"HEY, man! What the h*ll you are doing?!"
Malakas na tanong ni Sofia nang napansin ang may edad na lalaki sa pinakadulo ng railings. Isang pagkakamali lang nito ay siguradong mahulog na. Sa katunayan ay nabuhay ang natutulog niyang dugo dahil dito.
"Are you okay, Sir? I'm sorry for my loud voice earlier. Aba'y hindi tinatanggap sa langit ang nagpapakamatay," aniyang muli ng nakaupo silang dalawa sa pinasadyang upuan ng barko para sa mga biyahero.
"Although you got me wrong, I still need to thank you, Miss, for saving me. Napalalim lang ang pag-iisip ko kaya't hindi ko namalayan na napadpad na pala ako dito sa sulok. By the way, may I ask what your name is?" patanong nitong tugon.
'F*ck! Are we on a pageant to have questions and answers portion?!'
Lihim tuloy siyang napamura dahil dito. Subalit dahil hindi naman sila bastos ay pilit siyang ngumiti saka nagwika.
"Sofia Fernandez ang pangalan ko, Sir. How about you?" aniya.
"Duncan O'Hara is my name. I am a traveller who loves to roam around the planet. Kaya nga ako napadpad dito sa pamosong barkong ito," pahayag nito.
Dahil wala naman siya sa kondisyong makipag-usap sa kahit sino dulot na rin ng mga nalaman sa tunay na pagkatao ay hindi na siya nagpaligoy-ligoy pa.
"Ah, mawalang-galang na po, Mr Duncan. Total okay ka na ay babalik na po ako sa aking cabin. Basta tandaan mo po na hindi tinatanggap sa langit ang nagpapakamatay," pahayag niya saka bahagyang yumuko bilang pamamaalam.
Kitang-kita pa nga niya sa sulok mg kaniyang mata na nais nitong magsalita. Subalit hindi na niya iyon pinagkaabalahan pa.
'Kung nasa tamang kundisyon lang sana ako ay baka magtagal pa ang kuwentuhan natin. Ngunit dahil wala ako sa mood ay baka makarinig ka pa ng hindi kaaya-aya mula sa akin,' aniya sa sarili.
SAMANTALANG hindi natinag sa narinig ang matanda bagkus ay pinakatitigan niya ang dalagang tumulong sa kaniya.
"Hindi ako maaring magkamali. She is one of us. Ngunit bakit nandito siya sa karagatan?" tanong niya sa kawalan.
'Eh, ikaw? Nandito ka rin naman ah.' Panunutil tuloy ng kaniyang isipan.
"Tsk! Tsk! Ibang usapan iyon. Kung hindi ako nagkakamali ay apo ko na iyon batay sa edad," sabi niyang muli.
'Parehas lang iyon. Dahil kahit magkaiba ang rason ninyo kung bakit sumampa kayo sa pamosong barko na ito. Well...' Panunulsol pa ng inner mind.
Dahil dito ay napahinga siyang malalim. Totoo naman ang mapanukso niyang isipan.
"Sa katunayan ay sigurado akong natagpuan ko na ang dahilan kung bakit ako nandito sa barko. Confirmation na lamang ang kulang. Ngunit para sa tulad ko na isang batikang dragon member ay kahit walang confirmation. I will do everything to succeed," sambit niyang muli makalipas ng ilang minutong pananahimik.
SA KAPULUAN ng Madrid, Spain.
"Dinalaw ka na naman ba ng panaginip, anak?" tanong ni Mrs Cameron sa anak.
Sa katunayan ay maaga pa. Ngunit dahil maalimpungatan silang mag-asawa dulot ng daing mula sa silid ng kanilang anak ay hindi na sila dinalaw ng antok.
"Yes, Mom, and Dad. Subalit ibang-iba ang pakiramdam ko sa pagkakataong ito," sagot nito.
"What do you mean by that, son?" bakas ang pagtatakang tanong ni Ginoong Cameron.
