Inis na inis si Therese at nagkakandaiyak dahil sa mga sinabi ni Clint sa kanya.
Lumayo siya sa karamihan at hinintay na lamang niyang matapos ang ginagawang panayam ng grupo nila sa pangunguna ni Yves sa mga katutubo.
Nanalungko siya sa ilalim ng puno ng bulak na nakita niya at doon ay hindi niya mapigilan ang pagtulo ng kanyang luha.
"Bakit ba ang lahat ay sakit ng ulo ang tingin sa akin?? Porke ba ganito ako ay pwede na nila kong husgahan?? Kahit isa nga sa kanila walang nakakaalam ng pinagdaanan ko!!" paulit-ulit ang mga tanong sa kanyang isip.
"Hindi ko sinasadya. I'm sorry sa nasabi ko!" narinig niyang sabi ng boses sa kanyang likuran.
"Okay lang 'yon! Tama ka naman! Isa akong salot sa lipunan!" aniya na ni hindi man lang humarap dito.
"Huwag ka na umiyak diyan. Kakalat ang eyeliner mo."
"Hindi 'to kakalat! Waterproof 'to."
Bahagyang natawa ito sa tinuran niya na naging dahilan para mapalingon siya rito.
"Ano'ng nakakatawa?" tanong niya rito.
"Ikaw." anito habang hindi pa rin nawawala ang ngiti sa mga labi.
"Pwede ba! Hindi tayo close kaya huwag mo kong pagtawanan!"
"Sorry ulit sa mga nasabi ko."
Hindi na siya sumagot dahil nakita niyang tapos na ang grupo nila at ngayon ay papalabas na sa bahay ng mga katutubo.
Agad siyang tumayo at iniwan ang binata.
Pagkalapit niya kila Yves ay nabakas niya ang pag-aalala sa mukha nito.
"What happened, Therese? Sabi ni Benjo umiiyak ka raw?"
"Ahh..wala 'yon. Tapos na kayo?"
"Oo, let's go. Balik na tayo."
"Okay."
Bago tuluyang lumakad palayo ay muli niyang tinapunan ng tingin ang lalaking dahilan kung bakit siya naiyak. Nakita niyang titig na titig ito sa gawi nila.
"Ano ang ginawa niya sa'yo at nagawa mo siyang suntukin, Therese?" muling tanong ni Yves habang naglalakad na sila pabalik.
"Yung lalaking napasok ko ang kotse ng hindi sinasadya, yung lalaking nang-insulto sakin sa classroom habang nagtetest at sinabihan akong mukhang aswang. Siya ang lalaking 'yon, Yves."
"Talaga?? Ano'ng ginagawa ng mokong na 'yun dito??"
"Aba malay ko! Baka dito ang tribo nila!"
"Hindi naman siya mukhang katutubo." natatawang sabad ni Benjo.
"Malay mo naman nakuha lang sa mga glutha at Belo ang balat niya." sagot niya.
Nagtawanan ang lahat.
"Pero seryoso, bakit mo nga siya sinuntok?"
"Wala! 'Wag na natin pag-usapan!"
Nang makabalik sila ay nagtungo ang bawat isa sa kani-kaniyang tent. Si Therese ay nagpahinga sa tent niya.
Hindi niya namalayan na napahaba ang kanyang tulog. Gabi na nang siya ay magising.
Hindi muna siya agad bumangon. Pinakinggan muna niya ang ang kanyang paligid. Narinig niyang may mga nagtatawanan.
Mula sa loob ng kanyang tent ay aninag ang liwanag na nagmumula marahil sa bonfire.
Dahan-dahan siyang bumangon at lumabas.
"O ayan na pala si There!" narinig niyang sabi ng mga nasa labas.
"Bakit?? Ano'ng kaylangan n'yo??"
"Wala! Parang may kulang lang kasi kapag wala ka."
"Mga siraulo! Nakatulog ako ng sobra."
"Ano'ng meron??"
"Wala! Hinahanap ka lang ni sir." tugon ni Yves.
"Ha?? Bakit daw??"
"Hindi ko alam e. Lumapit ka na. Ayun siya o!" anito sabay turo sa kanilang guro.
Mabilis naman siyang tumalima at tinungo ang tinuturo nito.
"Magandang gabi, sir! Pasensiya na po. Napahaba ang tulog ko."
"Walang kaso, Therese."
"Hinahanap ninyo raw po ako?"
"Ahh..oo, maupo ka muna."
"Ano po ang atin?"
"Bukas ikaw ang leader ng grupo n'yo ha?"
"Saan po?"
"Itatanim ninyo ang mga binhi na dala natin. Hahanap kayo ng sa tingin ninyo e magandang pwesto para taniman ng puno."
"Pero, bakit ako po? Pwede namang si Yves nalang ulit, sir."
"Hindi pwedeng puro si Yves lang."
Napabuntung-hininga na lamang siya dahil batid niyang hindi siya mananalo sa pagkakataong ito.
"O-okay po, sir."
"Good! By the way, Therese. Meet my Older brother, Clint. Kuya, siya naman si Therese." pagpapakilala nito sa kanilang dalawa ng lalaking nasa likod nito na hindi niya kaagad napansin.
"Hello, Therese! Nice meeting you!" sabi nito na kahit madilim ay aninag niyang nakangiti ito habang iniaabot sa kanya ang palad.
"Same here!" matabang na tugon niya na ni hindi tinanggap ang alok nitong pakikipagkamay.
"Sige po, sir. Balik na ho ako."
"Okay, you may go now."
"Thank you po!"
Habang naglalakad pabalik ay napaisip ang dalaga.
"So kapatid pala talaga ni sir ang mokong na 'yon?? Parang ang layo ng ugali nila! Si sir kahit gan'on hindi masama ang ugali! Ito naman antipatiko na, gwapong-gwapo pa sa sarili! Well, gwapo naman talaga ang loko!" natatawa habang napapailing siya sa kanyang mga naisip.
KINABUKASAN...
Kagaya ng sabi ng sir nila. Siya ang namuno sa pagtatanim ng mga binhi.
Humanap sila ng mga lugar na bakante at walang nakatanim, mga lugar na iilan ang puno at halos walang lilim.
"Guys! Dito o! Ano sa tingin ninyo?"
"Perfect nga diyan, There!"
"So ano pa hinihintay natin? Magsimula na tayo!"
"Okay." sagot ng lahat.
"Doon lang ako sa banda roon. Marami naman 'tong dala ko."
"Sige lang! Pasaklolo ka kapag 'di mo kaya 'yan ha?"
"Loko ka Benjo! Kayang-kaya ko to!"
Nagsimulang magtanim ang lahat. Si Therese ay lumayo sa karamihan at nagtanim mag-isa.
Papaubos na ang mga binhi sa kanyang plastic bag na dala. Nararamdaman na rin niya ang init na nanunuot sa kanyang balat dala ng mag-a-alas nuwebe na ng umaga. Tumayo siya at nag-punas ng pawis ng may maramdaman siyang kakaiba. Tila may gumagapang sa kanyang paa. Agad niyang iniyuko ang ulo at ganoon na lamang ang pagkatigagal niya ng makitang may ahas sa kanyang paanan.
Hindi niya malaman ang gagawin. Batid niyang oras na gumalaw siya ay lalo siyang malilintikan.
Nanatili siyang nakatayo at hindi pa rin gumagalaw. Pigil ang hiningang patingin-tingin kung umaalis na ba ang ahas. Ngunit halos maiyak siya ng makitang tila nililingkis na siya nito. Dito nagsimula na siyang mag-panic. Lumabas ang natural na pusong babae sa kanya.
"Aaahhhhhhhh!!!!!!!!" sigaw niga ngunit hindi pa rin gumagalaw.
Nagulat ang mga kasama niya at kaagad na lumapit sa kanyang kinaroroonan.
Napatigagal din ang mga ito ngunit pare-pareho namang walang magawa.
"Tulungan n'yo ko!! Please, help me!!!"
"Therese, huwag ka matakot. Tatawagan ko lang si sir. Please calm down." ani Yves.
"f**k!! Please do it now!!" umiiyak na na sabi niya.
Mabilis namang tumalima ang binata.
"Huwag kang malikot!! Stay on that position!!!" anang boses mula sa kanyang tagiliran.
Tiningnan niya kung sino ang nagsasalita. Si Mr. Clint Del Valle na may hawak na tila air g*n at tila nakaasinta sa paa niya.
"Hoy!!! Ano'ng gagawin mo????"
"Bulag ka ba?? Babarilin ko yang ahas sa paa mo!!"
"What???? Are you crazy??? What if yung paa ko ang tamaan mo?"
"Huwag ka na madaldal diyan! Alam mo bang ulupong yang nasa paa mo ngayon?? At sa tingin mo ba aabot ka pa sa bayan kapag nakagat ka niyan?? Hindi na!! Napakalayo ng ospital dito at mabilis makamatay ang kamandag ng ahas na 'yan!!"
Lalo namang nakaramdam ng takot si Therese. Nanginginig na siya ngayon.
"Ano pang hinihintay mo?? Barilin mo na!!!"
"Okay, don't move!!"
Baannngggggg!!!!!
"Aaahhhhhh!!!!!" sigaw niya ng marinig na nagpaputok na ito. Dito ay napahagulgol na siya ng iyak.
"Wait, isa pa. Stay there!"
Muli ay nagpaputok pa ito. Pagkatapos ay kaagad siyang nilapitan at lumuhod sa kanyang harapan.
"You are safe now! Open your eyes." anito ng makitang nakapikit siya.
Dahan-dahan naman niyang minulat ang mga mata. Nakita niyang unti-unting tinatanggal nito ang pagkakapulupot ng ahas sa kanyang binti.
Pagkatapos ay biglang dumilim ang lahat sa kanya.
Nagising siya na nasa kanyang tent na at madilim na sa labas.
Pilit niyang inalala ang nangyari kanina. Bigla siyang nagulantang ng maalala ang lahat.
"Oh my God!!! Hinimatay ba ako?? Bakit wala akong matandaan kung hindi yung ahas!" bulong niya sa sarili.
Bumalikwas siya ng bangon at lumabas. Nakita niya malapit sa kanyang tent ang kanilang guro at ang kapatid nito.
"O, Therese! Okay ka na??" tanong ng sir niya.
"Oho, sir. Salamat ho sa kapatid n'yo." aniya at ibinaling ang tingin dito.
"T-hank you, C-clint!"
"Walang anuman! Sa susunod tumitingin ka naman kasi sa paligid mo!"
"Pasensiya na!"
"Sige na Therese, magpahinga ka na ulit." anang guro niya.
"Thank you, sir. Maiwan ko na ho kayo."
"Goodnight!"
"Goodnight po! Mr. Clint, salamat ulit!"
"Huwag ka magpasalamat, maniningil ako!"
Nakahiga na siya ay naiisip pa rin niya ang huling sinabi ni Clint na maniningil ito.
"Magkano kaya ang sisingilin ng loko? Kaylangan pala mag-ipon ako ng pambayad sa gunggong na 'yon!"
Nakatulugan niya ang pag-iisip.