Chapter 4

1084 Words
Tumingin siya sa lalake at napabuntong-hininga. Naluluha na ito habang sakal niya. Niluwagan niya ang pagkakasakal dito bago inilapit sa fedora ni Kellan at ipinasok do'n na agad naman sinipsip ng maitim na usok na galing sa fedora. Napabuntong-hininga si Kellan at matamang sinalubong ang tingin ni Titus. "Pansin kong distracted ka this past few days, Titus. Dati inabot ka ng halos isang daan sa mga inaani mo. Pero ngayon, mukhang humina ka." Titus didn't like what Kellan said. Sa isang iglap ay hawak na ni Titus ang kwelyo ni Kellan. Mabilis naman pumalibot ang limang grim reaper na kasama nila sa squadron. Malamig na tinignan ni Titus ang mga grim reaper na nakapalibot sa kanila at ngumisi bago niya nilingon si Kellan na kasalukuyan pa rin tahimik mula sa pagkakahawak niya sa kwelyo nito. Marahas na binitawan ni Titus ang kwelyon ni Kellan. "I don't f*****g need your opinion, Kellan. Now, I'm done helping your squad." Tumalikod na si Titus at naglakad na palayo roon. Titus keeps thinking about what's happening to him. Everything started after that scene in the cemetery. He felt an emotion. An emotion towards a mortal. An emotion he f*****g doesn't want to name. He's a grim reaper. As much as possible, he should not be feeling anything towards any mortal. Even if it's sympathy or sadness for those mortals who became unlucky before dying. He doesn't want to be weak as Kellan has said. He should be hunting, catching, or reaping mortal souls but because of what he's feeling, he just stood there. Invincible in the middle of the road, feeling empty and cold. He stood there for almost an hour, watching mortals laughing. Holding hands while walking. Feeling happy about a cone of ice cream. Smiling for the things he should be avoiding and not giving a f*****g care. "Mori! Dad!" Napalingon siya sa may pinanggalingan ng batang boses na iyon. It was Phoebe. Mag-isa lang ito at base sa mukha nito ay halatang nawalay ang batang babae sa mga kasama nito. "Mom! Dad!" Lumusot ang batang babae sa katawan ni Titus. Palingon-lingon ito habang naiiyak dahil sa kaba. Napatingin si Titus sa mga mortal na nando'n sa mga oras na iyon. Lahat sila ay hindi binibigyang pansin si Phoebe. May iilan na napapalingon sa bata pero mga wala itong mapapakinabangan sa bata kaya wala rin silang pakialam. Boneheads. He tsked. Nanatiling invincible si Titus habang sinusundan ang bata. Nakakailang tawag na ito sa mga magulang nito pero hindi pa rin nito nahahanap ang mga kasama hanggang sa may lumapit na lalaki kay Phoebe. The man is in his 30s. But from what he sensed, the man's death is uncertain. He sensed the man is going to die in that hour but there's also a faint of hope for staying alive. "Bata. Mag-isa ka lang?" Luminga-linga ang lalake. Tila may sinisigurado ito base sa nakikita niya rito. Titus has a hunch on what the man is planning to do with Phoebe but he just stopped there. Thinking who and what he is. "Opo." Sumigok si Phoebe. Nasa mukha nito ang pagkainosente. "Hinahanap ko po kasi si Mom at Dad. Bigla sila nawala. Hindi ko po sila makita, e." The man smiled and suddenly, Titus felt an emotion. Another emotion he doesn't want to give attention but Titus began to feel worried as the man walked Phoebe in a dark and secluded place. Sinundan niya ang dalawa hanggang sa tumigil ang lalake at hinila si Phoebe sa likod ng basurahan kung saan hindi kita nang mga taong nasa daanan. "Ganito, tutulungin kitang mahanap sila basta may gagawin ka rin para sa akin." Nakangiti ng mala-demonyo ang lalake. Nasa mukha na nito ang pagnanasa habang nakatitig sa inosenteng mukha ng bata. "Ano pong gagawin ko?" Fuck! Fuck their laws, damn his job, and hell to this pedophile man. Wala nang pakialam si Titus. He let his body worked together with his mind. Kaagad siyang nagbihis tao habang hawak ang kaniyang scythe na pinalitan niya ng anyo bilang tubo. "Ganito, huhubarin mo lang 'yan damit mo pagkatapos ay pababayaan mo ako sa gusto kong gawin, ha?" ani ng lalake na sinagot naman ng tango ni Phoebe. I will f*****g kill this filthy mortal. He whistled making the pedophile looked at him terrifically. "Are you sure you are going to do that?" Napatingin siya kay Phoebe. Nasa mukha nito ang pagkagulo at nalilitong tingin sa kaniya. "Sino ka ba?!" sigaw ng lalake. Nasa boses nito ang takot sa mga oras na 'yon. The man should be. He's a freaking grim reaper, only that the man doesn't know it because he is in his mortal appearance. "I am with that girl you're f*****g touching with your filthy hands." Dahil sa takot, tinulak ng lalake si Phoebe sa direksyon niya pagkatapos ay kumaripas ito ng takbo. Napaiyak naman ang bata na nakasalumpak sa sahig na kaagad niyang dinaluhan. "Masakit, aray!" Pagkatapos ay umiyak ito nang makita ang gasgas nito sa tuhod na may uunting dugo. Napangiwi si Titus. This kid is f*****g loud. NAPAG-ISIPAN ni Titus na dalhin si Phoebe sa isang medical store. Nasa isip niyang gumamit ng teleportation para mapabilis pero hindi niya puwedeng gamitin iyon habang kasama ang bata, kaya ilang minute rin silang naglakad bago narating ang store at mabilhan si Phoebe ng pang-disinfect ng sugat nito. Hawak ang isang emergency kit at kamay ni Phoebe, iginiya niya itong umupo sa isang bench. Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak kaya inabotan ito ni Titus ng tissue. Tinanggap naman ito ni Phoebe. Agad nitong pinunasan ang mata at sipon nitong tumutulo na sa namumula nitong ilong. Napailing-iling si Titus at muling napangiwi sa bata. She's kinda gross. He will not deny that. He is a freaking clean kind of grim reaper. Inilabas ni Titus ang alcohol, betadine at cotton mula sa kit na kaniyang binili. Kumuha siya ng biluging piraso ng bulak at nilagyan ito ng alcohol. Akmang ipapahid niya ito sa tuhod nang pigilan siya ni Phoebe. "Huwag masakit! Alcohol 'yan." Nasa mukha nito ang pagkataranta habang hawak ng maliit nitong kamay ang kaniya. Napalunok si Titus nang may maramdamang kakaiba. Gusto niyang ngumiti pero pinigilan niya ang sarili at bumuntong-hininga. She's cute even if she is gross. "Okay." Tumayo siya at lumingon sa paligid. Napapaligiran sila ng iba't ibang klase ng pagkaing-pambata. Mayro'ng hotdog standee, burger at candy store. Hindi niya alam kung ano ang gusto ni Phoebe para malibang niya ito habang nililinisan ang sugat nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD