Chapter Two

1941 Words
LEIGH ADDISON   NAPAMULAT ako  nang marinig ko ang phone ko na tumutunog pero hinayaan ko lanh at pumukit ulit makakaidlip na sana ako until I heard the phone ringing once again "Ugh" iritableng saad ko at kinuha ang phone ko sa side table. "Hello" iritableng saad ko hindi ko na tinignan kung sino ang caller nakapikit pa ako dahil kulang ang tulog ko sa kakaisip sa stupid na yon.   "Who are you bakit hawak mo ang phone ni leigh?" singhal nito sa kabilang linya napataas naman ang kilay ko. Aba! Siya tatawag tapos tatanungin kung sino ako? Lakas trip nitong si rose. "Rose, wala akong oras makipag biruan sayo sabihin mo na ang kailangan mo kaya napatawag ka" iritableng sagot ko dahil naistorbo ang tulog ko.   "Ako ang hindi nakikipagbiruan sayo sino ka ba bakit hawak mo ang phone ng kaibigan ko? Nasaan siya? Kung hindi mo sasabihin ipapapulis kita" sigaw nito kaya inilayo ko ang phone sa tainga ko narinig ko pa din ang pagsasalita nito naiiling na isinarado ko ang cellphone ko at tumayo na sa kama para pumunta sa banyo dahil naiihi na ako at isa pa nawala na din ang antok ko. Nakapikit na umupo ako sa bowl "fuck fuck" tili ko ng mabasa ako pagtingin ko "ahhhhh !!!! Am i dreaming? bakit meron ako nito?" gulat na saad ko at napatayo kaagad. "Hindi ito totoo diba? Hindi ito totoo nanaginip lang ako" saad ko at pinagsasampal ang pisngi  ng paulit-ulit sabay tingin ulit ako sa ibaba ko.   Andoon pa din siya   "Ohh noooo bakit may hotdog ako! Oo gusto ko nga ng hotdog pero yung inuulan pero hindi ang magkaruon ng ganito? Hindi makatarungan" saad ko at tumingin ako sa salamin ganun na lang ang pagka gulat ko dahil mukha ng lalaki ang nakikita ko. "Ahh Hindi ito totoo" sigaw ko napasabunot ako sa buhok ko ano bang nangyayari bakit naging lalaki ako.   Isang malakas na kalabog ng pintuan ang narinig ko iniluwa non sila mommy at daddy na gulat na gulat pero agad napakunot ang noo lalo si daddy na parang papatayin ka niya napadako naman ang tingin nila sa ibaba ko hindi ko pa pala natataas ang short ko kaya agad kong tinaas yun para takpan ang Junjun. "Sino ka? Anong ginagawa mo sa kwarto ng anak ko? at bakit suot mo ang damit niya?" sunod sunod na tanong niya habang kinuwelyuhan pa ako.   "Daddy ako ito si leigh" mangiyak-ngiyak kong sagot sa kanya napamaang naman ito "adik ka ba? Mabuti pang ipadampot kita sa pulis" galit na saad niya sabay hila sa akin palabas ng banyo.  "Daddy sa maniwala kayo o hindi ako to ang prinsesa niyo si leigh addison" pagpupumilit ko sa kanya at nagpupumiglas na din nabitawan naman nito ang braso ko. Ang mala diyosa kong katawan nawala na napalitan na ng mala-muscle na katawan ayoko nito paano ako makakapag suot ng dress?   "Pinagloloko mo ba ako ha! Babae ang anak ko hindi lalaki!! Nasaan siya? Saan mo dinala? Mapapatay kitang gago ka" singhal nito ngayon ko lang nakita na ganito kagalit si daddy siguro dahil ako ang pinag-uusapan. "Dad ako nga ito si leigh hindi ko alam kung bakit naging lalaki ako pag gising ko ganito na ang nangyari, please dad and mom tulungan niyo ako mabalik ang dati kong katawan" umiiyak na sabi ko sa kanila. "Wag mo ako pinagloloko lumayas ka dito o ipapabaril kita" pagbabanta niya umiling ako saan naman ako pupunta? Panigurado hindi din maniniwala ang mga bestfriend ko pag sinabi ko sa kanila baka isipin pa nilang baliw ako at ipadala sa mental.   "Wait" Pigil ni mommy napatingin kami sa kanya ni daddy "Tignan mo siya maigi Rene kamukhang kamukha mo siya ng kabataan mo, magaan ang loob ko sa kanya" pigil ni mommy tinignan naman ako ni daddy nang maigi "Sympre mommy anak mo ako eh ako nga to si leigh Duh" maarte kong sabi sabay ikot nang mata. "Pati pananalita niya leigh na leigh nga" natatawang sabi ni mommy tumikhim si dad "Kung ikaw nga ang anak ko magbigay ka ng sekreto na tanging tayong dalawa lang ang nakakaalam" saad ni daddy habang nakatingin sa akin ng seryoso.   "Nung 15 years old ako dad hindi mo sinasadya na pakainin mo ako ng chocolate na may peanut pala kaya naman inatake ako ng allergy agad mo akong sinugod sa ospital sabi mo wag ko ipaalam kay mommy dahil magagalit siya sayo at hindi ka pansinin ng isang linggo" sabi ko nakanganga lang si dad.   "Ikaw nga yan baby princess" masayang sabi ni daddy sabay yakap sa akin. "Ouch" daing ni daddy dahil pinaghahampas siya ni mommh "Bakit hindi mo napansin na may peanut yung chocolate alam mo naman na sakitin tong anak natin naku kung nalaman ko lang hindi isang linggo ko siya kakausapin kundi isang buwan" naiinis na sabi ni mommy si dad naman tahimik lang takot yan kay mom. "Mom, dad paano ko mababalik ang dati kong katawan ayoko nito" reklamo ko kahit naman mahilig ako sa HOTDOG ayoko naman magkaroon nito noh.   "Sanayin mo muna ang sarili mo anak sa katawan na yan at isa pa gusto ko maranasan magka anak ng lalaki lalo na kamukhang kamukha talaga kita" masayang sabi ni dad sabay gulo sa buhok ko tuwang tuwa nagkaroon siya ng Junior. "Baka naman may sumumpa sayo anak kaya pag gising mo lalaki kana minsan nakapanood ako noon" Biglang sabi niya napahinto kami ni dad at napalingon kay mommy.   Sumpa? Sino naman hinayupak ang nagsumpa sa akin? Bigla namang pumasok sa isip ko si blaire at ang sinabi nito sa akin. " pag gising mo malaki ang pagbabago na mangyayari sayo at sisiguraduhin kong ka-kailanganin mo ako at hahanapin subalit hinding hindi mo ako matatagpuan"   "Mom alam ko na ang bago nating maid si blair tinanggal ko siya sa trabaho dahil napaka stupid tapos yun nagalit ang sabi niya pa na pag gising mo malaki ang pagbabago na mangyayari sayo at sisiguraduhin kong ka-kailanganin mo ako at hahanapin subalit hinding hindi mo ako matatagpuan" saad ko at hinang hina na napaupo sa kama "wag kang mag-alala anak ipapahanap natin si blaire oh sya kailangan natin pumunta sa mall para bumili ng damit mo" saad nito na halata ang galak sa kanya napairap naman ako. "Dad ayoko niyan" reklamo ko sa kanya dahil pilit niya ako sinasabihan na bibili kami ng brief at boxer na susuotin ko. "Anak tandaan mo lalaki kana alangan naman undies ang gagamitin mo?" sagot nito napairap naman ako sa totoo lang gusto ko pumunta sa boutique at bumili ng dress at stiletto balita ko meron silang bagong labas na design. "Nakakainis naman" bulong ko tumawa lang ito sabay gulo ng buhok ko na kahabaan pagkatapos namin bumili ng mga dami  dinala naman niya ako sa salon para pagupitan.   Ayoko maging lalaki !!! Hindi ako ready huhu!! "Sir ang gwapo naman po ng kasama niyo anak niyo po ba?" tanong ng lalaki habang ginugupitan ako naasiwa naman ako dahil panay kasi ang tingin niya mabuti sana kung gwapo kaso mukha namang shokoy na naligaw sa lupa. "Oo siya ang kakambal ni leigh masyado lang pribado itong anak ko nato kaya ngayon niyo lang nakita"nakangiting sagot ni daddy panay naman sulyap ng mga babae dito sa salon gusto ko sanang irapan baka isipin nilang bakla ako mapahiya pa si dad. Madalas daw kasi siya dito nagpapagupit at VIP na din siya dito kaya todo asikaso sa aming dalawa at malaki din mag tip itong si dad. "Kaya naman pala sir rene pero kamukhang kamukha niyo po talaga" sagot nito hindi naman ako umimik mabuti na lang natapos na kami magpagupit dahil sobrang nasasakal ako doon panay kasi ang tingin nila sa akin at ang lalagkit pa na parang gusto akong tikman.   Hindi na ako uulit magpagupit doon di bale na lang magpa home service ako "Dad restroom lang ako hindi ko na kayang pigilan hanggang sa bahay eh" sabi ko kay daddy nagmadali na ako pumunta sa restroom pagpasok ko  "ahh pervert" tili ng babae sabay bato ng sandals niya sa akin "Aray bakit mo ba ako binato at anong sabi mo ako pervert? Paano ako naging pervert ha" singhal ko sa kanya na naiirita dahil ang sakit ng sandals niya. "Ang lakas mong sigawan ako bakit hindi ba pervert ang gaya mo na basta basta na lang pumapasok sa banyo ng babae" natahimik naman ako sa sinabi niya.   Crap lalaki na nga pala ako! Stupid leigh! "Ano ta-tanga ka na lang diyan? Get out!!" Galit na singhal nito  buong buhay ko hindi ko pa naranasan sigawan  kaya naman masama ko siyang tinignan tinaasan lang ako ng kilay.   "Hoy para sabihin ko sayo kahit ikaw na lang ang natitirang babae sa mundo hindi kita pagnanasaan para ka ngang lalaki wala kang boobs" sabay alis sa restroom naudlot tuloy ang pag ihi ko "Antipatiko wag lang mag krus landas natin blah blah" sigaw niya hanggang sa wala na akong narinig.   Saan pa ba may restroom?   "Oh anak pinagpapawisan ka okay ka lang ba?" Nagaalalang sabi ni daddy hinihingal pa ako nababadtrip talaga ako sa babaeng yon akala mo kagandahan.   "Okay lang ako dad uwi na po tayo pagod na din ako" yaya ko kay dad pumayag naman siya "Anak mamaya pala may bisita tayo sa bahay si tito gasper mo kauuwi lang dito sa pilipinas kasama ang anak niya kung hindi ako nagkakamali kasing edad lang kayong dalawa" aniya si tito gasper bestfriend ni daddy maraming beses ko na siyang nakita pero ang anak niya hindi pa.   Gwapo ba?    "Dad gwapo ba? May abs? May mu-" he cut me off at natatawang tumingin sa akin "Anak hindi siya lalaki, babae ang anak ng tito gasper mo" sabi ni dad habang nakangiti "Alam kong magkakasundo kayong dalawa magpakabait ka sa kanya" dugtong nito pero hindi nalang ako umimik dahil hindi naman ako interesado sa kanila.   Pagdating sa bahay naligo na ako agad "Teka paano ako iihi? Uupo ba ako o tatayo gaya ng mga lalaki?tska hahawakan ko ba yun?" ang daming tanong sa isipan ko.   Ugh nakaka stress!!   Hindi ko namalayan naka idlip na ako kung hindi pa ako ginising ni mommy "Baby andiyan na ang mga bisita bumangon ka na diyan hinatayin ka namin sa baba" sabi ni mommy tumango lang ako pero nakapikit pa din.   Gusto ko pang matulog   Tinatamad na bumangon ako sa kama at bumaba na sa living room kung saan naririnig ko ang tawanan nila nakita ko naman may nakaupong lalaki "Sino siya kumpadre ngayon ko lang nakita" sabi ni tito gasper habang nakatingin sa akin.   Kung alam mo lang tito ako to si leigh "Si Cullen kakambal ni leigh lumaki siya sa lola niya kaya ngayon niyo lang nakita" ganting sagot ni dad naniwala naman si tito gasper carbon copy kaya ako ni daddy kaya nga very proud siya. "I'm sorry dad, tito rene na late ako" sabi ng boses babae sa likuran ko.   Bakit parang pamilyar ang boses niya saan ko nga ba narinig yun?   "Okay lang Flynn, ipapakilala kita sa anak ko si cullen" sabi ni dad at pinihit ako paharap sa kanya.   "IKAW/YOU" sabay naming sigaw ng makita namin ang isa't isa bakit siya pa ang anak ni tito gasper.   Nakita ko din si BABAENG PADER infairness maganda talaga siya ha kahit walang hinaharap. "Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni tito gasper "Yes dad, siya lang naman yung per-" hindi ko hinayaan ipagpatuloy ang sasabihin niya at agad akong sumingit.   "Tinulungan ko po siya magbitbit ng shopping bags niya kanina sa mall" sabi ko pinansingkitan niya ako ng mata dahil sa kasinungalingan ko. "Ah ganon ba, oh siya punta na tayo sa dining table pababa na din ang asawa ko" sabi ni dad.   "Okay ka lang anak?" tanong ni dad tumango lang ako at pilit na ngumiti.   "Ouch" daing ko dahil tinapakan lang ng brat na to ang paa ko tinignan ko siya ng masama ngumisi lang siya sa akin.   Humanda ka!!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD