PANAY ang pagngibit ni Shine nang bumangon siya sa kama. Kabuwanan na niya kaya panay rin ang paghilab ng kanyang tiyan idagdag pa na sobrang likot ng triplets na parang laging may 'wrestling' sa loob ng kanyang sinapupunan. Tuwang-tuwa pang panoorin ng mga kapatid niya ang paggalaw ng tiyan niya pero ang hindi ng mga ito alam ay medyo masakit at nakakaramdam siya ng discomfort na normal lang naman daw ayon sa OB. Gusto pa nga nina Light at Dark na mas lakasan pa ng mga anak niya ang pagsipa sa loob ng kanyang tiyan kaya kadalasan ay ang mga ito ang sinisipa niya na ikinakasimangot lang ng dalawa. Medyo tanghali na nang magising si Shine dahil medyo malalim na ang gabi nang matulog siya kagabi. Kausap niya si Justin kagabi at kahit na anong pilit nitong sabihin sa kanya na matulog na siya