"What do you want to eat?" tanong niya kay Phoebe.
Agad naman may tinuro ang bata sa isang direksyon. "Iyon po. Gusto ko ng ice cream." May itinuro pa ito. "Pagkatapos hotdog po, iyong may ketchup at mayonnaise."
Pinipigilan ni Titus ang sarili na ngumiti. He feels somewhat happy because of Phoebe. The kid is adorable and cute.
"Stay right there. I will buy those for you." Mabilis siyang tumalikod at lumapit sa nagbebenta ng ice cream.
The vendor only has vanilla, ube, and cookies and cream flavor. "Give me two large cups of vanilla, same with cookies and cream."
Magaling kumilos ang vendor. Nagpakita pa ito nang ilang tricks sa mga batang nanonood kaya lumingon siya kay Phoebe. Nanonood ito sa mga batang naglalaro ng bula habang may isang matanda na may hawak na biluging bagay kung saan naglalabas ng malaki at mahabang bula na ikinatutuwa ng mga nando'n.
"400 po lahat, Kuya." Binigyan ni Titus ng buong limang daan ang matanda at hindi na hiningian pa ang vendor ng sukli bago kinuha ang apat na malalaking cup na ice cream.
Nilapag niya ang mga ice cream sa gilid ni Phoebe. "Eat this first. I'll get your hotdogs now." Kinuha naman agad ni Phoebe ang ice cream at nagsimulang kumain.
Agad na lumapit si Titus sa nagtitinda ng hotdog at bumili rin ng apat na piraso. Pagkabalik niya kay Phoebe, nagmukha na naman itong marungis dahil sa nagkalat na vanilla ice cream at cookies and cream na sabay nitong kinain.
Titus shook his head. Mukhang nailibang na niya ang bata kaya muli siyang naghanda ng bulak na may alcohol. Habang kumakain si Phoebe, dahan-dahan niyang nilapit ang bulak sa gasgas nito hanggang sa lumapat ito sa balat ng bata.
"Aray," Mahinang daing ni Phoebe ngunit wala sa mukha nito ang sakit.
Dahan-dahan niyang pinunasan ang dumi at dugo sa gasgas nito hanggang sa malinis niya ang balat nito. Sunod niyang pinahiran ito ng betadine para manuyo agad ang gasgas sa balat ng bata.
"Thank you po."
Napatingin siya kay Phoebe dahil sa sinabi nito. Nakangiti ito sa kaniya habang hawak ang cup ng ice cream na halos nasa unti na lang ang laman.
Now that he is done disinfecting Phoebe's wound, he checked his wristwatch.
It was 6:55 in the evening.
Now, that made him worry again.
Napatingin siya kay Phoebe nang hilain nito ang long sleeve niya.
"Ayaw ko na po ng hotdog, gusto ko naman po ng Mcdo."
Napanganga naman si Titus. Hindi na rin siya siguro dapat magulat. Galing sa isang mayamang pamilya si Phoebe. Napatigil siya nang may maisipang itanong.
"Do you know Ava Sarmiento?"
Dahan-dahang nawala ang ngiti sa mukha ng bata at napalitan ito ng kalungkutan. "Siya po ang Nanny ko." Umangat ang mukha nito sa kaniya. "Paano mo po siya nakilala?"
I'm the one who collected your mother's soul. He wanted to say that but he answered... "She's a friend."
Tumango naman na malungkot ang bata. Marahil hindi na nagtanong dahil napakainosente pa nito.
Wala nang araw nang makarating sila sa McDo. Muling bumalik ang kasiglahan ng bata lalo na nang pinagbigyan niya itong bilhin ang gusto nito.
Marami siyang nakain habang inobserbahan ang bata at kung paano ito kumain. Halatang bini-baby ito ni Ava dahil sa kailangan niya pang minu-minutong punasan ang pagkain na dumidikit sa pisngi at bibig nito. Ngunit hindi nagkulang si Ava sa pag-aalaga at pangangaral kay Phoebe. He gives her that.
Mabait ang bata at may respeto. Nakita niya iyon nang binigyan ni Phoebe nang upuan ang isang matanda na walang kasama.
He's a little bit happy for Ava. She did well taking care of her daughter even though she can't let Phoebe know that she is her mother.
Talaga ngang madaya ang tadhana. Kung sino pa ang taong may butihing puso ay saka pa ito ang pinagdamutan.
"Siguro po, uuwi na lang akong mag-isa," biglang sabi ni Phoebe habang kumakain ito ng fries.
"Why? You're just a kid. Do you even know your address?" he asked.
May nilabas si Phoebe na maliit na wallet at may kinuhang papel bago inabot sa kaniya.
It was an address. Hindi makapaniwalang napatingin si Titus kay Phoebe. Ngumiti naman ang bata sa kaniya.
"Sabi sa akin ni Nanny, lagi ko daw iyan itatago para kung sakali na mawala ulit ako, may ipapakita po daw akong address ko para dalhin ako pauwi."
His forehead creased. Ulit? "Why? Are you always being lost?"
Tumango ang bata na ikinainis niya. "Hindi naman po kasi ako iniintindi ni Dad at Mom simula nang dumating si baby Aliyah."
Fuck her parents! Hindi siya makapaniwala. Talaga bang pinabayaan ng mga magulang nito si Phoebe dahil nagkaroon ito ng anak na galing sa kanila at hindi kay Ava?
Naiyukom na lamang niya ang kaniyang kamao. He can't do anything with Phoebe. He will stop his madness right after he is done bringing Phoebe home.
"Eat faster. I will bring you home."
Inosenteng tumango lang ang bata at masayang inubos ang pagkain nito.
Pagkatapos nilang kumain ay agad silang sumakay ng sasakyan. Titus know where to go. Inabot rin sila nang isang oras dahil sa light traffic kaya nakatulog na lang ang bata sa kaniyang balikat habang nakakandong ito sa kaniyang binti.
Pinili niya na lang buhatin ang bata tuwing sasakay para hindi na ito magising pa hanggang sa tumigil ang sinasakyan nilang taxi sa tapat ng isang malawak na mansion.
Binayaran niya ang taxi driver ng isang libo bago bumaba at hinarap ang malaking mansion. Isinisigaw ng buong imprastraktura ang kayamanan ng pamilyang nakatira dito. Mula sa fountain hanggang sa mga halaman at bulaklak na nakapalibot.
Mabilis na lumapit ang isang guard at maid sa gate nang mapansin siya ng mga ito.
"Naku, Phoebe! Lagi ka na lang nawawala," Naiinis ngunit may pag-aalalang sabi ng maid pagkatapos kunin sa kaniya ng maid si Phoebe.
Nang parehong na kay Phoebe na ang atensyon ng guwardiya at kasambahay ay pinili niyang mag-invincible.
Nasa mukha ng dalawang mortal ang pagtataka at pagkagulo ngunit hindi na niya iyon pinansin at minabuting mag-teleport sa tapat ng 26th Division.
Habang naglalakad papasok, ramdam niya ang tingin ng mga grim reaper sa buong hall. Wala siyang pakialam ngunit napatigil siya sa paglakad nang biglang humarang sa harapan niya ang kanilang chief ng division.