13 - OCTOBER 16

2030 Words
"No one can see into the future. No one knows what tomorrow will bring. So trust me when I say, tomorrow and into the future, it will still be you and me together..." "Aling tour guide!!" Ang saya saya ko ngayong nakita ko siya kaya hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. "Te-Teka lang..." sabi niya, habang pilit kumakawala sa yakap ko. "B-Bakit? Hindi ba ikaw 'yun? Iyong tour guide sa Intramuros? Si time traveller? Iyong nurse sa hospital nila Perry?" naguguluhan kong tanong sa kanya, nang humiwalay ako mula sa pagkakayap ko sa kanya. Mataman siyang tumingin sa mga mata ko. Iyong sayang naramdaman ko tuloy kani-kanina lang ay biglang napalitan ng lungkot. Hindi ba siya talaga 'yun? Pero hindi ako pwedeng magkamali sa mukha niya. O... hindi niya ako nakikilala sa panahon na 'to? Parang gusto ko na tuloy maiyak. Huminga siya nang malalim, at saka nagsalita. "Teresita." Napakunot-noo ako. Ako ba si Teresita? Tersita ba ang pangalan ko sa panahon na ito? Teka muna. Akala ko ba Rosanna ang pangalan ko sa panahon na 'to? Iyon ang sabi sa akin ni Aling tour guide. At iyon ang narinig kong pangalan na laging itinatawag sa akin nung sundalong Amerikano sa panaginip ko. O, ibang katauhan na naman? Litong-lito na ko! Biglang ngumiti si Aling tour guide. "Teresita ang itawag mo sa akin, Rosanna." Biglang nagliwanag ang mukha ko. "I-Ikaw nga si Aling tour guide! Tama? Nababasa mo ang isip ko! Kaya ikaw nga si Aling tour guide!" masaya kong sabi sa kanya. Umirap siya sa akin. "Siyempre hindi mo ako pwedeng tawagin sa nakasanayan mong tawag sa akin. Gusto mong magtaka ang mga tao dito at mapagkamalan tayong nasisiraan ng bait? Sinong matinong tao ang may pangalan na tour guide?" panenermon pa niya sa akin. Napalabi ako. "Kahit dito sa panahon na 'to, masungit ka pa rin." "Sino ba naman kasing tao ang may pangalang Tour Guide?" mataray na sabi niya. "Eh, di sana noon pa binigay mo na ang pangalan mo. Ayaw mo palang tinatawag na Aling tour guide." "Hindi ka rin naman nagtanong!" pambabara pa niya. Umirap ako sa kanya. "Ikaw talaga, Aling Teresita, oh..." "Manay. Manay Teresita ang tawag mo sa akin dito. At pati na ang ibang tauhan dito. Baka magtaka sila at biglang nag-iba ang tawag sa akin ni Rosanna. At saka bakit hindi ka pa lumalabas dito sa kuwarto mo? Tara na. Nakahanda na ang almusal mo." "E siyempre! Malay ko bang andiyan ka lang sa tabi-tabi. Tapos bagong salta ako dito. Ni hindi ko nga alam kung nasaan akong lugar at itong kuwarto. Naninibago pa ko. Ano? Feeling comfy agad?" "Hoy, Roxanne! Ayusin mo 'yang pananalita mo dito. Hindi pwedeng gumagamit ka ng mga salitang pabalbal dito." Natutop ko ang labi ko, at saka nag-peace sign sa kanya. "Sorry na... nasanay lang..." "Hala. Patungan mo na ng damit yang corpiño mo at kumain ka na sa ibaba. Kanina ka pa hinahanap ni Sir Ramon," sabi ni Manay Teresita, sabay naglakad papunta sa aparador dito sa loob ng kuwarto. "Oh? Teka... S-Sino si Sir Ramon?"tanong ko. "Siya ang may-ari ng bahay at club na ito, sagot ni Manay Tersita habang pumipili sa ilang mga damit sa aparador. "Mula nang mamatay ang mga magulang ni Rosanna ay dito na siya pinatira ni Sir Ramon. Nag-iisa lang naman daw kasi si Rosanna doon sa bahay nila sa Tondo, kaya mas mabuting dito na lang si Rosanna. Kahit papaano, may mga kasama dito si Rosanna, at mababantayan pa ni Sir Ramon." "Ha? Pumayag si Rosanna?" Humarap muna sa akin si Manay Teresita, habang hawak ang isang kulay light pink na terno na gawa sa kakaibang tela. "Hindi ko ba nasabi sa iyo na matalik na kaibigan ng ama niyang si Armando si Ramon? Pero mas bata naman ang edad ni Ramon kay Armando. Naging malapit si Ramon kay Armando noong nagtatrabaho pa sila sa isang pabrika. Parang si Armando ang naging ama-amahan ni Ramon doon, since ulila na rin naman siyang lubos. Pero di hamak na mas matanda sa iyo si Ramon," paliwanag niya. "Wala na bang ibang kamag-anak sila Rosanna para kay Ramon siya makitira?" Naglakad palapit sa akin si Manay Teresita, at saka ako tinulungang maisuot ang damit na pinili niya para sa akin. Ipinaibabaw lang niya ito sa suot kong corpi-- kamison na lang! Ang hirap banggitin, eh! Ganito pala ang mga style ng mga damit noong 1941. Una niyang ipinasuot sa akin ang pang-itaas. Kahit pala noon ay uso na ang butterfly sleeves na design. Pagkatapos ay ang straight na mahabang palda na katerno ng pang-itaas. Sakto lang ang haba nito hanggang sa bukong-bukong ng paa ko. Bahagya pa akong napangiti. Uso na rin pala ang maxi dress noong araw. "Ulilang lubos na rin si Armando. Namatay dati sa digmaan ang mga magulang niya. Ang asawa naman niyang si Emilia ay nasa kabikulan ang mga kamag-anak. Malayo na dito sa Maynila. At hindi na rin alam ni Emilia kung buhay pa ang mga iyon," sagot ni Manay Teresita nang maisuot ko na nang tuluyan ang damit ko. "Kung ganun, si Nanay ang kamag-anak ni Lola Rosanna? Kasi nasa Bicol ang mga kamag-anak ni Nanay," excited kong sabi kay Manay Teresita. "Tama ka diyan. Tara na. Marami kang ganap ngayong araw na ito, kaya kilos na!" "Anong ganap naman?" nagtataka kong tanong. "Ilang sulat na ba ni Shawn ang nabasa mo?" Tatanggi sana ako na may nabasa akong sulat pero naalala kong wala nga pala akong kawala dito kay Manay Teresita. Isa pa, mukhang naiwan ko sa ibabaw ng kama iyong sulat na binasa ko, dahil tumingin sa gawi ng kama si Manay Teresita. Sinundan ko ng tingin ang tinitingnan niya, at nakita ko nga doon ang bahagya pang nakabukas na sulat. "Iyan pa lang," pag-amin ko. "October 16 ngayon. Ngayon ang araw ng pagkikita ninyo ni Shawn. At ngayong araw mo rin siya sasagutin." Napamaang ang mga labi ko. Mauuna ko pang sagutin si Shawn kaysa kay Perry? "Oh! Roxanne... Alalahanin mo na nasa 1941 ka. Wala ka sa panahon mo. At kaya ka nandito ay para itama ang nangyaring mali dito sa panahon na ito." "Ano ba kasi iyung mali na 'yun? Para itama ko na ngayong araw na 'to at makauwi na ako agad," nakasimangot kong sabi. Pinandilatan ako ng mga mata ni Manay Teresita. "Nagmamadali? Paano ka makakapagdesisyon ng tama kung hindi ka mapupunta sa sitwasyon na iyon mismo? Alalahanin mong ikaw si Rosanna Mallari dito at hindi si Roxanne Sta. Maria." "Okay. Gets na. Kalma..." "'Yang salita mo!" Muli kong natutop ang bibig ko. "Okay... Tara na. Sabayan mo na akong kumain, baka may mga tanong pa ko sa 'yo," yaya ko sa kanya. MABUTI na lang at hindi ko kasabay si Ramon kumain. May tumawag sa kanyang tauhan niya bago pa ako dumating sa silid kainan nila, kaya nagmamadali raw umalis. Mamayang lunch na lang daw kami sabay kakain, sabi nung isang babaeng trabahador din dito sa bahay. "Manay Teresita..." sumubo muna ako, at saka bahagyang nginuya iyon, at saka muling nagsalita, "question... bakit may club si Ramon? Eh, di ba sabi mo sa trabaho sila nagkakilala ni Lolo-- ni Tatay Armando pala." Nilunok muna ni Manay Teresita ang laman ng bibig niya bago sumagot sa akin. "Nawasak iyong pabrikang pinapasukan nila ng Tatay mo. Nasunog iyon noong digmaang Espanya at Amerika. Nung pinalayas ng mga Amerikano dito sa Pilipinas ang mga Espanyol." Tumango-tango ako. "Hmmm..." "At dahil ulilang lubos naman si Ramon, at napakasinop sa pera, kaya nakapag-ipon siya ng pampatayo nitong club. Nung una, umuupa lang siya dito, pero nang lumaon ay nabili na niya itong lupa, kaya nagpalagay siya ng itaas. Para raw hindi na niya kailangang umuwi tuwing isasara na ang club." "Mautak, ha..." "Eto ang naisip niyang inegosyo dahil mahilig sa mga kasiyahan ang mga Amerikano. Lagi kayang puno ang club gabi-gabi. Ganun siguro ang buhay nila sa Amerika, kaya hinahanap-hanap nila." Dito ko napiling kumain. Sa isa sa mga mesa dito sa club. In fairness, medyo may kalakihan din itong club ni Ramon. May stage sa harap at may banda base sa mga instrumentong nakalagay sa harapan. "Habang nagpapahinga ka pagkatapos nating kumain mag-ensayo ka na ng kakantahin mo mamaya diyan," sabi ni Manay Teresita. Bigla akong nasamid sa sinabi niya. Inabutan naman nya ako agad ng tubig. Mabilis ko iyong ininom. "Bakit naman ako kakanta diyan?" nagtataka kong tanong, nang mahimasmasan na ako mula sa pagkasamid. "Tuwing Huwebes at Sabado ang schedule ng pagkanta ni Rosanna dito. Walang bayad 'yun. Sabi niya, iyon man lang daw ang maibayad niya sa kabutihang loob sa kanya ni Ramon sa pagtira niya dito at pagbili nito ng mga damit at gamit niya." "Eh, bakit hindi na lang maghanap ng trabaho si Rosanna? Ano? Ganito lang ang buhay niya dito? Kain. Tulog. Pahinga. Kanta?" "Iyon nga rin ang balak niya. Pero isang araw ng schedule niya ng pagkanta dito sa club, doon niya nakilala si Shawn. Mula nang manligaw sa kanya si Shawn, nakalimutan na niya iyong balak niya na 'yun. Kay Shawn na lang umikot ang mundo ni Rosanna." Dumukwang ako kay Manay Teresita at saka mahinang nagtanong. "Si Shawn ba iyong nakita kong sundalong Amerikano sa Intramuros?" paninigurado ko. "Siya nga," matipid na sagot ni Manay Teresita. Napangiti ako. "Pwede na..." Sinamaan ako ng tingin ni Manay Teresita. "Huy! Anong pwede na? May balak ka pa bang bumalik sa panahon mo? O wala na?" "Oo naman! Babalik ako dun. Ibig kong sabihin, not bad na maging boyfriend ko dito si Shawn. May itsura naman pala. Baka mamaya kasi chaka ang itsura eh," paliwanag ko. "Magtino ka, Roxanne ha. Malapit nang maubos ang pasensiya ko sa 'yo. Sinabi nang ingatan mo 'yang mga salitang lumalabas sa bibig mo!" impit na sermon sa akin ni Manay Teresita. "Sorry na..." "Kapag napuno ako sa 'yo, iiwanan kita dito sa panahon na 'to!" pagbabanta pa niya. "Eto naman. Lagi na lang high blood. Kalma lang..." Inirapan niya ako bago uminom sa baso niya. "Wait!" pagpa-panic ko nang may maalala ako. "A-Ano palang kakantahin ko? Ano bang kinakanta sa panahon na 'to? Wala akong alam. Pahiram muna ng cellphone. Magse-search muna ako." Muli niya akong sinamaan ng tingin. "Cellphone ka riyan. Wala pang cellphone sa panahon na 'to!" Namilog ang mga mata ko. "Ha? Eh, pa'no? Anong kakantahin ko?" "Bahala ka riyan! Hindi muna kasi nag-research bago pumunta dito." "Teka muna. May sinabi ka bang kakanta ako dito? Wala naman di ba? Malay ko!" inis kong sagot sa kaniya. Mabuti na lang at kaming dalawa lang ang naririto dahil busy ang ibang mga tauhan ni Ramon. "Okay. Sorry. Nagmamadali na tayo, di ba? Kailangan mo nang maisalba si Perry, Kaya siguro nawala sa isip ko na sabihin sa 'yo. Isa pa, atras-abante ka kasi sa pagdedesisyon kaya nawala sa isip ko," katwiran pa niya. "Daming excuse ha... Next time, sabihin mo na lahat. Hindi iyong pagdating ko ngayon dito, saka ka lang magkukuwento. Eh, di sana, doon pa lang nakaisip na ako ng idi-diskarte ko dito. Isa pa, kung talagang kilala mo ako at nababasa mo ang isip ko, alam mong wala akong interes sa mga history-history na ganito!" "Oo nga. Mabuti pa si Alexa, eh." Nainis ako sa sinabi ni Manay Teresita. "Ah ganun? Eh, di sana si Alex na lang ang pinapunta mo rito!" "Ikaw ang nakitang Rosanna ni Shawn at hindi si Alex. Bakit si Alex ang papupuntahin ko dito? Sana nga, naging ganun na lang, para mas madali para sa akin ang sitwasyon. Kung si Alex siguro ang nagpunta dito, baka isang araw lang, solve na ang problema niya!" inis din na sagot sa akin ni Manay Teresita. "Sino ba kasing may gusto nito? Ang gusto ko lang naman maging okay na ang sitwasyon namin doon. Maging okay silang tatlo. Si Perry, si Lucas at si Alex." "Sinong Alex?" Sabay kaming napatingin ni Manay Teresita sa likuran namin. "S-Sir Ramon!" Mabilis na napatayo si Manay Teresita mula sa upuan niya, at saka pasimple akong pinandilatan. Halata ang pagkatakot kay Manay Teresita. Para siyang na-caught in the act siya sa itsura niya ngayon. Naglakad palapit sa amin Siya si Ramon??? ~Cj1016
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD