"Kind words can create confidence. Kind thinking can be profound. But your kind giving of time creates love..."
"Sinong Alex ang pinag-uusapan ninyo?" tanong uli ni Ramon, habang papalapit sa amin ni Manay Teresita.
"Ah.. Ah... si Alex. Iyong bagong gitarista mamaya. Eh, may bagong kanta kasi itong si Rosanna. Baka raw hindi alam ni Alex tipahin sa gitara," paliwanag ni Manay Teresita, saka pasimple akong pinandilatan.
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Hindi ko alam kung paano ako aakto sa harap ni Ramon, ganung ngayon ko pa lang naman siya nakaharap. I mean ako na si Roxanne bilang si Rosanna.
Kumunot ang noo ni Ramon na para bang nag-iisip. Nagkaroon tuloy ako ng pagkakataon na mapagmasdan siyang mabuti.
In fairness, hindi halatang may edad na itong si Ramon. Ilang taon na kaya siya? Nakalimutan kong itanong kay Manay Teresita. Matikas pa rin ito at mukhang maalaga sa katawan niya. Medyo may mga kaunti nang puting buhok, pero kapag pinakulayan niya iyon ng itim ay mas babata pa siyang tingnan lalo kaysa ngayon.
"Alex ba ang pangalan noon?" Halos malukot na ang noo ni Ramon sa sobrang pagkakunot nito, sa sobrang pag-iisip niya. "Teka... parang Juancho yata ang pangalan nun? Oo. Tandang-tanda ko.Juancho ang pakilala niya sa akin," dagdag pa niya.
Naku! Lagot na! Hindi pa yata kami makakalusot ni Manay Teresita.
"Ahh... ganun ba? Akala ko Alex. Sus! Pasensiya na. Medyo nagiging makakalimutin na yata ako. Ganun na nga siguro," nakangiting sagot ni Manay Teresita kay Ramon.
Bumaling sa akin si Ramon.
"Ano ba 'yung bago mong kakantahin, Rosanna? May sinulat ka ba uling tula para gawing kanta?" magiliw na tanong ni Ramon sa akin.
Napalunok ako. Ano bang isasagot ko? Eh, hindi naman ako ang sumulat nun. Pero hindi ko naman pwedenng sabihin sa kanya na sa future ko narinig iyong kantang 'yun. Napatingin ako kay Manay Teresita pero pinandilatan lang niya ako ng mga mata.
"O-Oo. Ano--May... may naisip kasi ako. Iyon. Naisip ko lang basta. Baka pwedeng gawing kanta. Ganun. Alam mo na.... para maiba naman sa mga usual, I mean karaniwang kinakanta ko..." palusot ko pa.
"Bakit? Nagsawa ka na ba sa mga karaniwang inaawit mo?" tanong uli sa akin ni Ramon.
Ah! Inaawit ba ang term?
"Ahm... hindi naman. Okay naman iyong mga karaniwang inaawit ko. Hehe. For a ch-- para maiba lang."
"Paniguradong maganda 'yan kasi ikaw ang lumikha," magiliw na sagot sa akin ni Ramon.
Wow! Ang lalim! Lumikha!
"Siyangapala. Pupunta nga pala ako sa Escolta ngayon. May ipapabili ka ba?" tanong nito.
Nanlaki ang mga mata ko.
"Ha?" Escolta? Sa mga textbook ko lang naririnig 'yun. Hindi pa nga ako nakakarating doon. Ano bang itsura dun? Ano bang nabibili dun? Roxanne naman kasi... hindi ka muna nag-short course kay Alexa ng History 101!
"W-Wala. Wala naman." Hindi ko naman alam ang mabibili dun. "Ano. Bahala ka na!"
Ngumiti sa akin si Ramon.
"Sige. Alam ko naman ang mga gusto mo, eh. Mauuna na ako para makabalik ako agad."
"S-Sige." Tumalikod na si Ramon at saka naglakad palayo.
"Mag-iingat ka!" pahabol kong sabi sa kanya.
Nang tuluyan na siyang makalabas sa pintuan ng club ay para akong nabunutan ng tinik sa dibdib. Napabuga ako ng hangin.
"Sabi na sa 'yo mag-iingat ka riyan sa mga lumalabas sa bibig mo, eh!" baling sa akin ni Manay Teresita, "kita mo na. Muntik na tayong dalawa!" sita sa akin ni Manay Teresita, habang nililigpit niya iyong pinagkainan namin.
"Sorry... Bigla-bigla naman kasing sumusulpot! At dahil dun, ako nang maghuhugas niyan. Ituro mo na kasi sa akin ang kusina," sabi ko sa kanya, sabay tayo ko. Akmang kukunin ko na mula sa kanya ang mga pinagkainan namin.
"Bawal ka umepal sa kusina sabi," tinampal pa niya ang kamay kong nakahawak sa mga plato.
