ito sa kanya na bibisitahin si Caren na kadalasan nitong ginagawa sa mga nakalipas na araw dahil nag-e-enjoy daw itong asarin si Jayvee na kasintahan ng dalaga. Pero sa tingin niya ay parte rin iyon sa unti-unting paglimot ni Justin sa nararamdaman nito kay Caren. Sinasanay nito ang sariling makita ang dalaga na masaya at kuntento na sa piling ng iba. Tinitiis nitong makita at marinig ang bawat ngiti at halakhak ni Caren kahit na sobra itong nasasaktan dahil hindi ito ang dahilan sa bawat pagtawa at pagngiti ng dalaga ngayon. At sa tingin naman niya ay unti-unti na 'yong natatanggap ni Justin dahil hindi na niya nakikita ang sakit at panghihinayang sa mga mata nito sa tuwing magkas

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD