MABILIS na nakarating si Justin sa ospital at agad siyang nagtungo sa silid na kinaroroonan ng kanyang mga magulang. Saktong lumabas ang doktor na kaibigan ng kanyang ama kaya kinausap niya muna ito at nakahinga siya nang maluwag nang ibalita nito sa kanya na gising na ang kanyang ama at maayos na ang kalagayan nito. Wala ng ibang komplikasyon na nakita sa katawan ng kanyang ama dulot nang nangyaring aksidente kaya mananatili na lang ito sa ospital hanggang sa tuluyang maka-recover. Pagkatapos niyang kausapin ang doktor ay pumasok siya sa silid at agad niyang nakita ang kanyang ama. Gising ito at nakahiga habang malungkot na nakatingin sa kanyang ina na kasalukuyang nakahiga sa isa pang kama. Comatose pa rin ang kanyang ina at umaasa siyang katulad ng kanyang ama ay magigising na rin ito