"Mapapagalitan nga kami ni Sir Ramon. Ang mabuti pa, umakyat ka na uli sa kuwarto mo. Magbasa ka pa ng ibang mga sulat dun na galing kay Shawn. Para naman may ideya ka kay Shawn. Baka mamaya, para kang engot kapag magkaharap na kayo," sabi niya, at saka ako iniwan na roon.
Kunot-noong sinundan ko siya ng tingin habang naglalakad palayo sa akin. Akala ko ba bawal mga pabalbal na salita? Nakadalawa na siya, ah...
"Sorry naman!" pahabol na sagot ni Manay Teresita, na halatang binasa na naman ang laman ng isip ko.
April 01, 1941
To the beautiful Rosanna,
First and most important, I hope you are doing well. It is so long since I have seen you. Since I promised to write you again since the last time we talked, so here it is.
I have so much news to tell you, but my pen fails in its attempt to note down what I will tell you. I prefer to narrate them all to you personally on Saturday, if not sooner.
My dear Rosanna, I used to think that perhaps it was not the right thing for me to fall in love when there was so much ahead of me. But as time went on, and I knew you better, those feelings gradually left me. Because you grew more and more into the woman I had imagined, more and more I watched your faith and admired your goodness for I can find no other word to express it; you had emerged in a simplicity and a purity, which was hard for me to realize.
One thing I do remember, you always want me to put down here in cold blue ink and even in blood, that I LOVE YOU always.
Shawn
P.S.
Lights go out soon so I have no time for more. Will call you up next week. That's my schedule. So wait for my call.
S.
Awwww... Halatang mahal na mahal ni Shawn si Rosanna sa mga sulat niya sa kanya. Bigla tuloy ako napatanong sa sarili ko. Sinasagot naman kaya ni Rosanna itong mga sulat ni Shawn? Eh, grabe maka-nose bleed ang mga sulat ni Shawn! Sabagay, Amerikano nga, eh. Alangan namang magsulat siya sa Tagalog.
Kumuha pa ko ng isa pang sulat sa drawer. Pati ako ay masyadong nahuhumaling sa mga sulat ni Shawn. Parang pocket book lang na ang hirap bitawan ang bawat chater.
May 28, 1941
To the beautiful Rosanna,
Here it is, Sunday again — Sunday night. I think this is the most lonely time of the whole week for me. I am so darn lonesome for you.
I am sitting outside my room, gazing at the moon. How beautiful it was! All I was thinking right now is that -- as I was watching this moon right now, how I wish that it shines on you at the same time. And I hope that someday, we will be watching this beautiful scene -- together -- side by side.
I do not have much to say. I am missing you a lot. How I wish it is Thursday night already so that I can see your beautiful face again, and hear your lovely voice again. See you!
Love lots,
S
Napangiti ako. Ramdam na ramdam ko talaga ang pagmamahal ni Shawn sa Lola Rosanna ko. Parang nakaramdam pa nga ako ng inggit. Ako kaya? Kailan kaya ako makakatanggap ng sulat mula kay Perry? Hindi na kasi uso 'yun sa panahon namin. Pero malay mo, baka magkahimala...
Maayos kong ibinalik iyong huling sulat ni Shawn na binasa ko sa drawer ni Lola Rosanna, at saka nahiga na sa kama. Speaking of Perry, kumusta na kaya siya? Pwede kaya akong humililng kay Manay Teresita na madalaw sandali si Perry?
Bigla tuloy akong nalungkot. Kung pwede nga lang na hindi ako umalis hindi ko sana iiwan si Perry. Pero kailangan kong gawin ito. Pikit mata. Para na rin kay Perry.
Yung mga kapatid ko kaya? Anong ginagawa nila ngayon? Para pa rin kaya silang aso't pusa?
Malalim akong bumuntonghininga. Hindi bale. Dalawang araw na lang naman ang kailangan kong hintayin. Tapos ay makakauwi na ako sa kanilang lahat. Ay! Ang isang araw nga pala ay sampung araw dito sa panahong ito. OMG! Hindi lang pala dalawang araw?
Biglang umihip ang hangin mula sa labas ng bintana, kaya nakalimutan ko ang ipinagsisintir ko. Eto ang masarap sa panahon na ito. Hindi pa masyadong polluted ang hangin.
Walang electric fan sa loob ng kuwartong ito, pero hindi ako nakaramdam ni konting alinsangan man lang. Pumikit ako para namnamin ang maginhawang pakiramdam.
Pagbalik ko sa kasalukuyan, paniguradong mami-miss ko ito, at puro polusyon na naman ang sasalubong sa akin doon....
"ROXANNE! Roxanne!"
Mabilis akong nagdilat ng mga mata. Nakita ko si Manay Teresita sa gilid ng kama ko. Napatingin ako sa labas ng bintana. Nagulat ako nang mapansin kong hapon na at halos palubog na ang araw. Oh my! Nakatulog ako?? Kasalanan nung unpolluted na hangin ito.
"Manay, ang haba ng tulog ko?" sabi ko sa kanya, sabay naihilamos ko ang isang kamay ko sa mukha ko.
"Hindi ba dapat ako ang nagtatanong sa 'yo niyan? Nasa Pilipinas ka pa rin naman. Hindi ka naman napunta sa Amerika para manibago ang katawan mo. Oh, ano pang ginagawa mo? Maligo ka na at mayamaya lang, eh sasalang ka na dun sa ibaba."
"Manay... kalma," medyo naiirita na sabi ko, at saka bumangon na. Agad na akong pumasok sa banyo.
Binilisan ko lang maligo. Mahirap na. Baka magalit na naman si Aling tour guide. Paglabas ko ay nasa harap na siya ng nakabukas na aparador doon. Marahil ay namimili ng isusuot ko ngayon.
Naupo na ako sa harap ng tokador at saka pinunasan ang buhok ko ng tuwalya para maalis ang excess na tubig dito. Hindi pa kasi uso ang hair dryer sa panahon na ito. Kaya titiyagain kong punasan ang buhok ko para maalis ang tubig at matuyo.
"Eto! Eto ang isuot mo. Paborito ni Shawn ang kulay pula para sa yo. Tiyak ang ganda-ganda mo mamaya sa paningin niya kapag suot mo na 'to!" tila excited niyang sabi, habang papalapit sa kinauupuan ko.
Napatigil ako sa pagkukuskos ng buhok ko. Nagbaling ako ng tingin sa kanya.
"Manay, parang mas excited ka pa sa akin, ah! Ako ang nililigawan. Hindi ikaw."
Ngumiti si Manay Tereisita. Ngayon ko lang siya nakitang ngumiti nang ganun. Parang teenager na kinikilig.
"Team ShaNna kaya ako!" mayabang pa niyang sabi.
Napangiti na rin ako sa sinabi niya. Muli akong bumaling sa salamin sa harapan ko, at saka muling kinuskos ng tuwalya ang mahaba kong buhok. Nang bigla akong may naisip. Napahinto ako sa ginagawa ko.
"Manay. Ang sabi mo sa akin... si Ramon ang magiging asawa ko. Tama ba?" tanong ko sa kanya, habang nakatingin ako sa kanya sa salamin.
"Oo."
"Eh, bakit ko pa sasagutin ngayon si Shawn? Balewala rin naman pala. Saka... bakit ka excited na sagutin ko si Shawn?" takang tanong ko.
"Dahil ito talaga ang nangyari noon. Magiging girlfriend ni Shawn si Rosanna dahil nagmamahalan sila. Mahal nila ang isat isa."
"Eh, di sana huwag ko na lang siyang sagutin ngayon at pakasalan ko na si Ramon agad-agad, para hindi na dumating dun sa magiging problema nila balang araw. Para... makakauwi na ako agad. Hindi na ako maghihintay ng dalawang araw! Ang galing ng naisip ko, di ba?" natutuwa kong sabi na para bang napaka-genius ng naisip ko.
"Hindi mo pwedeng baguhin ang lahat ng mga nangyari noon. Maraming maaapektuhan sa mga susunod na taon. At pwede ka ring hindi na makabalik sa panahon mo kapag nagkataon."
Napsimangot ako sa sinabi niya. Biglang nawala iyong sigla ko.
"Meron lang tayong isang pwedeng baguhin. At sasabihin ko iyon sa iyo kung iyon na, at naroon na tayo sa sitwasyon na iyon."
Napahinga ako nang malalim.
"Ang hirap naman! Sorry... Para kasing alanganin iyong tatlong araw sa kailangan kong gawin dito sa panahon na ito. At gusto ko nang makasama ang mga kapatid ko."
Napansin kong parang umilap ang mga mata ni Aling tour guide s***h Manay Teresita.
"M-Mauuna na akong bumaba," sabi niya sa mababang tinig, at saka naglakad na papunta sa pintuan ng kuwarto.
"Sumunod ka na sa ibaba mayamaya ha... para makapag-practice muna kayo ng banda para sa kanta mo."
"May problema ba, Manay?" nag-aalala ng tanong ko sa kanya.
"W-Wala naman. Bilisan mo na riyan. Bababa na ako," sabi niya, bago tuluyang lumabas ng pintuan.
Nakalabas na ng pintuan si Manay Teresita, pero nakatingin pa rin ako sa likod ng pintuan. Napakurap-kurap pa ako. At saka lang nagsink-in sa akin ang sinabi ni Manay Teresita kanina bago niya isinara ang pinto.Oh no! Ano bang kakantahin ko?? Lekat na...
~CJ1016