"The greatest three words are not I love you, but rather: How are you? I want to learn more because I love you..."
Napangiti ako.
"Mabuti naman..."
Tinantiya ko kung naintindihan ba ni Shawn ang sagot ko, pero ngumiti lang siya nang malapad. Mukhang naintindihan naman niya.
"Let's take a walk?" pag-aya niya sa akin.
Bahagya akong tumango, at saka ngumiti. "Okay."
Pinauna ako ni Shawn, at saka sabay na kaming naglakad. Naiwan na namin si Manay Teresita doon sa lugar na pinagkitaan naming tatlo.
Ramdam ko ang paninitig sa akin ni Shawn habang naglalakad kami, kaya naman nakaramdam ako ng pagka-ilang. Wala sa loob na naikuskos ko ang isang palad ko sa itaas na braso ko.
"Are you cold?" narinig kong tanong ni Shawn, kaya napabaling ako ng tingin sa kanya.
"No. No... I am just..." takte... aaminin ko bang nako-conscious ako sa mga tingin niya?
"You are making kilig because of my stares?"
Awtomatikong napalingon ako kay Shawn. "What?!"
Maloko siyang tumawa.
"Okay. So, what other Tagalog words do you know? Aside from kumusta ka and kilig?" tanong ko sa kanya, para mapagtakpan ko ang pagka-conscious ko.
Muli akong tumingin sa harap, para tingnan kung nasaang lugar na ba kami. Mahirap na. Hindi naman ako tagarito. Baka mamaya ay maligaw pa ako.
"Ma-gandah... kah."
Napalingon uli ako kay Shawn. Nakangiti pala siya sa akin habang naglalakad kami. Pinilit kong supilin ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. Ikiniling ko ang ulo ko.
"And it means?" tanong ko sa kanya.
"You're beautiful!" confident niyang sagot.
Huminto ako sa paglalakad, kaya huminto rin si Shawn. Magkaharap kami ngayon sa isa't isa.
"Really? You think I am beautiful?" tanong ko uli sa kanya.
"You are the most beautiful woman to me, Rosanna," sagot ni Shawn, habang titig na titig sa mukha ko.
Nagkibit-balikat ako, at saka nag-umpisa uling humakbang. Sumunod naman sa akin si Shawn.
"Someone once told me that soldiers are born with sweet tongues," birong sabi ko sa kanya.
This time, si Shawn naman ang huminto sa paglalakad, at saka humarap sa akin., kaya huminto rin ako at humarap din ako sa kanya. Halos matunaw na ako sa lagkit ng tingin niya sa akin. Medyo maliwanag pa, at nag-uumpisa pa lang lumubog ang araw.
"Not me, Rosanna. Because you are the first and only woman I fell in love with," sabi niya, pagkatapos ay hinawakan ang isang kamay ko.
Para namang may tila mga maliliit na kuryenteng na tumulay sa mga kamay namin. Nahigit ko ang aking hininga nang dalhin ni Shawn ang kamay ko sa labi niya at masuyong hinalikan iyon.
"I love you with all my heart, Rosanna. Every day, I miss you. And how I wish to be with you forever. I can see myself having children with you. I want to spend my entire life with you."
Kinilig naman ako sa mga sinabi niya, kaya nakagat ko na lang ang ibabang labi ko para pigilan iyon.
Roxanne, stop! Huwag kang kiligin. Hindi ikaw si Rosanna, remember?
Masuyo kong binawi ang kamay ko mula kay Shawn, at saka nagpatiuna uling maglakad. Naramdaman kong sumunod naman si Shawn sa akin.
"Rosanna? Are you mad at me? Ga-lit kah bah?" narinig kong tanong niya sa likuran ko.
Hindi pwedeng hindi mo sagutin ngayong gabi si Shawn, Roxanne. Huwag mong sirain ang mga nangyari na.
Parang narinig ko iyon sa isip ko, kaya napahinto ako sa paglakad. Nagpalinga-linga ako.
"Why?" tila naguguluhang tanong ni Shawn.
"Did you hear someone talk beside the two of us?" tanong ko sa kanya.
Bahagyang ngumiti si Shawn, at saka umiling.
"It's only you and me here, Rosanna."
Ako ang nagsalita, Rosanna. Si Manay Teresita. Kinakausap kita sa isip mo.
May ganito palang powers, hindi ako sinabihan agad. Tatakutin pa ko!
Sorry...
Napairap tuloy ako sa hangin, kasi wala naman si Manay Teresita dito para harapan kong irapan. Napansin kong nakita ni Shawn ang ginawa kong pag-irap, kaya agad ko siyang nginitian.
"Never mind me. Maybe, it's just the wind I am hearing..." palusot ko pa kay Shawn.
"And, no. I am not mad at you. It's just that-- I am just worried. You meet plenty of women out there. And I am just a typical Filipina woman--"
"Shhh... Don't say that. You are not a just typical woman. You are the woman I intend to bring to the altar," putol pa ni Shawn sa sinasabi ko.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Really??" hindi ko mapaniwalaang tanong.
"Yes!" with confidence naman niyang sagot.
"Well... If that is the case... from now on... can I say that... I am officially your girlfriend?" nakangiti kong sabi.
"Wh-What? Did you say... oh my gosh! Did I heard it right?" taranta namang sagot ni Shawn.
Natutuwa ako sa reaksiyon niya, pero pinili kong iwanan siya doon sa kinatatayuan namin. Mabilis akong naglakad palayo doon.
"Hey, Rosanna! Where are you going? Hey! Wait for me!" habol na sigaw niya sa akin na pasimple kong ikinatuwa.
Sa halip na huminto ako at hintayin siya ay patakbo pa akong naglakad palayo sa kanya.
"Hey! Girlfriend!" narinig kong tawag uli ni Shawn sa akin.
Nagulat na lang ako nang mahawakan niya ang braso ko at saka pinaharap ako sa kanya. Nagtagpo ang mga mata namin ni Shawn. Nag-aagaw na ang liwanag at dilim. Pero kita ko pa rin ang at malinaw na malinaw ang guwapong mukha ni Shawn.
"You're so beautiful, Rosanna..."
Pakiramdam ko ay bahagyang nag-init ang mga pisngi ko sa natanggap kong papuri mula kay Shawn.
"I really, really wanted to kiss you," dagdag pa niya, kaya napalunok ako bigla. Magpapahalik ba talaga ako kay Shawn? Kasama ba ito sa usapan? Teka. Ang bilis naman yata?
Nahigit ko ang aking hininga nang unti-unting bumababa ang mukha ni Shawn sa akin. Palilbhasa ay Amerikano, kaya di hamak na mas matangkad sa akin si Shawn. Pero hindi rin naman ako kaliitan. Nasa 5'5" naman ang height ko. At siguro ay nasa 5'9" si Shawn. Naputol ang pagkukumpara ko sa mga taas namin ni Shawn nang magulat na lang ako dahil naduduling na ako sa sobrang lapit ng mukha ni Shawn. Hawak pa rin niya ang isang braso ko, habang papalapit pa rin ang mukha niya sa mukha ko.
Konting-konti na lang talaga at magdidikit na ang aming mga labi. Wala sa loob ko na napapikit ako ng mga mata, habang hinihintay ang pagsayad ng mga labi ni Shawn sa akin.
Eherm!
Napapitlag ako sa narinig kong iyon, at awtomatikong bahagya kong naitulak si Shawn.
Istorbo ka, Manay! Kainis ka...
Tumikhim muna si Shawn, bago nagsalita.
"Come, my girlfriend. I wanted to tell you some stories," pagyaya niya sa akin, at saka ako hinila na papunta sa isang sementadong upuan.
PABALIK na kami ni Shawn sa tagpuan namin ni Manay Teresita.
"Did I bored you?" tanong ni Shawn habang naglalakad kami.
"No!" umiling-iling pa ko, "actually, I enjoyed your stories."
"You know, Rosanna... I still couldn't believe that you are my girl now," mahiyaing sabi ni Shawn.
Napalingon ako sa kanya.
"Do you want me to take my answer back?" pagbibiro ko sa kanya.
Mabilis na nakalipat si Shawn sa harapan, ko kaya napahinto ako sa paglakad.
"Oh no! Don't! Please. Don't do that, my love..."
Natawa naman ako sa inakto ni Shawn.
"I'm just kidding," natatawa kong sabi.
Awtomatiko naman siyang bumalik sa tabi ko at saka tahimik na uli kaming sabay na naglakad.
Gentleman talaga yung mga lalaki noong unang panahon. Biro mo, boyfriend ko na si Shawn ngayon, pero hindi pa rin siya nag-attempt na i-holding hands ako o akbayan ako.
Bigla ko na namang naalala si Perry. Pero eto ako, katabi ng isang lalaki. Correction. Boyfriend. Boyfriend ko na ang lalaking katabi ko ngayon. Boyfriend, oka yna ba? Samantalang si Perry... andun sa hospital. Hindi ko napigilang mapabuntonghininga nang maalala ko si Perry at ang kalahgayan niya nang umalis ako. Pero napansin yata iyon n ni Shawn.
"Is there a problem, my love?"
Napalingon uli ako sa kanya. Kita ko sa mga mata niya ang pag-aalala.
Isip, Roxanne...mag-isip ka ng idadahilan mo...
"N-Nothing. I was just thinking if... if your mother will like me?"
Feelingera lang, Roxanne? Mother agad? Ni wala pa nga kayong isang araw na may releasyon.
"Of course! You're a good woman, so my mother will definitely like you," seryosong sagot ni Shawn, kaya pinili kong pagaangin ang sitwasyon.
"So sure, huh!"
"Yeah! Of course!""
Pagkatapos nun ay tahimik uli kaming naglakad.
"My love?" tawag pansin sa akin mayamaya ni Shawn.
