Chapter 33: Miel

2071 Words

"Gusto mo ba samahan kita sa loob?" tanong ni kuya Gael. Nandito kasi kami sa tapat ng bahay ni Anton sakay ng kotse ni kuya. Kakausapin ko na s'ya tungkol sa aming dalawa. Ayoko ng patagalin pa lahat dahil hindi naman niya deserve ang ganito. After kasi ng nangyari na pagkahuli sa amin ni kuya noong nakaraang araw, hindi na ako pumasok nu'n sa school. Hindi ko rin nasasagot ang text at tawag ni Anton kaya alam ko na nag-aalala na s'ya sa akin. "Hindi na. Kaya ko na 'yun. Baka lalo lang s'yang mahirapan kung sasama ka pa," sagot ko. Nag-alis na ako ng seatbelt at bababa na sana ng hawakan niya ako sa braso. "Ingat ka. Tawagan mo agad ako kapag nagalit s'ya o hindi s'ya pumayag," sabi niya paglingon ko sa kanya. Bakas ang pagkabahala sa gwapo niyang mukha. Hinawakan ko ang kamay niy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD