Ika-sampu ng Setyembre taong 1900. Araw kung kailan kami dadaong sa Bayan ng San Bartolome. Nandito kami sa daungan ng mga barko, matapos ang mahigit na anim na oras na paglalakbay bago makapunta rito. "Binibining Dette, ayos ka lang ba?" Pagtatanong ni Rigo sa dalaga. 'Wag kang maniniwala sa mga sasabihin ni Rigo. Lahat ng iyon kathang-isip lamang. Ayan na naman ang boses ni Dette na paulit-ulit sa isipan ko. Para sa'n ba kasi iyon? Babala ba iyon para sa akin? Napabalik ako sa isipan ko ng tapikin ako ni Antonio, "Ayos ka lang, binibini?" "H-huh?" Pinilig ko ang aking ulo, "ayos lang ako, Antonio. Sumakit lamang ang aking ulo dahil sa tagal ng byahe." Napalingon kami nang sumigaw si Andres at sabihin p'wede ng sumakay sa barko. Sumalubong sa amin ang luma at malaking bar