I closed my eyes as I made my forehead touch his. Sa kaibuturan ng pagkatao ko, alam kong mali ito. Maling-mali itong ginagawa ko ngayon. Ngunit sa pagkakataong 'to, gusto kong magbulag-bulagan muna. Na kalimutan muna kahit sandali lang ang katotohanang ikakasal na ako. Na kahit ngayon lang, gusto kong makasama at makapiling ang tanging lalaking minahal ko sa buhay ko. Oo, na-engaged ako, and I swear, lahat naman ginawa ko para mahalin din si Matteo kagaya ng pagmamahal na nararamdaman ko kay Rael… pero wala eh. At the end of the day, I always knew na isang lalaki lang ang kayang magpabilis ng t***k ng puso ko kagaya ng nadarama ko ngayon habang itong taong ito ang kasama at kapiling ko. I've never felt like this to anybody else after him, not even with my own fiancé. Kahit kailan, si Is

