Book 3 MOVING ON

1328 Words

Nagising ako kinabukasan sa mga katok ni Nanay sa pinto ng kuwarto ko. "Hannah? Nagdala ako ng almusal mo. Baka nagugutom ka na," dinig kong sabi nito sa labas ng pinto. "Nay, lalabas na lang po ako mayamaya!" pasigaw kong sagot para marinig niya akong mabuti. Narinig ko ang paalis na mga yabag ni Nanay. Unti-unti akong bumangon at saka sumandal sa headboard ng kama ko. Unang nahagip ng tingin ko ang damit na isinuot ko kagabi. Nakahanger na ito sa likod ng pintuan ng kuwarto ko.. Si Nanay siguro ang naghanger nun. Huling naaalala ko ay basta ko na lang ito iniwan sa sahig kung saan ko ito hinubad kagabi. Bigla ko tuloy naalala iyung nangyari kagabi. Biglang bumalik uli ang sakit. Bigla akong napalingon sa salamin sa kuwarto ko. Ang nakikita ko doon ay ang kakaibang Hannah. Hindi iy

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD