MALAYO ang tingin ni Shine habang hinahaplos ang kanyang may kalakihan ng tiyan. Limang buwan na ang ipinagbubuntis niya at hindi nakapagtatakang malaki ang kanyang tiyan dahil tatlo ang nasa sinapupunan niya. Yeah, triplets. Noong una ay hindi rin siya kaagad makapaniwala at sigurado siyang masusorpresa si Justin kapag nalaman nitong nakatatlo agad ito. At sigurado siyang magugulat ito oras na bumalik ito sa isla. Pero halos limang buwan na buhat nang umalis ito subalit wala man lang siyang naging balita kay Justin. Wala man lang itong text o kahit na tawag na halos araw-araw niyang hinihintay. Halos hindi na nga niya binibitawan ang cellphone niya sa pagbabakasakaling anumang oras ay tatawagan siya nito. Pero wala man lang naging paramdam sa kanya si Justin sa mga buwang mabilis na lumi