Natatawang tumayo na lang ako para umahon na rin siya mula sa sofa. Mas lalo akong natatawa sa nakikitang pagkainis at pagkabanas sa kung sino mang kumakatok sa pinto niya dahil naiistorbo ang supposed-momentum naming dalawa. "Sige na, pagbuksan mo na ang kung sino mang kumakatok na 'yan sa pinto nitong bahay mo," ngising sinabi ko sa kanya. He drew me closer to him again as he pulled me to his body. Natatawang napasubsob ang mukha ko sa kanyang matikas na dibdib. "I'll go back to you in a second…" he whispered my ear sensually. And that sent erotic shivers down my spine, na napapikit na lang talaga ako sa sarap ng kiliting batid ng mabangong hininga niya sa aking tenga at pisngi. He kissed my neck and I snaked my arms around his nape. Ilang sandali pa'y marahang tinulak ko na siya s

