"Miel," Lumingon ako sa tumawag sa akin. Si Anton pala na agad kumaway sa akin nang makitang nakatingin na ako sa kanya. Nagmadali s'ya sa paglapit sa akin. Sumingit pa s'ya sa mga ibang estudyante na nasa pathway na sa daan pa mismo nag-uusap. "Bakit, Anton?" tanong ko nang nasa harapan ko na s'ya. "Tapos na ba ang klase mo?" tanong niya kaya tumango ako. "Pwede ba kitang ayaing magmerienda muna bago tayo umuwi?" "Bakit, wala ka na rin bang klase?" tanong ko. Maaga kasi akong lumabas ngayon dahil hindi dumating ang teacher namin sa last subject ko. Alas tres pa lang ngayon ng hapon. Usually kasi ala singko ang labas ko. "Oo. Wala kasi ang teacher namin," sagot niya, "Pwede ba?" Nag-date siguro ang teacher ko at teacher niya kaya parehas wala. "Sige, tara," sagot ko. Kinuha ni