15 - WHEN I FALL IN LOVE

2235 Words
"The more I learn about you, the more I come to love who you are..." Sinilip ko sa maliit na siwang sa gilid ng stage ang kabuuan ng club. Marami nang tao. Karamihan ay mga naka-uniporme ng pang-sundalo. Merong ilan na naka-coat. May mga babae rin namang customer ang club, pero siyempre, karamihan ay lalaki. Napangiti ako nang hindi sinasadya. Nakakatuwa silang pagmasdan, lalo na ang mga suot nila. Pakiramdam ko tuloy ay para akong nasa loob ng isang diorama, katulad ng mga nakikita ko sa mga museum kapag sinasamahan ko si Alex sa mga educational tour niya. Abala na rin ang mga tauhan ng club nagsisipag-serve. Marami rin palang tauhan si Ramon dito sa club niya. Lahat ay abala. Lahat ay gumagalaw. May kanya-kanya silang pinagkakaabalahan. "Padaan!" Nagulat ako sa nagsalita sa gilid ko. Tahasang inuutusan niya ako na tumabi ako at hindi nakikisuyo. Nakita ko ang isang magandang babae na alon-alon ang buhok. Pero halata ko sa mukha niya ang pagkamasungit. Bahagya pa nga niya akong inismiran. Tumabi naman ako para makadaan siya. Ayaw ko namang may kaaway pa ako sa panahon na ito. Bigla ko tuloy naalala sa kanya si Shiela, iyong officemate ko namin Perry na may gusto sa kanya. Sinundan ko ng tingin iyong babae nang makalampas na siya sa akin. "Si Carmen 'yun." Muntik na kong mapasigaw nang may magsalita sa likuran ko. Nang lumingon ako ay nakita ko si Manay Teresita na nakatingin din sa direksiyon nung babae. Napahawak ang isang kamay ko sa dibdib ko. "Kailangan talaga nanggugulat ka lagi, Aling tour guide?" inis na sabi ko, pero nagkibit balikat lang siya. Inirapan pa nga niya ako, dahil siguro sa tawag ko sa kanya. "Star dancer 'yan dito sa club," pagtutuloy niya, "mainit talaga ang dugo niyan sa iyo-- I mean kay Rosanna. Kasi patay na patay 'yan kay Ramon." Sinundan ko uli ng tingin iyong Carmen. Kausap niya ngayon iyong lider ng banda. Pinag-uusapan siguro nila iyong tugtog ng isasayaw niya mamaya. Teka. Ano nga ba ang mga sayaw sa panahong ito? Dapat talaga, nagtanong-tanong muna ako kay Alex. Pero panigurado namang magtataka iyon kasi bigla akong nagkainteres sa history. Dapat siguro nag-search na lang ako muna sa internet. Bakit ba kasi hindi ko naisip 'yun? "Puro si Perry kasi ang laman ng utak mo. Kinausap mo na ba si Rogelio sa kakantahin mo mamaya?" sabat na naman ni Manay Teresita sa iniisip ko. Sa pagkakataong ito, siya naman ang inirapan ko. "Ano nga ang kakantahin mo?" untag niya sa akin, "nandiyan na si Shawn! Nakita ko siya sa harapan," tila kinikilig na sabi ni Manay. Bakit parang mas kinikilig pa siya sa akin? "Manay, tapatin mo nag ako. Ikaw ba... may gusto ka rin kay Shawn?" panghuhuli ko sa kanya. Nag-iwas siya ng tingin sa akin. Tingin ko pa nga ay namula nang bahagya ang mga pisngi niya. "Wala, 'noh!" sabi niya, pero hindi naman makatingin sa mukha ko. "Naguguwapuhan lang ako. Sino ba naman ang hindi magu-guwapuhan sa ganyang itsura. Almost perfect," pahabol pa niya, sabay silip sa awang para tingnan si Shawn sa loob. "Ewan ko sa 'yo," sagot ko sa kanya, at saka ko sinubukang silipin din si Shawn sa harap ng stage. "Huy! Ano ngang kakantahin mo? Bakit ba ayaw mong sabihin sa akin? May kakantahin ka ba talaga o wala? Ayokong mapanhiya ka kay Shawn mamaya," ungkat niya uli. "Okay na. Nag-usap na kami ni Roger kanina. Saka nag-practice na rin kami nang konti." Kumunot ang noo ni Manay Teresita. "Sino'ng Roger?" Napangiti ako. "Ay! Rogelio pala!" Hindi ko naiwasang bahagyang matawa. Pinaningkitan ako ng mga mata ni Manay Teresita. Nag-peace sign ako sa kanya. "Sorry... ang haba kasi ng Rogelio... hehe..." Sa mga sandaling ito ay umakyat si Ramon sa stage. Nakasuot din ito ng pormal. Mahusay talaga magdala ng damit itong si Ramon kaya siguro kahit may edad na ay nagkakagusto pa ang ang mas batang edad na babae sa kanya katulad ni Carmen. "Rosanna!" galit na tawag sa akin ni Manay Teresita alyas Aling tour guide s***h time traveller. Nilingon ko siya at saka ngumiti. '"Ano 'yun?" "Ano nga ang kakantahin mo?" iritadong sagot niya. "Perfect," nakangiting sagot ko. Kumunot ang noo niya. "Perfect? Sinong kumanta nun? Bing Crosby? Frank Sinatra? Nat King Cole?" tanong niya sa akin. "Si Ed Sheeran," nakangiti ko pa ring sagot. Napaawang ang mga labi ni Manay Teresita kaya lumapad ang ngiti ko. "Huwag kang nagbibiro, Roxanne-- Rosanna!" Lumingon pa muna si Manay Teresita sa likuran niya, bago nagsalita uli. "Hindi alam ng mga tao rito 'yang kanta na--" "So what? Kesa naman wala akong makanta. Sabi mo nga, hindi ako dapat mapahiya kay Papa S," sagot ko, at saka ako muling sinilip si Shawn sa ibaba ng stage. "Ano'ng Papa S?" naguguluhang tanong ni Manay Teresita. "Papa Shawn! Kung merong Papa P, si Piolo Pascual... ako, merong Papa S. Si Shawn." "Hay, naku... Roxanne! Anak ka ng kamote, oo!" "Huy... anak ako ng Nanay ko..." "Fine! Whatever!" "Ano 'yun, Manay?" Agad niya akong sinamaan ng tingin, kaya hindi ko napigilan ang matawa. Bakit ba? Sabi niya, bantayan ang mga sinasabi. Eh, bakit siya? "Okay. Fine! Sorry na po!" inis na sagot niya sa nasa isip ko. "Ladies and gentlemen..." Halos sabay kaming napalingon ni Manay Teresita sa stage, kung saan naroroon si Ramon. Base sa mga naririnig ko kay Ramon ay wine-welome niya sa club ang mga dumating na mga customer. May binanggit pa nga siyang mga pangalan, na mukhang mga regular na pumupunta rito sa club niya. Nakita kong may iilan sa mga customer na kumaway kay Ramon mula sa ibaba ng stage. "Sus mio, Rosanna! Pagkatapos magsalita ni Ramon, ikaw na ang susunod! Mariosep! Ako ang kinakabahan para sa 'yo," narinig kong sabi ni Manay Teresita sa tabi ko, at saka ako puwersahang pinaharap sa kanya. Pinaypayan pa niya ang mukha niya ng dalawang kamay niya. Pinaikutan ko siya ng mga mata. "Kalma lang, Manay... Eh di sana nagtanong ka sa akin kanina, para--" "And now, let's all welcome our star singer... Rosanna Mallari!!!" Sabay kaming napalingon ni Manay Teresita sa stage at sa mga taong nagpapalakpakan. Ako na ba ang sasalang? Binalingan ko si Manay Teresita. "Ako na ba 'yun?" paninigurado ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata niya sa akin. "Alangan namang ako? Sa ating dalawa, ikaw ang Rosanna. Teresita ang pangalan ko!" "Sabi ko nga." Lumunok ako. "Wish me luck, Manay Teresita!" Nakita ko pa siyang nag-sign of the cross, bago ako humakbang papunta sa stage. Nagulat pa ako nang hawakan ako ni Manay Teresita sa braso ko, dahilan para mapahinto ako sa paghakbang. "Sandali lang. Magaling ka bang kumanta katulad ni Rosanna?" Nabasa ko ang pag-aalala sa mukha ni Manay Teresita. Ngumiti ako sa kanya nang ubod tamis. "See for yourself na lang, Manay..." pabirong sabi ko sa kanya, at saka ko siya tinalikuran para maglakad na papuntang stage. Sinikap kong huwag mag-isip ng kahit na ano dahil alam kong babasahin ni Manay Teresita ang laman ng isip ko. Nilingon ko pa uli si Manay Teresita, at saka muli ko siyang nginitian. Para tuloy gusto kong matawa sa nakita kong itsura ng mukha niya. Nakangiti pa ding umakyat ako at naglakad papunta sa gitna ng stage kung nasaan ang nakatayong microphone na kakaiba din ang disenyo. Muli akong sinalubong ng palakpakan. Mukhang kilala nga si Rosanna sa club na ito. "Good evening to all of you..." Muling nagpalakpakan ang mga manonood, kaya hindi ko napigilang lalong mapangiti. "The song that I will be singing to you now is different from the usual songs i am singing here. This will be the first time that you will be hearing this song. And I hope you will like it." Naks! Feeling singer lang ang peg mo, Roxanne! Muling nagpalakpakan ang lahat ng naroroon at nakatingin sa akin. Sinuyod ko muna ng tingin ang mga tao sa harapan. Huminto ang mga mata ko sa isang pamilyar na itsura ng isang sundalong Amerikano na tipid na nakangiti sa akin. Nakaramdam ako ng bahagyang pagtahip ng dibdib ko. Si Shawn na ba siya? Kutob ko na siya nga si Shawn. Nagbawi ako ng tingin sa sundalong iyon dahil pakiramdam ko ay hindi ako makakakanta sa paraan ng pagkakatingin niya sa akin. Masyadong malagkit! "Music please..." malambing na utos ko sa banda na nasa likuran ko. Pumailanlang na ang intro ng kanta ko, na kanina lang binuo ng banda para sa kakantahin ko. In fairness, magaling ang bandang ito. Mabilis nilang nakuha ang tugtog para sa kanta ko. Pumikit ako para namnamin ang tugtog. Pampaalils kaba na rin. Medyo may katagalan na rin mula noong huli akong kumanta nang ganito. Sa harap ng maraming tao. When I fall in love It will be forever Or I'll never fall in love... Nagdilat ako ng mga mata at sakto namang iyong sundalo uli na iyon ang nabungaran ko ng tingin. Walang duda na si Shawn nga siya. Malakas ang kutob ko. Itinuloy ko na ang pagkanta ko. Habang kumakanta ako ay sa iisang tao lang ako nakatingin. Gustuhin ko mang alisin ang tingin ko sa kanya ay tila may magneto itong hindi ko mabitiwan ng tingin. And too many moonlight kisses Seem to cool in the warmth of the sun Habang tumatagal na nakatingin ako sa sundalong iyon ay para bang nakikita ko ang mukha ni Perry sa kanya. Si Perry... Pasimple kong ipinilig ang ulo ko. Si Perry dapat ang iniisip ko. Siya ang dahilan kung bakit ako naririto sa panahon na ito. Ginagawa ko ito para kay Perry. Iyan ang lagi mong tatandaan, Roxanne... Hanggang sa matapos ako sa aking kanta ay hindi man lang inalis ng sundalong iyon ang tingin niya sa akin. Pakiramdam ko tuloy ay anumang oras ay matutunaw na ako sa pagkakatayo ko dito sa stage. "Thank you." Nagpalakpakan naman ang mga manonood pagkatapos ng kanta ko. May ilan pang nagsitayuan habang patuloy sa pagpalakpak. Tipid ang ngiti na kumaway ako sa kanila. Hindi ako makapaniwala na may ganitong atensiyon akong matatanggap. Oo. Kumakanta naman talaga ako. Pero sa school choir, o di kaya ay sa simbahan. Isang beses lang ako kumanta ng solo sa eskwelahan namin noong college pa. Kaya nga, kahit papaano ay kabado ako kanina bago ako sumalang dito sa gitna ng stage. "Psst! Rosanna!" Nilingon ko ang gilid ng stage, kung saan ko iniwan kanina si Manay Teresita. Nakita kong kumakaway sa akin ito, tinatawag akong lumapit sa kanya. Napagpasyahan kong sundin siya at naglakad na ako paalis ng stage. Habang naglalakad paalis doon ay may narinig pa akong sumigaw ng 'One more!' Pero namatay na ang ilaw sa stage, kaya natahimik na ang kung sino man ang mga sumisigaw na iyon. Nakangiting sinalubong ako ni Manay Teresita. "Mariosep ka, Roxanne! Akala ko, mapapahiya ka sa stage! Mabuti na lang at nakuha mo ang talent ni Rosanna sa pagkanta," tuwang-tuwang sabi niya, kaya napangiti na lang din ako sa kanya. "Ikaw lang, eh! Akala mo kasi si Alex lang ang gifted sa aming dalawa. May talent din naman ako..." "Oh, siya. Sorry na. Tara na! Nakita ko nang lumabas si Shawn. Hihintayin ka na nun sa labas," mahinang sabi niya, sabay hila na sa akin. May dinaanan kaming maliit na pasilyo na kami lang ang naglalakad. Parang sikretong daan iyon mula sa club palabas. Malayo-layo na rin ang nalalakad namin nang naisipan kong tanungin si Manay Teresita. "Manay. Magsabi ka nga ng totoo. Bugaw ka ba?" tanong ko sa kanya habang hila-hila niya ako. Bigla naman siyang napahinto sa paglalakad, kaya huminto rin ako. Sinamaan niya ako ng tingin. "Ay naku, Roxanne! Tumigil ka nga sa mga kabaliwan mong ganyan, kung ayaw mong abutan tayo ni Ramon dito." Nakagat ko ang ibabang labi ko. "Para nagdyo-joke lang..." "Joke ka diyan... Tara na!" Hinila na niya uli ako. Binagtas namin ang magaspang na daan na sa dulo ay isang tulay pala. Sa bungad ng tulay ay may nakatayong bulto ng isang lalaki. "Ayun na si Shawn," narinig kong sabi ni Manay Teresita sa akin nang hindi ako tinitingnan, pero hila-hila pa rin niya ako. Bago pa kami makarating sa kinatatayuan nung sundalo ay muling nagsalita si Manay Teresita. "Tandaan mo, Roxanne. Sasagutin mo si Shawn ngayon. Huwag na huwag lalampas ang gabing ito na hindi mo siya nasasagot. Sinasabi ko sa 'yo. Hindi pwedeng may maiba sa mga nangyari noon. Ang nakikita ni Shawn ay ikaw si Rosanna, kaya uulitin ko... kumilos ka na parang si Rosanna. Ika nga eh, dalagang Pilipina. At iyang bibig mo, pakibantayan mo 'yung mga lumalabas na salita diyan. Kung ayaw mong mataranta sa pagpapaliwanag kay Shawn." Nang makarating kami sa tapat ng sundalo ay saka ko lang napagmasdan nang malapitan ang mukha niya. Maamo ang mukha ni Shawn. Iyon din ang mukhang nakita ko noon sa Intramuros. Ang kaibahan lang, iyong sundalo sa Intramuros... siya na yata ang may pinakamalungkot na mukhang nakita ko sa tanang buhay ko. "Shawn, here's Rosanna. Please take good care of her. And be back here in an hour," bilin ni Manay Teresita kay Shawn. Naks! Ang galing mag-English ni Manay... Agad niya akong pinandilatan ng mga mata. Siyempre, nabasa niya ang iniisip ko. "Sure, Teresita!" masayang sagot ni Shawn sa kanya, kaya napalingon na kami pareho ni Manay Teresita sa kanya. Pagkatapos ay tumingin sa akin si Shawn. "Kow-musta ka, Rosanna?" bati niya sa akin sa slang na Tagalog niya. ~CJ1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD