[Clover] . Nagising ako na parang mahirap huminga at hindi ko maikilos ang katawan ko. Anong nangyari sa akin? Pagdilat ko ay tumambad sa akin ang isang pamilyar na mukha na halos nakadikit na sa mukha ko. Ano ba to?! Tamang tama namang gumalaw ang kamay nitong nakahawak sa bewang ko at lumipat sa isang dibdib ko. Pu--tik! Hindi lang yun! Yung isang hita niya ay nasa pagitan ng mga hita ko! Masyado bang nahimbing ang tulog ko kaya di ko naramdaman ang pagdikit sa akin ng bwisit na to?! Pinilit kong tanggalin ang braso at hita niya sa akin. Umungol lamang siya. "Mmm..." "Judd! Let go of me!" mahina ngunit may diin kong sabi. "Tss...go back to sleep. Antok pa ko e..." sabi nito.

