[Clover] . "Clover...tara sa baba... ang daming pagkain!" masayang sabi ni Hannah sabay hatak sa akin. "Teka lang naman, mapipilayan ako! Ano ka ba?" sagot ko. Pero sige pa din ang hatak niya sa akin. Hindi ko na nagawang maibaba yung libro na binabasa ko. Saan ba kasi nanggaling yung mga pagkain na sinasabi nito? Nagulat ako sa nakkita ko pagkababa namin. "Judd?" Bakit parang natuwa ang puso ko? Parang pumitlag ito pagkakita sa kanya? Weird! "Hi! Nagdala lang ako ng pagkain. Baka kako tinatamad pa kayong lumabas ni Hannah." nakangiting sabi niya sabay turo sa mga brown bag na mukhang pagkain ang laman na nasa ibabaw ng center table. "Kanina ka pa ba?" tanong ko sa kanya habang pasimpleng pinagmamasdan siya.

