"Pasok," tugon ko sa taong kumatok sa pintuan ng opisina ko. "Hey boss, good morning," bati niya sa akin. May dala s'yang kape na binili sa labas at isang maliit na supot. Kung hindi ako nagkakamali, cake ang laman niyon. Inilapag niya iyon sa ibabaw ng table ko sa aking harapan. "For you po." Tss! May pambawi ang gaga dahil late s'ya. Pagdating ko kasi rito sa kompanya wala pa s'ya kahit na alas otso na iyon ng umaga. Ngayon lang ulit kami nagkita after n'ya akong tulungan noon sa dapat ay magiging surprise ko para kay Miel. After kasi ng pagkaaminan namin nung araw din iyon ay hindi muna ako pumasok sa kompanya. "Ano 'yan suhol sa pagka-late mo?" tanong ko na nakataas ang kilay. "Grabe ka naman sir!" aniya bago naupo sa upuan sa harapan ng table ko. "Ngayon lang ako na-late, suhol