"Sa mga nakaraang panaginip ko ay hindi malinaw, Daddy. Kaya't mas natatakot ako sa pagkakataong ito dahil si Sofia ang nakita ko. Wala naman sanang problema kaso humihingi ito ng tulong. Kaso kung kailan ko maabot na ang palad ay basta na lamang ito naligo sa sariling dugo," paliwanag nito kasabay ng pag-usog upang makalapit ng husto sa kanila.
SA PAGKAALALA sa nilalaman ng panaginip niya ay nasapo ni Santi ang noo. Natatakot siya sa nais ipahiwatig ng lahat. Dahil ayaw lang niyang aminin sa sarili ang taong hinahabol sa loob ng ilang taon.
"May hindi ba kami nalalaman ng Mommy ninyo, anak? Dahil kung ako ang tatanungin mo ay mayroon. Hindi lang kami mind reader." Dinig niyang sabi ng kaniyang ama.
Kaso nasamid naman siya sa tinuran ng inang hindi napag-iwanan ng panahon ang panininghal sa ama.
"Ikaw namang, Espanyol ka, maari bang liwanagin mo ang iyong ibig sabihin? Tsk! Tsk! Mas hindi naman maunawaan ang sinabi mo eh!" singhal nitong habang nakataas ang kilay.
Tuloy ay napahagikhik siya ngunit nauwi rin sa halakhak. Dahil ang kaniyang mahal na ama ay napakamot sa ulo. Gamoon pa man ay nagseryoso siyang muli.
"Mommy, Daddy, ayon sa kuwento ninyo ay nabuo sina Ate Bianca at Kuya Nico noong bago kayo kinasal ni Grandpa Garrette. Actually, may nangyari sa amin ni Sofia noong bago siya dumistansiya. Ngayong siya ang nakikita ko sa aking panaginip ay muli kong naalala ang tungkol sa bagay na iyon."
Wala siyang dapat ikahiya sa mga magulang. Dahil sa katunayan ay open na open siya sa mga ito. Kaya nga siya kinakantiyawan ng ina na matandang binata sa loob ng damit. Lalo at naunang nag-asawa ang bunso niyang kapatid. May tatlo na rin itong anak. Sa kabilang apat na magkakapatid ay siya na lang ang walang asawa. Ilang taon na rin siyang nalagas sa kalendaryo.
"Kung ganoon ay mayroong basehan ang sinabi sa iyo ng Mommy mo noon, anak. Bantay salakay. Well, kung nagmana ka sa aking makamandag ang pagpunla ay mayroon na iyan---"
"Tsk! Tsk! May nalalaman ka pang makamandag eh! Maano bang sabihin mo na lang na kung nagbunga. Susme!"
Pinutol na nga ng kaniyang ina ang pananalita ng ama ay nakairap pa! Tuloy ay nauwi na naman sa paghalakhak ang ngiti niya. Hindi lang iyon, ang nasimulan niyang pag-amin o pagtapat sa babaeng hindi na nawala sa kaniyang isipan ay naudlot.
"MASTER!"
Sabay-sabay na napasinghap ang lahat. Dahil bukod sa basta na lang binato ng apoy ang bagong dating ay inataki pa nito ang hindi nakailag o sinadyang hindi umiwas.
"Sabi ko na nga at hindi makapagkatiwalaan ang tulad mo! Nasaan siya?!"
Wala pa ngang nakaimik sa kanila ay sumigaw na ito. Sa katunayan ay kulang ang dumadagundong upang ilarawan ang boses nito.
"Master, hayaan mo nang makalayo si Miss Sofia---"
"D*mm you! Wala kang karapatang pangunahan ako! Sa grupong ito ay ako ang gumagawa ng batas! Kaya't kung ayaw mong sa mga kamay kita mawalan ng buhay ay magtapat ka!"
Pamumutol nitong muli sa pananalita ng kulang na lang ay masunog.
"Kagaya ng ipinangako ko noon sa mga magulang ninyo ay aalagaan ko kayong dalawa, Master---"
Subalit muli ay hindi natapos ng kaawa-awang nilalang ang nais sabihin. Dahil muling pinadapo ng amo ang latigong basta lumabas sa palad.
"Kahit na! Wala ka pa ring karapatang magdesisyon para sa amin ni Sofia! Ngayon ay sagutin mo ang tanong ko. Nasaan siya? Dalhin mo ako ngayon sa kaniyang kinaroroonan!" muli ay sigaw nito.
Ngunit hindi rin nagpatinag si Sebastian. Halos malagutan na siya ng hininga dulot ng sunod-sunod na natamong apoy mula sa amo. Idagdag pa ang latigo nito.
"Kung kamatayan ko ang makapagligtas sa iyong kapatid ay maluwag kong tatanggapin, Master. Mamamatay man ako ngayon sa iyong mga palad ay wala akong pagsisihan. Dahil sa katunayan ay matagal na akong nakahalata sa iyong pagbabago. Hindi na ikaw ang Miggy na ipinagkatiwala sa akin ng iyong mga magulang. Kaya't kahit anong pamimilit ni Miss Sofia na huwag na akong bumalik ay hindi ko pinansin. Dahil kako may unfinished business akong kailangang tapusin."
Masakit ang buo niyang katawan. Dulot ng pananakit sa kaniya ng amo. Idagdag pa ang pagharang ng mga kasamahan sa kaniya sa daan. Ganoon pa man ay kinaya niyang isiniwalat ang saloobin sa kabila ng panay na pagbato ng apoy. Subalit sa ginawa niya ay mas uminit ang ulo nito. Mula sa latigo ay ang calibre kuwarenta-isingkong baril na binunot mula sa likuran ang itinutok sa kaniya.
Pero ang mga kasamahan naman niya ang pumagitna.
"Umalis kayong lahat diyan kung ayaw ninyong sumama sa kaniya sa kabilang buhay!" sigaw nito.
NAIS niyang patayin ang lahat. Lalong-lalo na ang traydor na nagpaalala pa sa nakaraan. Kaso ang mga tauhan naman niya ang pumagitna. Kaya nga mas kumukulo ang dugo niya.
"Master, alam naming malaki ang kasalanan ni Brother Sebastian sa iyo at sa grupo natin. Ngunit sa aming mga tauhan mo ay walang makakahigit sa kaniya sa lahat ng bagay. Maparusahan mo naman siya kahit hindi kamatayan."
"Tama siya, Master. Sa ganoong paraan ay mapakinabangan mo pa rin siya. At the same time, you can have your revenge."
"Tungkol kay Miss Sofia ay ikaw na rin ang nagsabing umalis ito. Ibig sabihin ay babalik din ito. Maraming paraan upang iyong maisagawa ang iyong inaasam."
Mga ilan lamang sa salitang binitawan ng mga tauhan. Kaya naman ay pabagsak niyang binitiwan ang latigong hawak-hawak. Kahit ang armas ay isinukbit sa mismong lagayan sa likuran niya.
"Ikulong ninyo ang traydor na iyan! Alagaan n'yo ng mabuti dahil magagamit din natin ang hayop na iyan sa mga susunod na araw. Tandaan ninyong buhay n'yo ang kapalit kapag iyan ang mamatay!" malakas niyang sabi saka nag-walked out.
Hindi na niya hinintay na makasagot ang mga tauhan. Sa galit na lumulukob sa kaibutuwiran ng kaniyang puso ay gustong-gusto niyang pumatay sa pagkakataong iyon. Subalit tiniis niya ang lahat dahil tama naman ang mga tauhan. Hindi na niya pinatulan ang mga ito.
SA MARGARITA dahil na rin sa sari-saeing emosyon ay hindi na pinagtuunan ng pansin ang mga nais makipag-usap sa kaniya.
Kaso!
Nagulat naman siya dahil aksidente niyang nasagi bag na naman naglalaman ng enveloped na ipinaabot ng nagpakilalang Sebastian.
Ngunit!
Nagulat siya dahil sa nabasa o ang nilalaman nito!