Masaya kaming lahat na bumaba galing sa burol, maganda talaga ang bukang-liwayway at takip-silim. "Bukas ulit, mga binibini, sa kabilang bayan naman tayo pumunta." Saad ni Andres sa amin. Tumango kami sa kanyang sinabi. Sabay-sabay kaming bumaba, pagdaan namin sa maliit na tulay kung nasa'n ang Bayan Ng San Bartolome, sumalubong sa amin ang mga nagtatakbuhan, naghuhumikahos, nagsisigawan at mga takot na mukha ng mga tao sa bayang ito. "A-anong nangyayari?" Bakas sa amin ang gulat ng makitang may nasusunog na mga bahay at may mga usok sa Bayan, hindi lamang sa Bayan ng San Bartolome kung hindi sa iba pang lugar dito base sa mga nakikita namin ngayon. Hinablot ni Dette ang isa sa mga tumatakbo, bakas sa kanyang mukha ang galos, luha, at may itim na nakalagay sa kanyang mukha. "A-an