Nakaupo ako ngayon sa may garden ng university habang hinihintay iyung tatlong baliw kong kaibigan. Sa state University kami nag-enroll ng College. Bukod sa hindi naman kami anak- mayaman, bukod kay Mitch na pinsan ng mayamang si Chad, ay umiwas na lang din kami na mag-enroll kung saan naka-enroll ang barkada nila Adam. Napahiwalay ako dun sa tatlo kasi Accountancy ang kinuha ko samantalang sila ay puro tungkol sa IT course ang kinuha nila. Alam ko kasing iyun din ang balak kunin ni Adam kaya iwas na lang din ako. Ayokong pag nag-apply na ako ng trabaho ay magkrus na naman ang mga landas namin. Buti na lang at two weeks na lang noong pagkatapos ng Prom NIght ay Graduation Day na. Konting panahon ko na lang iniwasan si Adam. Actually, hindi naman ako nahirapang umiwas sa kanya kasi su

