"Pasok," sabi ko. May kumatok kasi sa opisina ko, at malamang ay si Tristan iyon. Himala yata at kumatok ang mokong na iyon ngayon. "Rica?" sabi ko, "Bakit?" Hindi s'ya sumagot. Naglakad siya palapit sa table ko at naupo sa silyang nasa unahan niyon. "May problema ka ba, sir?" tanong niya. Medyo na tigilan ako sa tanong n'yang iyon sa akin. Ganun na ba ako mukhang stress para masabi niyang problemado ako? "Paano mo naman nasabi na may problema ako?" tanong ko. "Simple lang, masyado na tayong matagal na magkatrabaho kaya kilala ko na ang hilatsa ng mukha mo," sabi niya na nakangiti. "Pwede n'yong i-share sa akin kung ano man iyang gumugulo sa inyo?" Napahinga ako ng malalim dahil sa sinabi niya. Paano ko ba naman sasabihin ang gumugulo sa akin kung napaka-personal niyon at walang