"Titus Dimitriadis, you fell from your current rank, and the boat is not all filled because some souls become in the status of missing. This is just a precaution. You can not have a vacation, but you can eat, rest and do what you want in your barracks. Are we clear?"
Malamig na tumango lang si Titus bago nagpatuloy sa paglalakad papunta sa kaniyang barracks.
He sighed after taking off his fedora and putting his scythe away.
What he did today is something a grim reaper usually does not do. Having contact and communicating with a mortal is something a grim reaper should avoid because that is one of their laws.
But he can't let Phoebe alone too. He cannot stop the madness he's feeling.
He doesn't care about receiving a warning. He knows to himself that he can do his job quickly so that right after doing his job, he can visit Phoebe again.
1 year later, year 2000
MAINGAY ang buong mansion sa pagdating ng mga pinsan ni Phoebe galing sa ibang bansa. Halos lahat ng maid ay nakabantay sa bawat utos na ibinibigay sa kanila.
"Ano ba?!"
Napalingon si Phoebe kay Gian. Mas matanda ito sa kaniya ng tatlong taon at pinsan niya ito mula sa kapatid ng kaniyang Mom.
"I said, gusto ko ng banana sundae, ano? Mga wala ba kayong alam?!" pasigaw nitong sinabi na ikinanuot ng noo ni Phoebe.
Wala itong mga galang. Hindi na nakakapagtaka. Phoebe's cousins came from Greece. All of them have greek blood, actually. Parehong marunong mag-ingles at tagalog pero pasadong bagsak sa Good Manners at Right Conduct. Rhoades is known for its unending group of companies, that's why they have managed to keep their wealth coming.
Kaya naman ang mga anak ng mga nagmamay-ari sa mga kompanya ng Rhoades ay nabuhay na sagana sa pera at sunod sa layaw. Kahit pa'y milyones ang gastusin ng mga ito ay hindi sila takot magwaldas ng pera.
But Phoebe is different from them.
Pinalaki siyang may respeto sa matatanda at sa murang edad ay marunong na siyang umintindi sa mga bagay-bagay.
Nilapitan ni Phoebe si Gian pagkatapos magsi-alisan ng mga kasambahay na pinagsisigawan nito kanina. "Kuya Gian, huwag mo po sana pagalitan si Ate Nika. Mabait naman si Ate Nika, eh."
Nagkatinginan ang mga pinsan ni Phoebe sa kaniya at sabay na nagsipagtawanan sa kaniya. "Why would Gian respect her? Don't you know that our family is paying for their service?" sagot ni Leann na agad naman sinagot ni Phoebe. "Kahit na po, mas matanda po sila sa atin. Ang sabi sa akin ni Nanny kahit sino na mas matanda pa sa atin, dapat ginagalang."
Mas lalong naging malakas ang mga tawanan ng mga pinsan ni Phoebe kapagkuwan ay lumapit si Gian kay Phoebe at may kalakasang dinuduro ang noo ni Phoebe.
"You should also know your place, Phoebe. Sinabi mo na dapat galangin naming ang matanda na iyon? Kung gano'n bakit mo kami sinasabihan? Mas matanda kami sayo, hindi ba?" nakangising sabi nito pagkatapos ay tinigilan ang noo ni Phoebe na naiiyak na napaatras.
Sure, Phoebe is hurt. She's just a kid. Hindi siya sanay sa pakikitungong natanggap niya sa kaniyang mga pinsan.
"Mga bad kayo!" sigaw niya na muling ikinatawa ng mga pinsan niyang nando'n.
"Phoebe, we're not bad. We just know how to rule cause you know, we are rich!" Sagot naman ni Katrina na mas matanda sa kaniya at kapatid ni Leann. "And stop being dramatic. You're Nanny is dead. Gone."
Hindi kinaya ni Phoebe ang sinabi ni Katrina. She ran away far from her cousins. Far from the big grandiose mansion, she feels like she doesn't belong.
Hanggang sa tumigil siya dahil sa pananakit ng paa at tuhod niya kapagkuwan ay napansin niyang wala na siya sa kanilang village.
"Nasaan ako?" she said as she roamed around and watch people do their routines.
She doesn't know the place. Hindi siya gaanong pinapalabas sa kanilang mansion kaya hindi niya alam kung saan lugar na siya napupunta habang patuloy na tumatakbo at naglalakad.
Kung makakalabas rin naman siya, nangyayari lang iyon kapag pinasama siya ng kaniyang Daddy na hindi rin naman talaga siya binabantayan kasama ng Mayordoma nilang si Mori kung kaya't nangyari iyong pagkawala niya isang taon na ang lumipas.
Nang gabing iyon ay alam ng Daddy at Mommy niya na nakauwi na siya pero mga wala itong pakialam. Inaasahan niya na sasalubungin siya ng pag-aalala ng mga magulang pero hindi nangyari iyon.
Dahil sa pagod at lungkot, sumalampak sa tabi ng isang puno si Phoebe. Hindi niya dala iyong papel na may address niya para makahingi siya ng tulong at makauwi.
Napabuntong-hininga si Phoebe at nagsimulang maiyak nang maalalang bukas ay kaarawan niya. Masakit sa kaniya na wala ang kaniyang Nanny sa kaniyang 6th birthday. Ang Nanny Ava niya lang ang tanging kasundo at kalaro niya sa mansion.
Ni isa sa mga kamag-anak niya ay hindi siya binigyan ng oras makasama siya. Philip Rhoades, her Dad is always busy with their company while her Mom, Francheska, can not pass the day without bidding too much on auctions and buying luxurious things. Pare-pareho itong may gawain na kahit kailan ay hindi siya isinama o pinaglaanan man lang ng oras.
Sa lahat ng oras na kailangan at gusto niyang makasama ang Daddy at Mommy niya, hindi siya nito pinagbigyan. Ang tanging nasa tabi niya lang ng mga oras na 'yon ay ang Nanny niyang si Ava.
"Bata, anong ginagawa mo dito?"
Napaangat ng tingin si Phoebe sa nagsalita. The boy was way more taller than her. Marungis at namumula ang mga mata.
"Nawawala po ako, Kuya. Hindi ko po alam kung paano makakauwi."
Ngumisi ang binata na medyo ikinatakot ni Phoebe.
One of the things her Nanny taught her was never talk to strangers. Ang binatang nasa harapan niya ay hindi kagaya ng lalakeng sumagip sa kaniya isang taon na nakalipas. The boy was high on drugs but Phoebe doesn't notice it.
"Sumama ka sa akin. Ihahatid kita sa inyo."
Umiling si Phoebe. She knows the boy was dangerous but still, she wants to be polite and respectful. Mas matanda ito sa kaniya. "Okay lang po ako. Kaya kong umuwi mag-isa."
Nauulol na tumawa ang binata. It gave Phoebe the feeling of being trapped by the boy. Pakiramdam niya'y mali na kinausap niya ang lalake.