Chapter 55: Miel

2138 Words

"Bukas po 'yan, Mommy," tugon ko sa pagkatok niya sa labas ng pintuan ko. "Wow naman anak! Bagay na bagay sa'yo ang uniform mo," ani Mommy. Bakas ang paghanga at maging ang pag-aalala sa kanyang mukha na nakatingin sa akin. "pero anak, sure ka na ba talaga na papasok ka na sa university? Ayaw mo ba talagang hintayin muna na makapanganak ka bago ka magpatuloy sa pag-aaral?" Umiling ako habang malungkot na ngumiti. "Sigurado po ako, Mommy. At least po kasi kapag pumasok ako baka sakaling malibang ako at ng hindi puro iyak at pagmumukmok ang ginagawa ko. At baka rin po sakali na makalimutan ko na s'ya." Pagkatapos kong sabihin iyon ay muli na naman pumatak ang mga luha ko. Tila walang kapaguran iyon sa pagluha simula ng iwan ako ni Gael, isang buwan na ang mabilis na lumipas. Wala kaming

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD