[Judd] Tanghali na ko nagising after ng birthday celebration ni Clover. Nakakapagod ding mag-prepare lalo pa at rush. Nang malaman ko kay Tita Clarissa na birthday pala ni Clover sinabi ko sa kanya nag na siyang mag-abala at ako na ang bahala provided na dito sa bahay ang venue. Mas komportable kasi akong gumalaw sa kitchen namin.Hindi ako makapaniwalang kaya ko palang gumawa ng ganung preparations? All for Clover... Sana naman nagustuhan niya lahat ng hinanda ko para sa kanya. Mula sa kanta ko hanggang sa food. At pati na rin yung necklace na bigay ko sa kanya. Buti na lang hindi kasamang dumating nung kaibigan niya yung Raymond na laging tumatawag sa kanya. I have a hint na yun ang sinasabi niyang boyfriend niya. Kung nagkataong kasama iyon, masisira