Niyakap din niya ako ng mahigpit. Kahit papaano'y naiibsan ang lungkot at pangungulila ko dahil sa kanya... Akala ko 'yon na ang pinakamasakit at pinakamasaklap na pangyayari sa buhay ko pero hindi pala dahil dumating ang bagong pagsubok at bangungot. Nalaman namin na ang La Hotel Phils na buong buhay ko ay tinataguyod ni daddy na naba-bankrupt na pala dahil sa kabi-kabilang mga utang. Kahit ang aming bahay na puno ng alaala ng daddy ay nakasanla na rin sa bangko, binigyan na lamang kami ng ilang buwan para makapagbayad at kung hindi ay tuluyang mawawala ang naipundar ng aming pamilya. "Matteo never knew about this offer so please, hija, pag-isipan mo itong mabuti." Mr. Harris Vicente came to us one day after we have known the whole truth. Naihilamos ko ang mga palad ko sa aking mukha.

