KINABUKASAN
Maagang gumising ang lahat dahil alas-kuwatro ng umaga ay aalis na sila, maliban kay Therese.
"Therese!! Therese!!" naalimpungatan pa siya sa paggising na iyon na nagmumula sa labas ng kanyang tent.
"Ano???" sagot niya kahit hindi man lang nagmulat ng mata.
"Aalis na tayo. Gumising ka na." anang tinig.
"Ha??? Teka, sino ka ba??"
"Putarages! Si Benjo 'to! Bilisan mo ikaw nalang ang hinihintay!"
"Ta**na!!!"
Dali-daling iniligpit niya ang mga gamit at lumabas na. Ni hindi niya nakuhang mag-toothbrush dahil sa kakamadali.
Pagdating sa bus ay nakita niyang nandoon na nga ang lahat. Ang iba pa niyang mga kaklaseng babae ay nagbubulung-bulungan na tila inis sa kanya.
"Ano ba naman 'yan!! Sa halip na makaalis agad e! Sobrang tagal kasi nung isa diyan!!" ani Sophie, ang pinakamaarte niyang kaklase.
"Pakialam mo??? E sa hindi ako nagising agad e!! Ano ha??" sita niya kay Sophie.
"Ayy!! Yuck!! Ang baho ng hininga mong bwisit ka!!" tili nito.
"Wala pa kong toothbrush mula kagabi e. Pasensiya ka na, ikaw kasi e." tatawa-tawang pamumwisit niya rito.
"D*** you, Therese!!"
"F*** you, Sophie!!"
"Hoy Therese! Halika na nga rito! Umupo ka na, huwag mo na patulan 'yan!" tawag ni Yves sa kanya.
Pagkatapos niyang irapan ng matindi si Sophie ay dumiretso na siya sa upuang katabi ni Yves.
"Kakabwisit kasi e! Gandang-ganda masyado sa sarili!!"
"Hindi mo na dapat pinatulan. Hindi ka na nasanay diyan."
"Ang arte e! Napika na ko!"
Mabuti na lamang at hindi sila narinig ng kanilang guro dahil nakatulog pala ito na nasa may bandang unahan ng bus.
"Wala ka bang pagkain diyan, Yves? Gutom na gutom na ko e, hindi man lang ako nakapagkape tarages!"
"Ikaw ba naman kasi! Alam mo namang maaga tayo aalis, dapat nag-alarm ka ng phone mo."
"Huwag ka na manermon! Ano may pagkain ka ba??"
"Oo naman! Ako pa ba?? Alam mo namang boy scout ako."
"Good!"
PAGDATING SA BAHAY NINA THERESE...
Nadatnan niyang natutulog ang ina sa sala.
Nagbungkal siya ng pagkain sa kusina dahil talaga namang gutom na gutom siya.
Naingayan siguro ang ina sa mga kalansing at kaluskos niya kaya nagising ito.
"Anak, nandiyan ka na pala! Kanina ka pa?"
"Ngayon lang, Ma."
"E teka, kumain ka na ba anak?"
"Kaya nga ho andito ko, Ma. Naghahanap ako ng makakain."
"Nasa ref, teka iinitin ko muna."
"Huwag na ho. Gutom na gutom na ho ako e."
Aniya at saka kinuha ang sinasabi ng inang pagkain na nasa refrigerator.
"Kumusta naman doon anak?"
"Walang kwenta ho!"
"Ha?? Bakit??"
"Ta**na!! Abay muntik pa kong makagat ng ahas doon e!"
"Ano?? E paano ang nangyari??"
Natigilan siya ng maalala ang ginawang pagliligtas ng lalaking iyon sa kanya mula sa ahas.
"M-may bumaril ho sa ahas, Ma."
"Hindi ka naman ba nasaktan anak??"
"Hindi naman, Ma."
"O siya! Kumain ka na para makapagpahinga ka na."
"Kumain ka na, Ma?"
"Tapos na ako anak."
Pagkatapos kumain ay tinungo na niya ang kanyang silid para magpahinga na.
Naalala na naman niya ang ginawang pagligtas sa kanya ni Clint Del Valle. At ang huling tinuran nito na maniningil daw ito sa ginawang pagliligtas sa kanya.
KINABUKASAN
Maaga siyang gumayak para pumasok sa eskwela. Umupo siya sa harap ng kanyang tokador at naghanda para ayusan ang mukha.
Kinuha niya ang bag na dala niya sa Mt. Manalmon para kuhanin ang pouch niyang may laman ng kanyang makeup. Ngunit nahalughog na niya ang buong bag ay wala ang kanyang hinahanap.
Hindi niya malaman ang gagawin. Hindi pa siya pumapasok kahit kailan na walang makeup ang mukha niya. Hindi naman din siya pwedeng umabsent dahil nasa kanya ang report na ginawa nila nina Yves na ipapasa na ngayon.
"Anak, aba e tanghali na! Mahuhuli ka na!" sigaw ng Mama niya mula sa labas ng kanyang silid.
"Ma!!!"
"Ano??" anito na napahangos sa kwarto niya dahil sa sigaw niya.
"Nawawala yung pouch ko na may lamang mga makeup!!"
"E ano ngayon?? Mabuti nga yon! Atleast ngayon man lang hindi ka na mukhang multo!"
"Ma!! Hindi pwedeng wala 'yon!!"
"Bakit ba kasi?? Mas maganda ka anak kapag wala 'yon!"
"Hindi n'yo ho naiintindihan!" maiyak-iyak na sabi niya.
"Hay! Ewan ko sayong bata ka!" anito bago lumabas.
"Ano'ng gagawin ko?? Pa'no na 'to??" bulong niya sa sarili kahit na alam naman niya ang sagot sa tanong niya. Na wala siyang choice kung hindi ang pumasok pa rin.
Kahit badtrip ay wala naman siyang magawa. Bubulung-bulong siya habang bumababa sa hagdan.
"Leche kasi! Ba't ba kasi wala 'yon sa bag ko?? Saan ko kaya naiwan 'yon??"
"O ayan! Ang ganda mo anak." puri ng Mama niya na naghihintay pala sa ibaba.
"Ma! 'Wag n'yo ko sinasabihan ng ganyan. Kinikilabutan ako."
"Sus! Sige, mag-ingat ka."
"Salamat ho "
Dahil hindi pa niya nakukuha sa pagawaan ang motor niya ay napilitan siyang mag-jeep papasok sa school, na lalo niyang ikinabwisit dahil lahat ng pasaherong lalaki ay nakatingin sa kanya.
PAGDATING SA SCHOOL
Kagaya sa jeep ay ganoon pa rin ang tagpo pagpasok pa lang niya ng gate.
Kung hindi lamang sakang ang lakad niya ay masasabing perpekto talaga ang ganda niya. Pero hindi alam ng lahat na pati ang paglakad niya ay sinasadya niyang papangitin kahalintulad ng pagpapapangit niya sa kanyang napakagandang mukha.
Lalo niyang binilisan ang paglakad para makatakas sa mga matang tila inuuri siyang maigi sa paraan ng pagkakatitig sa kanya.
Maya-maya pa ay natanaw na niya ang kanilang classroom. Lalo niyang binilisan ang paglakad at nakahinga ng maluwag nang sapitin niya ang pintuan. Dali-dali siyang pumasok at umupo sa upuan niya malapit sa trash can.
Hindi pa niya naaayos ang mga gamit ay kaagad na nilapitan siya ni Benjo.
"T-therese???" anito habang iniikutan siya.
"Oo ako 'to! 'Wag mo ko ganyanin tado ka!"
"Put*****a!! Saan mo kinuha ang mukha mong 'yan??" sabi nito at pagkatapos ay sinabakan ng malutong na tawa.
Inundayan niya ito ng suntok sa braso.
"Ahhhh!!!" sigaw nito.
"G**o ka, Benjo! 'Wag mo kong niloloko!"
"Sorry na! Bakit ba kasi iba ang aura mo ngayon??"
"Nawala yung pouch ko na may laman ng mga makeup ko! Malamang naiwan ko sa bundok!"
"Wag mo na hanapin, bagay sa'yo ang ganyan."
"Siraulo!"
"Tama si Benjo, ang ganda mo lalo ngayon." segunda ni Yves na hindi mapuknat ang titig sa kanya.
"Isa ka pa, Yves."
Maya-maya pa ay dumating na ang adviser nila at hiningi na nito ang kani-kanilang report.
Bakas din sa mukha nito ang labis na paghanga sa kanyang itsura.
"Therese!"
"Sir??"
"W-wala..ang cute mo lang tingnan ngayon." nakangiting sabi nito na hindi pa rin inaalis ang tingin sa kanya.
Bahagya lang niya itong nginitian at pagkatapos ay bumalik na siya sa kanyang upuan.
Pagkatapos ng klase ay nagpatiuna na siyang lumabas ng classroom.
"Therese!! Uuwi ka na??" habol ni Yves sa kanya.
"Hindi pa!"
"E bakit gahol na gahol ka??" tanong nito habang pinipilit siyang habulin sa paglalakad.
"Saan??"
"Sa mall."
"Aano ka doon? Sasamahan na kita."
"Bibili ng makeup! Leche, hindi ko kaya ang ganito!"
"Mas maganda ka nga na ganyan, Therese e. Huwag ka na bumili no'n!"
"E ano naman?? Hindi naman ako nagpapaganda, Yves! Ayoko ng ganito! Hindi ako komportable!"
"Bakit ba ayaw mong magpakababae nalang? Bakit mas pinipili mong maging ganyan?"
Tinitigan niya ito ng matagal bago sagutin ang tanong nito.
"Dahil wala kang alam. Wala kayong alam, lahat kayo. May dahilan ako kung bakit ganito ako ngayon. So please, 'wag mo na ko kulitin!"
Kasalukuyan silang nagtatalo ng may lalaking lumapit sa kanila mula sa likuran.
"Ahhhmmm..excuse me? Pwede ba magtanong?" anito.
Sabay naman silang napabaling dito ni Yves.
"Kilala niyo ba yung babaeng emo dito sa school? Si Therese."
Napatingin si Yves sa kanya bago ito nagsalita.
"Bakit mo siya hinahanap? Kaklase ko siya."
"Tama. Ikaw yung kasama nila sa grupo sa Mt. Manalmon 'di ba?"
"Ikaw yung kapatid ni Sir Christof 'di ba?"
"Yeah. Alam mo ba kung saan ko makikita si Therese?"
Muli silang nagkatinginan ni Yves. Tila tinatantiya nito kung magpapakilala siya sa binata.
"Masyado ba akong maganda para hindi mo makilala Mr. Clint Del Valle?" aniya na seryosong tiningnan ito.
Mabilis na napabaling ito sa kanya.
"Ano'ng sinasabi mo, Miss?"
"Bakit mo ko hinahanap?"
"Si Therese ang hinahanap ko, Miss."
"Putek!! Hindi mo pa rin gets Mr. Clint?? Ako si Therese! Ngayon, bakit mo ko hinahanap kako?"
Halatang hindi ito naniniwala sa sinabi niya.
"Kung ikaw si Therese, bakit wala kang kolorete sa mukha ngayon?"
"Bakit kita sasagutin?? Close ba tayo??"
"Wala siyang makeup dahil naiwan niya sa Mt. Manalmon ang kikay kit niya pare. At papunta kami sa mall ngayon para bumili. Sabihin mo na kung bakit mo siya hinahanap dahil nagmamadali kami." sabad ni Yves.
Tila nagningning bigla ang mata nito dahil sa paliwanag ni Yves.
"A-ahh..hinahanap ko si Therese kasi isasauli ko nga ito. Napulot ko 'yan malapit sa tinayuan mo ng tent mo." sabi nito sabay abot sa kanya ng pouch.
"God! Mabuti naman napulot mo! Thank you!"
"Walang anuman! Teka, ikaw ba talaga 'yan?"
"Huwag ka ngang engot! Ako nga 'to! Bakit naman naisipan mo pumunta sa gawi ng tent ko?"
"Akala ko kasi hindi pa kayo nakakaalis. Kukumustahin sana kita tungkol doon sa kahapon."
"Ahh..salamat ulit! Mauuna na kami ni Yves." seryosong sabi niya.
"Sure! Bye!"
"Bye!"
"Ahh..Therese!" muling tawag nito ng paalis na sila ni Yves.
"Bakit?"
"Ang ganda mo ngayon!"
"Matagal ko ng alam 'yan!"
Natawa ito sa sinabi niya.
"I think itutuloy ko na ang paniningil ko agad-agad."
"Wala pa kong pera! Saka na!" medyo sigaw niya dahil itinuloy na niya ang paglalakad kahit nagsasalita pa ito.
Kaya hindi na niya narinig ang isinagot nito na nagpakilig sa mga babaeng naroroon.