[Judd] . Nasa biyahe na kami ni Clover pauwi ng San Pedro galing ng Cebu. As usual, Si Mang Pedring ang sumundo sa amin sa airport. Pasimple kong nilingon ko si Clover at nakita kong nakapikit ito. Natutulog o nagtutulug-tulugan? Nagkaroon ako ng pagkakataon na pagmasdan ang mukha ni Clover. Still the angelic but fierce face two years ago. Napangiti ako nang maalala ko ang nangyari sa Cebu. Sa paghahangad ng mga magulang namin na may mangyari sa amin sa Cebu at magka-apo agad sa amin, ang tanging pinabaon ni Tita Clarissa kay Clover ay mga pangloob at mga sexy na pantulog. Naalala ko pa kung paano niya itinago sa akin iyun nung unang gabi at tiniis na huwag kumain. Kinailangan ko pa siyang ipag-shopping ng mga damit kahit hindi siya nakiusap sa akin.