"Yes?"
"On December, I am scheduled to go home to Alabama. I will spend Christmas there with my siblings and my mother."
"Oh. Okay," mabilis kong sagot.
Hindi naman kasi ako aabot ng December. Tatlong araw lang ako dito 'noh!
"Really? You're not mad?"
"No! Why will I be mad? She's your mother. So, it's just natural to spend some quality time with her."
"You're really an angel, my love!" tuwang-tuwa niyang sagot sa akin.
"I will try to bring Mother here with me when I get back on January next year so that you will meet her. So that we can schedule our wedding." masaya pa ring sabi ni Shawn.
"We-Wedding??" taranta kong tanong.
"Yes! Our wedding! I can not wait to be with you. I want you to be my wife."
Magkahalong excitement at kaba ang naramdaman ko. Ano naman ang ikakakaba mo, Roxanne eh dalawang araw na lang at aalis ka na dito sa panahon na 'to!
Huminto si Shawn. "Do.. do you not agree with me? With the wedding?"
Biglang lumungkot ang boses ni Shawn kaya may pagpa-panic akong naramdaman.
"No. It's just-- are you already sure with that? It's been only hours that we are in a relationship and--"
"I am sure, Rosanna! I love you! I want to grow old with you. To be with you. Eternally."
Napatitig ako kay Shawn. Kahit alam kong hindi mismong ako ang pinatutungkulan niya... kahit hindi ako iyong mismong babaeng gusto niyang makasama habambuhay... ramdam na ramdam ko ang sinabi niya. Tagos sa puso ko.
"I want that too, Shawn," wala sa sariling nasabi ko. Sh*t! Ano ba 'yung sinabi ko? Si Roxanne ako. Hindi ako si Rosanna!
Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin nang mahigpit. Parang may sarili namang pag-iisip ang mga kamay ko na gumanti ng yakap kay Shawn.
"You will not regret this, Rosanna. I promise.... I will love you eternally. No death can break us apart."
Ha? Anong no death can break us apart? Hindi ako pwedeng manatili dito hanggang sa mamatay ka, Shawn.
Pero hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya. Masyadong masaya ang paligid para sirain ko iyon.
Nakangiti pa rin ang mukha ni Shawn nang humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin. Nag-umpisa na uli kaming maglakad pero this time ay hinawakan ni Shawn ang kamay ko. Ay... kakasabi ko lang na gentleman siya, eh! Pero bet ko rin naman.
"My love?"
"Hmmm?"
"Is Ramon... is he your guardian?"
"Umm?? Sort of..." Iyon ang sabi ni Manay, kaya iyon ang isinagot ko.
"But you are already twenty-three. You can live on your own. You don't need his guidance anymore."
Oo nga noh? Hindi na menor de edad ang twenty-three. Pero sabi nga ni Manay, hindi ko pwedeng baguhin ang iba dito sa nakaraan. Let them be.
"Yeah. But he is the only immediate family member that I have here in Manila."
Oh, di ba? Mabuti na lang naikuwento na sa akin ni Aling Tour Guide 'yun!
Correction! Manay Teresita!
Mula nang dumating tayo dito sa 1941, Manay... nawalan na ako ng privacy, sa kakabasa mo sa laman ng isip ko! Pagka-usap ko kay Manay Teresita sa isip ko.
Mabuti na yung mai-guide kita. Baka kung anong kapalpakan pa ang gawin mo.
Eh di ikaw na Aling Spiritual Guide! Hmp!
"My love?"
"Wh-What? Are you saying something?"
"Nah.. I was just thinking... do you think I need to ask permission from Ramon about our wedding?"
Ask permission kay Ramon? Karaka-raka? Ang motto siguro nitong si Shawn eh ano - Time is gold. Kakasagot ko lang nga eh, kasal na agad ang pinag-uusapan namin. Ngayon naman, mamamanhikan na?
No! Hindi pwede!! Can not be!!!
Sumingit na naman itong si Aling tour guide / Aling spiritual guide / Manay Teresita.
Oo na! Kalma! Huwag magpanic!
Eh, sa ating dalawa mas ikaw ang mukhang nagpa-panic. Hmp!
Huminto ako sa paglakad, at saka humarap kay Shawn.
"Shawn... you don't have to do that now. Probably, next year. Before our wedding," kalmado kong sabi.
Kitam, Manay? Galing kong artista ano?
Nakita kong huminga nang malalim si Shawn at saka nagsalita.
"Okay..." tumango-tango pa ito, "if that's what my love wants," pagkatapos ay ngumiti siya sa akin.
Sandali na naman akong natigilan nang parang may naalala ako sa ngiting iyon.
"I love you, Rosanna."
Napangiti na lang ako. Hindi sinasadyang napatingala ako sa langit. Napakaliwanag ng buwan. Ang gandang tingnan. Ang romantic din ng ambiance ngayon.
Naisip ko tuloy - parang napaka-perfect ng gabing ito ng October 16, 1941.
~CJ1016