Ika-labing-isang araw ng Setyembre taong 1900. Lumabas kami at pinuntahan sila Faustino sa parke. Maglilibot kami sa Bayan ng San Bartolome. Unang punta ko rito, hanggang munisipyo lang ako dahil pista ng araw na iyon. "Sa'n tayo pupunta? Marami bang p'wedeng puntahan dito?" Pagtatanong ni Felipe sa amin. "Marami, Felipe, pero sa ngayon puntahan muna natin sila binibing Dette." Siyang sagot ni Rigo. Sa nakalipas na araw parang lalo silang naging malapit na dalawa. Laging nasa tabi ni Dette si Rigo at mukhang may malalim silang pinag-uusapan. Nasa tapat na kami ng bahay nila Dette. Ang disensyo ng kanilang bahay ay katulad ng mga nakikita ko sa Vigan, iyon nga lang may watawat sa kanilang terasa dahil mayor ang kanyang ama, ang aming pinuno. May lumabas na kasam-bahay at sinabi